Chapter 6: First Real LQ and Date

870 34 2
                                    

Binuksan ko ang box at tiningnan ulit ang dalawang singsing "Kailangan nga siguro kitang itapon."

Iniangat ko na ang braso ko na  akmang ihahagis na ang kahon na may singsing nunit hindi ito natuloy dahil biglang lumabas si mama mula sa bahay.

"Oh, nakauwi na ba si Daniel?"

"Oo ma" sabi ko habang tinatago ang box sa likod ko.

Ngumiti si mama at tumayo sa tabi ko.

"Ano mo siya?" nabigla naman ako sa tanong niya.

"U-uhm c-classmate lang? A-ay h-hindi kaibigan ko lang. Hehe" Pautal-utal na sagot ko.

"Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nung kaibigan mo" nakatingin si mama sa langit.

Hindi ako sumagot. Girlfriend? Kung alam mo lang ma. Pero swerte nga ba ako? Gusto kong magpasalamat sa kanya pero di ko kaya sabihin. Mapride na kung mapride. Sino bang masisisi nyo? ito na nga lang meron ako.

"Mabait yung kaibigan mo, nak. Pag isang araw, kailangan nya ng tulong o kung may kailangan siya at gusto na maari mong ibigay, wag ka nang magdalawang-isip na ibigay ito sa kanya. Pangalagaan mo yung kaibigan mo" - mama

Gusto na maari kong ibigay?  Kung totoo talaga yung mga pag-amin nya. Ibig sabihin 'nun  ako ang gusto nya. Kaya ko bang ibigay ang sarili ko sa kanya?

———————————

2 days. Ito na yung 2 days. Ngayon, nakaupo na ako sa kama habang tinititigan ang mga singsing. Napaisip ako ng matagal. What if ito na lang yung pasasalamat ko? Hindi naman talaga siguro seryoso ito. Baka gusto nya lang ng fun sa buhay nya. Should I? Should I wear this ring? Pero.. Bakit parang takot ako na baka nga hindi ito seryoso? Ugh Julia!! Mas mabuti nga kung hindi totoo, diba? Kung hindi mo kayang sabihin na grateful ka sa lahat ng tulong na natanggap mo, eh di pagbigyan mo na lang siya sa gusto niyang ganito. Okay! I've decided. I put the ring on my finger. Napakaganda. Like literally, it really looks beautiful. I smiled. Hindi ko alam pero parang sumaya ako. Kinuha ko na ang bag ko para umalis na sa kwarto. Bago ako tuluyang lumabas, nag-waver ulit ako. Hindi, hindi ko siya susuotin............ ........... Kasi sobrang nakakasilaw!! Mamaya may nakapansin pa at maintriga ako. Kaya... Punta ako sa drawers ko at naghanap ng alternative. Voila! Kita ko yung dating necklace na bigay sa akin ni mama. Inalis ko ang pendant at pinalitan nung singsing. Humarap ako sa salamin.

"Ayan, dyan ka na lang. Mas safe ka at hindi ka pag-uusapan" hinawakan ko ito at kinausap. Then tinago ko underneath my top.

--------------------------------------

Magaan ang loob ko ngayon! Dahil bati na kami ni Tabs!!!! Ang sarap lang sa feeling na hindi na kami magkasamaan loob. PLUS! Ang charm bracelet pa na bigay nya at yung tulips na iniwan ko sa locker!

Tiningnan ko ang relo ko at 10 minutes na lang ay darating na ang prof ko. Parang gusto ko ngang matulog, medyo inaantok kasi ako. Buong gabi ako naghanap ng malilipatan.

Malulunod na sana ako sa antok ng biglang nakatinig ako ng hiyawan ng mga babae sa labas. After a while, dumagsa ang mga babae sa harap ng classroom namin. Nakakairita din 'tog mga classmates ko! Pinikit ko ang aking mata at biglang tumahimik. Salamat! At makakatulog na ako ng maayos. Makakatulog...... Sana kung wala lang may humila sa wrist ko. Hawak pa lang, kinabahan na ako. Sino pa ba ang gumagawa sa akin nito. At hindi ako nagkamali dahil pagdilat ko, si Daniel nga ang nasa harapan ko ngayon.

"Ano na naman!?" inipon ko ang lahat ng lakas ko para hindi nya ako madala kahit san san.

"Kung hindi mo tatanggapin yung singsing ko, sana hindi ka din tumanggap kahit kanino. Kwintas man o bracelet" binulong nya sa akin na may halong panggigigil.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now