Chapter 18: Cuddling & Attacks

700 32 5
                                    

"Yes...take note. Babalik na ako bukas. Sige. Send me the file" Rinig ko na ang boses ni Daniel. Sino na naman kaya ang kausap niya ngayon? Malamang si Rachel. Dahan-dahan ko nang binubuksan ang mga mata ko. Well, I see the world. Hinanap ko kung nasan siya ngayon. Nasa may paanan pala ng kama ko. I can only see his back and thank God hindi siya naka-suit ngayon. Bumangon na ako at sumandal sa headboard. Goooooood! Ang sakit ng ulo ko. Ano ngang nangyari kagabi?

"Okay. Bye"
humarap na si Daniel sa akin. Tinapon naman niya ang cellphone niya sa kama. Nakatayo lang siya doon with folded arms. Hindi maganda ang tingin niya sa akin. Ugh. Ano na naman ba ang nagawa ko?

"Good Morning" I smiled brightly at him pero hindi siya sumagot. This won't do. Sinubukan kong umalis sa kama pero napabalik din agad ako. Seryoso, grabeng hangover naman itong nakuha ko.

Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng tubig. He sat beside be...on the bed Ganun pa rin ang titig niya.

"Wala ka bang lakad ngayon? Kung wala, umalis tayo mamayang gabi after ng trabaho ko" I am trying to be bubbly dahil ang intense ng tingin niya sa akin.

"Hmm? Sige naaa!"
Medyo lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

Inabot niya naman ang mga kamay ko sa may likod niya at inalis ito. THIS IS NOT GOOD.

"Julia" tawag niya in his serious tone. Nag-iwas tingin lang ako.

"Ano bang naisip mo at nag-iinom ka kagabi?" Galit intensity #1

"Bored ako"
mahina kong sagot.

"B-bored?!?!?! Hindi mo lang man ako hinintay?! Paano kung may nangyari sa iyo? Hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko?!" Eto na. Nagsisimula na siya. Nagtaas na siya ng boses.

"Eh kasi nga ang tagal mo! At ano bang kinagagalit mo dyan?!" tingnan niyo, pati ako nahawa sa kanya. Chill Julia!

"Wala namang nangyaring masama sa akin.." dagdag ko pa.

Napatayo siya mula sa kama at sumigaw na "That's the point! Paano kung hindi ako dumating? Paano kung may kung sinong lalaking humablot sa iyo? Paano kung ginala - Daniel" I interrupted him with his madrama lines.

"What?!"
he snapped back.

"Hindi ba pwedeng wag ka na lang mag-isip nang ganyan?" Kumunot naman ang noo niya, trying to understand me.

"Wala na ngang nangyari, diba?" I looked at him straight to his eyes. Nakakapagod kasi makipag-away.

Napabuntong-hininga naman siya. Lumapit na siya at umakyat sa kama gamit ang isang tuhod niya, bale nasa harap ko na siya ngayon.

"You don't know how much I worried about you" he said while touching my hair. Ngumiti na lang ako.

"Wag mo nang uulitin yun, okay?"
Tumango na lamang ako at umalis na din siya agad sa kama.

"Paano mo nga pala ako nahanap?"
nasa may table na siya ngayon.

"Tinatawagan kita for about 20 times? Hindi ka sumasagot. Pinuntahan pa namin ang pinsan ni Kiko pero ang sabi hapon pa lang, bumalik ka na sa hotel. Mabuti na lang sinagot nung bartender" Naglalakad na siya papunta sa ka akin na may dalang bowl.

"Here. Hangover soup yan. Uuwi na tayo"
inabot niya sa akin yung bowl.

W-what? Uuwi?! "May trabaho pa ako" hindi ko tinanggap ang soup at tumingin sa kanya.

"Julia, pwede ka namang bumalik next week. Sasamahan ulit kita" nilapag niya ang bowl sa side table ng kama.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now