Chapter 15: All Lovey-Dovey & Never-Ending Jealousy

919 25 5
                                    

Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog. Tumingin ako sa paligid at nasa isang familiar room na naman ako ngayon. Daniel Ford’s room. Ilang gabi na ba ako natutulog dito?

Tumingin ako sa paligid to look any signs of him. Pero wala. Bumangon ako at nakaramdam ng kaunting pagsakit ng ulo. Julia, you collapsed again! Sino ba naman kasi ang hindi manghihina eh wala akong kain hanggang hapon kahapon, nabasa pa ako ng ulan at nagtrabaho. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Manang at si mama sa dining table.

“Oh nak? Okay ka na ba? Hindi na ba masakit ang ulo mo?” tumayo si mama para puntahan at alalayan ako.

Okay na po ako” tipid na sagot ko naman.  Umupo ako sa gitna nila ni manang. Napansin naman ni manang na parang patuloy ako sa pagmamasid sa buong bahay.

“Si sir pumunta ng botika. May nakalimutan kasi siyang gamot dun sa binili niya kahapon”
biglang pagi-inform sa akin ni manang kahit hindi ako nagtanong.

“Ah” Naalala ko lang. Panaginip ba yung narinig ko o nangyari talaga?

“Back Off. Kaibigan ka lang. Boyfriend niya ako”


Inamin niya kay Kiko na kami? Ano na lang ang naging reaksiyon niya dun? Ba’t niya yun ginawa? Ugh. Ang kapal niyang sabihin nun eh may ibang babae nga siyang kasama dun sa library.

“Nak. Nakalimutan ko palang sabihin. Lalabas na ng ospital mamaya si Paulo. Ngayon, pupunta kami ng probinsiya dahil kailangan daw muna niya magpahinga. Nagrequest si Paulo na pumunta dun. Gusto siguro ng sariwang hangin. Hindi ka naman pwede sumama dahil may klase ka. Ano anak? Dito ka muna?” Dire-diretso at walang prenong sabi sa akin ni mama. T-teka? Iiwanan nila ako dito? Ayoko nga!

“Ma! Ay-“ biglang bumukas ang pinto dahilan ng pagtigil ko sa pagsalita. Pumasok na nga sa loob ang magaling at nag-iisang Daniel Ford. May dala siyang supot na sa tingin ko’y gamot ang laman. Tumingin siya sa akin ng sandali at tinuon agad ang atensyon kay mama. So hindi man lang siya magtatanong kung kamusta ako? Fine! Di wag!

“Ma. Dun na lang ako muna kela Jae kung aalis kayo.”
Pagpapatuloy ko at inirapan si Daniel.

“Okay lang din naman sa akin yun. Oh ano Daniel? Dun na lang daw muna si Julia”
nakaharap na siya ngayon kay Daniel.

Tumitig naman ako sa kanya habang naghihintay ng sagot.

“Hindi po ako papayag” malamig niyang sagot sa mama ko. W-what?

“Dito na lang po siya para mas safe at mas madaling makapunta sa campus” blanko niyang dagdag.

“Julia, anak. May punto naman din si Daniel. Mas ligtas ka naman dito, bakit mo pa iistorbohin si Jae?”

“P-pero k-kasi…”


“Magre-ready na tayo? Susunduin na natin si Paulo. Di po ba?” Singit ni Daniel. PRENO!

“Ngayon na kayo agad aalis?!”
Napatayo ako sa gulat. Minutes ago lang nagpaalam tapos aalis na pala agad sila?!

“Wag ka nang sumama, nak. Magpahinga ka na lang”

“Ayoko po! Sasama ako! Hindi pa ako nakikita ni Paulo!”
bulyaw ko naman. Pumayag naman si mama at pumasok na sa kwarto namin habang si Daniel ay nasa kwarto niya na. Nagbihis na rin ako at tumungo na kami papuntang ospital. Hindi pa rin ako kinikibo ni Daniel hanggang sa hinatid namin sila mama sa terminal. Ayoko naman maunang magsalita dahil may kasalanan siya sa akin. Habang ako, hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanya at bakit ganyan ka lamig ang trato niya sa akin. Pauwi na kami ngayon sa condo.

“Sinabi mo ba kay Kiko na boyfriend kita?”
I made the first move dahil parang wala siyang balak magsalita. Besides, I need to know if alam na ng bestfriend ko ang tungkol sa aming dalawa.

“Ha” he scoffed.

“Nagkasakit ka na at lahat-lahat. Si Kiko pa rin ang nasa isip mo”
Natahimik naman ako bigla. Hindi pa pwedeng magtanong lang?

Hindi ko na kaya pagkatahimik ng surroundings ko! I need fresh air.

“Ihinto mo na lang ang sasakyan sa susunod na kanto”
I was referring to the intersection papuntang park. Dun na lang muna ako hanggang gabi nang sa pag-uwi ko, nasa kwarto na siya at tulog na!

“Hindi pwede”


Tiningnan ko naman siya na may anong-problema-mo look pero nakatingin lang siya nang diretso sa daan. 

“Pwede ba! Ihinto mo ang sasakyan dun! Kung ayaw mo, eh di bababa ako dito! Bahala ka!”
sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang galit. Bwiset lang kasi. Hindi ko alam kung anong rason niya at kung bakit ganito siya ka bipolar! Dagdag niyo pa ang babaeng kasama niya sa library. Mauulit yata ang sakit ng ulo ko eh.

Inihinto niya naman sa daan agad ang sasakyan. Very harsh ang paghinto niya at tumingin sa akin.

“HINDI KA NGA PWEDENG LUMABAS! SA CONDO KA LANG!” halos nanliit naman ako sa lakas ng boses niya. Oh ba’t siya galit?

“Ano bang problema mo ha?! Ano bang kasalanan ang nagawa ko?” Hindi siya sumagot at nakatingin pa rin sa akin na may nanlilisik na mga mata.

“Ah. Pabigat na baa ko? Dahil nakikitira ako sa inyo? EH DI SABIHIN MO LANG! SINABI KO NAMAN NA KINA JAE NA MUNA AKO!”
Wala na akong maisip na dahilan!

“Itigil mo ang mga drama mong ganyan”
medyo mahinahon niyang sabi pero sobrang cold pa rin.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now