Chapter 5: Not Lovers' Quarrel

949 36 5
                                    

"Ha? paki-ulit nga nang sinabi mo. A-ano?" Di ko gets. G-gusto? Gusto daw? HA! Ang joker nya.

"I like you Julia. I do like you" nag-iwas tingin siya sa akin.

What? ngayon sigurado akong may sayad talaga siya sa utak!

" Pwede ba Daniel, tigilan mo ako sa mga ganyang bola mo. Ibabalik ko na sa iyo yung towel at wag na sana tayong magkita ulit" Aalis na sana ako pero may bigla siyang inabot sa akin. Isang maliit na red box. Tiningnan ko lang yung box dahil wala talaga akong alam sa nangyayari. Di ko na sana yun pinansin ngunit kinuha nya ang kamay ko at nilagay ang box sa palad ko. Dahil wala na akong magawa, binuksan ko yung box.

Inside that box are two rings. Isang panlalaki and isang pambabae. Napakaganda nung dalawang singsing dahil sa diamond nito. I was really surprised. It looks expensive to the sense na mamatay muna siguro ako sa kakatrabaho before ko ito mabili.

Nakatunganga pa rin ako hanggang sa magsalita si Daniel.

"I was planning to give it to you that night. The board's ball. But i was not your partner then kaya ngayon ko na ibibigay."

"H-ha?" Ano daw?!?!

"2 days. 2 days Julia. It's either you wear that and you'd put the other one on my finger or just throw it away." He said then left.

Ngayo'y ako ay nakanganga habang tinitingnan ang box. Ang bilis eh. Sobrang bilis. As if naman Julia gusto ka talaga nun. Trip nya lang siguro. For sure, trip nya lang talaga.

Eh? Trip nya nga lang ba talaga?

————————————

Ang sarap sarap ng tulog ko ngayon sa canteen kahit na rinig na rinig ko ang kumukulo kong tiyan. Plus good music, okay lang kahit gutom! But then, naputol ang kaunting happiness ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Grabe lang. Ang bastos lang nang tumatawag sa akin ngayon. Without looking at the phone and not knowing who is calling, sinagot ko lang ang tawag.

"Oh?" napakarude lang ng "hello" ko. Sorry bagong gising!

"Kumain ka." sabi sa akin sa kabilang linya.

Umayos ako ng upo at medyo nagstretching pa.

"Ano?" Pag-uulit ko.

"I told you you should eat." Ohmygod. Nagpanic ako bigla. Alam ko kung sinong nagmamay-ari ng boses na ito. I looked around for any signs of him. Para akong baliw na patingin-tingin sa paligid. Ugh Julia. Ba't ka nga ba natatakot dyan? Julia, kalimutan mo yung sinabi nya sa iyo kahapon! I cleared my throat and turned myself into someone na malayong-malayo sa kung ano ako seconds earlier.

"Excuse me Mr. Ford but i think you should mind your own business. Yung sing...si...  ng..." sobra lang. Nagfade-away na ang boses ko nang biglang sumulpot sa harapan ko ang dalawang tao mula sa canteen staff na may dalang tray.

Vegetable salad.

Lasagna.

Pineapple Juice

Isang pint ng chocolate ice cream.

Unconsciously, i ended the call. Hoymygad. Mesmerized lang ako sa blessings sa harap ko. Aaargh Julia! Patay Gutom ka!! Umayos ka Juls!

"Uhm, hindi po ako bumili ng mga ganito. There must've been a mistake.  " tumayo ako para mapagsabihan yung dalawang naglagay ng pagkain sa table ko.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now