Chapter 24: Engagement Party

731 23 6
                                    

"Talaga?! The promising fashion designer, Julia Barretto... ang magde-design ng wedding gown mo?!" nakavideo-call kami ngayon ni Jae at Kiko. Hindi ko nga alam kung bakit magkasama ang dalawang ito ngayon eh. Anyways...

I just replied with a sigh.

"Ba't hindi ka masaya? Alam mo ba kung magkano ang mga pieces na gawa niya?" Oo, wala akong alam. Dahil hindi ko alam na instant pala ang lahat sa mga katulad nila. Si Daniel, biglaang naging COO. Tapos etong kaibigan niya, sikat na fashion designer na pala.

"Sino bang sasaya kapag nalaman mong ang gagawa ng damit pangkasal mo ay ang ex ng papakasalan mo? Tama ba, tabs?" Mabuti pa 'tong si Kiko, nakaka-gets agad.

"Ah.. tama. Tama. Napanood ko na iyan eh. Doon sa isang series, yung ex ng lalaki ang kinuha na baker ng wedding cake nila tapos yun! Bumalik ang feelings ng dalawa! Pero...grabe ka naman Julia, wala ka bang tiwala kay Daniel?" napa-isip ako sa sinabi niya. Wala naman akong masyadong issue doon. Dahil matagal nang pinaliwanag ni Daniel na kunwari lang yung relasyon nila. Ewan ko ba, napaka-weird kasi sa feeling.

"At tabs... ano bang meron at magpapakasal kayo agad?" Napatingin ako sa screen ng laptop ko kung saan nakikita ko ang mga worried na mga mukha ng mga kaibigan ko. Agad nga ba talaga? Ni-hindi ko na nga inopen-up kay Daniel ito dahil sure naman akong hindi siya makikinig at baka pagsimulan pa ng away.

"T-tabs kasi..." alam niyo ba yung feeling na wala kayong masagot? Ano nga ba?

"O eto na lang girl, para mas madali. Ano bang nag-udyok sa iyo na magpakasal" tanong ni Jae.

"Okay. Ganito kasi yun, diba nga hindi ako natanggap sa Canada? Tapos biglang nagpro-pose sa akin si Daniel? Feeling ko kasi sign yun ni Lord eh. Alam niyo yun?" Nakatingin lang sila sa akin na may blankong ekspresyon sa mukha.

"Ah..." Jae said in a mocking tone.

"Talaga?" sabat naman ni Kiko sa parehong tono.

"Ayy ewan ko sa inyo! Basta umuwi kayo dito!" kaka-inis naman. Ang mga kaibigan ko kasi, weather weather ang katinuan. Minsan mo lang nakakausap ng maayos.

-----------------------------------------------------------------------------------

Kagagaling ko lang sa horse-back riding session kasama si Julia Barretts. Oo, Barretts na ang gusto kong itawag sa kanya dahil medyo hindi ko na nagugustuhan na magkapangalan kami. At kung tatanungin niyo ako kung bakit siya ang kasama ko, siya kasi yung magaling at utos din sa kanya ng mama ni Daniel. Alam niyo ba kung ilang beses akong napatilapon sa lupa? Mga limang beses lang naman. Hayyy. Nandito ako sa condo ni Daniel, nasa kwarto ko...nakahiga. I mean, naka patagilid na higa dahil nga sobrang sore ng likod ko.

Maya-maya pa't may tumatawag sa akin. Unknown number. Tamad kong kinuha sa may may lamp table ang phone at sinagot ito.

"Sino 'to?" yung tono ng pananalita ko ngayon, parang bagong gising lang. Hindi naman ako natulog pero super super grabe ang pagod ko.

"Julia.." pagkarinig ko pa lang ng boses ay bumangon na ako agad.

"Ah-uhm. Y-yes y-yes po?" shemay, ano na naman ang kailangan ng nanay ni Daniel sa akin?

"Kamusta yung lessons mo?" SHT SOBRANG AYOKO NANG UMATTEND ULIT!

Gusto ko sanang sumigaw pero..."Okay naman po" mahina kong sagot.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now