Chapter 17: The House

967 27 8
                                    

"I really suggest this chandelier for your home, ma'am. Masyado po kasing mababa ang kisame niyo" kanina pa ako nag-eexplain sa babaeng ito pero hindi niya pa rin ako ma-gets. Bakit kasi gustong-gusto niya ang ice-like chandelier na yun eh ang mahal mahal?

"Talaga? Uhmm..." sige na please, pumayag ka na.

"Okay!"
Yes! Talaga naman, oo. Napapayag ko na ang client kong ito. Nakakainis lang kasi. Kinuha niya pa akong interior designer niya kung hindi naman siya susunod sa mga suggestion ko.

I've been working as a freelance interior designer for 7 months now. Pagkatapos kong grumaduate, nagreview na agad ako para sa NCIDQ Exam. Siyempre naman, pumasa ako! Actually, I worked in a firm for 3 months pero umalis din ako agad dahil medyo may favoritism dun. Kung hindi ka feel ng boss, hindi ka mabibigyan ng project. At ayoko naman nun, yun bang, gustong-gusto mong mag-design pero nasa office ka lang. BORING! Kaya naman I decided to resign, at least kahit freelance lang, kahit medyo mas maliit ang sweldo, masaya dahil you tend to meet different types of people.

"So when will you finish everything?"
nilapitan na ako ni Ms. Jones, yung may-ari ng bahay na dinedesign ko.

"Next Friday. Yan na lang naman at tapos na"
Talaga! Matatapos na din ang working hours ko kasama ang napaka-demanding na client ko.

"I see. Ano? Lunch na ta- *Riiiiiiiiiiing" Agad-agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko at sinagot ang tawag.

"Where are you?"
agad na tanong niya sa akin.

"Uhm, kasama ko pa client ko. Bakit ba?"
sagot ko naman.

"It's 12:45" Patay! Patay! Mygod tama, I forgot. Dapat kanina pa akong 11:00 umalis dito. Ugh Julia, ba't mo nakalimutan?!

"Ah. Sorry! Pupunta na ako dyan. Sorry!"
wala na akong nakuhang sagot. Pinatay niya na ang tawag.

"Lunch?" tanong ulit ni Ms. Jones

"Sorry. I need to go! Sorry talaga!" saka na ako nagmadaling umalis.

-----------------------------------------------------------------------
2:30. 2:30 na. Late na naman ako. Always & Forever!

Pagdating ko sa 22nd floor ay dali-dali na akong naglakad papunta sa office niya.

"Excuse me. Do you have an appointment?"
bigla naman akong pinigilan ng babaeng hindi pamilyar. Eh? Hindi si Anne 'to ah?

"Uhm yes? But actually, I'm already 2 hours late"
nakakunot naman ang noo ko habang sinasagot siya.

"Miss Julia!"
napalingon naman ako nang bigla kong narinig ang boses ni Rachel.

"Hi!" napangiti ako ng alanganin. Feeling ko nagets naman ni Rachel ang gusto kong ipahiwatig.

"Sorry po Miss Julia. This is Marie. Anne...resigned"
ngumiti ako sa kanya habang siya nama'y naguguluhan sa nangyayari.

"Girlfriend siya ni sir"
rinig kong bulong ni Rachel sa kanya. Natulala naman ang babae. Siniko siya ni Rachel at bigla na lang yumukod.

"Sorry po. Sorry po. Sorry po talaga. Hindi ko alam"
ay oa naman 'to! Lumapit ako at pinatayo siya ng maayos.

"Hindi okay lang" "Nasa'n siya?"
tanong ko sa secretary niya, si Rachel.

"Coming po in 5 minutes. Chineck niya lang po yung isang department sa 8th floor. Pasok na po kayo" pinagbuksan niya na ako ng pinto kaya pumasok din naman ako agad. Haaayyyy. I finally reached my destination. After halos 1 oras na traffic, nakarating din ako!

Tumayo na ako sa tapat ng napakalaking glass window kung saan kitang kita mo ang busy na daan sa baba. Napatingin ako sa bandang kanan ng kwarto kung saan ang kanyang table at ang pangalan niyang nasa isang glass block. Maya-maya't may tumatawag na naman sa akin.

*KoTabs calling...

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now