Chapter 26: Believe me, I know you

472 25 7
                                    

"Doc, bakit hindi pa rin siya nagigising? Akala ko ba successful ang operation?" boses lalaki...naalimpungatan ako at nakakarinig ng boses ng isang lalaki. Pamilyar ito...Kiko? Oo, boses ni Kiko.


Hindi ako makagalaw...o sabihin na lang natin na ay ayoko ring gumalaw. Pakiramdam ko'y nakalutang lang ako at hindi ko alam kung nananaginip ba ako o hindi. Maya't nalulunod na naman ako sa antok.


Bumalik na naman ang presensiya ko...


"Kasi naman eh! Susurpresahin dapat namin siya pero kami pala ang masusurpresa. Ano bang kaluluwa ang sumanib sa babaeng ito at tumawid ng daan na parang bata't hindi tinitingnan kung safe na o hindi..." rinig ko na naman ngayon ang boses ni...Shai? Saan ba kasi ako? Paano? ... Sinubukan kong gumalaw pero narealize kong ang sakit pala ng katawan ko. Hindi yung "sakit" lang pero yung talagang masakit na masakit.


"Oo nga eh. Eto rin kasing si Daniel, ayaw magsalita kung ano talaga ang nangyari..." sa kabilang banda'y feeling ko'y nakainom ako ng isang tatlong dosenang bote ng tequila ng mag-isa. Ganyan ang pakiramdam ko ngayon at parang isang kilometro ang gap ng utak ko sa bungo ko. Nevertheless, parang sigurado naman ako kung kaninong boses yun. Jae? Oo, boses niya. Pero hindi ko alam kung imagination ko lang o totoo.


Nawala na naman ako...


This time, giniginaw ako... wala akong kaalam-alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung ilang araw na akong ganito. Or...buhay pa ba ako?


"Yung mga reporters, pinaalis ko na..." R-reporters? A-anong r-reporters?


"Thanks, Ma" biglang naging iba yung pakiramdam ko. Parang gumaan pero ang bigat. Guminhawa pero ang sikip... boses niya yun e... boses niya.. boses ni Daniel.  


"Hello, Rachel? Yes. Nakuha niyo na ang plate number? Okay. Papupuntahin naming ang lawyer namin dyan" Grabe, si Rachel pa rin ang kausap niya? Pero...p-plate number? P-plate number!!


Ngayon, napapagtagpi-tagpi ko na.


"Julia!" he's catching up. Nasa likod ko siya.

Binilisan ko ang paglalakad ko. I can't face him again this time.


"Julia!" tawag niya ulit. I bumped into someone. Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Dali, Julia. Dali! Without looking back, without looking at anything, tumawid na ako sa daan.


"Julia!" huli kong rinig bago ako masilaw sa ilaw ng sasakyan...bago halos lumipad ang katawan ko.

Na-aksidente ka, Julia!  Na-aksidente ka. So I guess I'm in a hospital? Okay, I get it.  Nakaramdam naman ako ngayon na parang kinukumutan ako. Then suddenly, someone held my hand. That warmth...alam kong kay Daniel yun.  


I realized I can move my fingers now but...I kept being still. Ayoko pa munang magising...I need a break. And just like before... I drifted again to sleep.


It's been like a day? A night? Ilang oras ba akong tulog? H-hindi ko alam. Now the surroundings feel so stuffy. I can feel presence of people.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now