2x02: Memory Bank

485 21 5
                                    

JULIA


Sinundan niya ako nang sinundan. Paulit-ulit siyang nag-apologize. He seemed sincere. I gave up. Kaharap niya ako nga yon. He's treating me dinner.


"So your name's Julia at t-three days ka lang dito sa Guam?" this guy's name is Enrique pala. Ang lakas maka-espanyol, right? Well, hindi na umubra ang pa-suplada effect ko. Hindi na ako nagmaganda. Let's say siguro tinakda lang talaga na magkapareha kami ng maleta.


"Oo. Bakit ba?" gulat na gulat kaya siya nung sinabi kong Julia ang pangalan ko.


"I'm sorry. It's just that I have a friend whose name is Julia, also" napatigil naman ako sa paghihiwa ko ng steak. Ganun ba talaga ka-common ang pangalan ko? Dati eh may kapangalan din ako a! Kahit anim na taon na ang lumipas, meron pa rin?


"Ah" tipid na sagot ko.


"Pero seryoso? Guam is very beautiful tapos tatlong araw ka lang?" ininom niya ang wine niya.


"Work won't allow me to stay any longer" ininom ko na rin yung akin.


"Ikaw? Ba't ka napabakasyon dito?"


"To have fun, of course. Last shot ko na 'to bago bumalik ng Manila and do things.. let's say work things up" pinunasan niya na ang bibig niya gamit ang table napkin.


"Ah. What work?" na-curious ako bigla. May pagka-businessman rich person siya eh.


He then smirked at me and used his finger to signal me to come closer. Lumapit siya sa mesa kaya napalapit rin ako.


"Secret" he whispered.


Wow. Grabe akala ko kung ano. Napatigil lang ako at napatingin sa kanya. Hindi rin siya bumalik sa pag-upo at tumingin rin sa akin. We were so close and I didn't know what's in me but...I can't seem to stop looking at him.


Stop Julia. Stop! Sumigaw na ang utak ko at lumayo't umupo na ng maayos.


"Ahem. Ahem" napa-ubo ako at inubos yung wine.


"I can't give you all my info, for now" he smiled again kaya nalunok ko ng diretso yung ininom ko. Ano bang nangyayari sa iyo, Julia? Ugh naiilang ako. Wala na akong nagawa kundi iwasan ang tingin niya.


Bigla namang may lumabas na mga waiters at waitresses na nakacostume pangsayaw. May pinatugtog na music at ang nakakagulo lang ay papunta sila sa table namin. Wait, to add up to that, huminto sila sa table namin.


Binigyan ko si Enrique ng "anong-nangyayari" look. Umiling lang siya at halatang naguguluhan rin.


"Hello guests! You just won the special event organized by our hotel!" nagsalita na ang isa sa kanila.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon