2x11: Confrontation

538 20 7
                                    

I need fresh air. Binuksan ko ang pintuan papuntang balconahe. Paano ba kasi eh kanina pa ako naiipit dahil sa ilang beses na kami malapit mabuking ni Daniel. Una, kay Kiko...next, kay Claire tapos kanina pa, yung blouse na naiwan ko sa sasakyan ni Daniel. Ugh para namang may ginagawa kaming masama nito eh.

Nararamdaman ko ang papalamig na simoy na hangin, hapon na at malapit na maggabi. Napayakap ako sa sarili ko nang biglang nakaramdam ako ng legit na yakap mula sa likod. I know this touch...

"Enrique..."

Hindi siya sumagot. Sa halip, may tinapat siya sa mukha ko.

Singsing....

Kumalas ako sa mula sa pagyakap niya at hinarap siya. When i did, he knelt down.

"Enrique..." ni hindi ko alam kung anong sasabihin.

"Marry me, Montage" nakangiti niyang sabi sa akin.

Ano sa tingin niyo ang dapat na reaksyon ko?

"No" matigas kong sagot.

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Tumayo siya.

"Wow. Na-reject ako agad" pinipilit niyang ngumiti.

"Ganito ka ba magpropose?" pinilit ko ding magbiro. I need to drive the tension away.

"Oh. So, kailangan ba may flowers at candle lights?" he seems serious now.

Hindi...hindi Enrique dahil kahit anong ganda pa ng proposal...walang kasiguraduhan na ganun din kaganda ang kinalabasan...

"Hindi" seryoso ko ring sagot.

"Enrique...sinabi ko naman sa iyo diba na masyadong pang maaga. Ano bang pumasok sa isip mo at nagpopropose ka ng ganyan?"

He scoffed. "What? Anong pumasok sa isip ko? Julia, i told you i'm serious. This is not about time or anything. Sinabi ko na na ikaw na yung gusto kong pakasalan" iritado niyang sagot.

Napabuntong hininga ako. "I am not ready, okay?"

"Sinabi ko bang ngayon na agad-agad tayo magpapakasal? I just want an assurance, Julia. I just want to like..." humina ang boses niya.

"Ano?"

"I want to like own you...i mean...like be legitly mine" napatahimik ako. Ano daw? Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Own me? What the hell?

"Ano ba naman yan, Enrique. Sige sabihin natin na umoo ako ngayon. Tapos ano? I'll be yours? Tapos sasabihin mo sa lahat na magpapakasal tayo? Tapos ano? Are you really sure that we'll still be together until the end? What if hindi? How will you handle the aftermath of me being, yours pero biglang hindi pala sa huli?" I need to tell him my point. Ni hindi ko alam kung bakit nagmamdali siya. To think na napaka-sensitive ng bagay na ito.

Tumalikod lang siya while he crossed his arms. Tumahimik kaming dalawa,

"Enrique..." i broke the silence.

He faced me and he shook his head.

"You know what, i get it" his face screams disappointment.

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"I thought what we have is serious. Ako lang pala, nag-iisip nun. I'm sure i'd want to be with you till the end, Julia. Now i know you don't..." seryosong sabi niya saka siya umalis.

Naiwan ako doon. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin dahil sa sinabi niyang yun. Kahit anong pagbabaliktad ang gawin ko, masyado pa ring mabilis ang nangyayari...ang gusto niyang gawin. OO AAMININ KO, I'M STILL TIED TO THAT HAPPENING IN MY LIFE YEARS AGO. TAKOT AKO, AT HINDI KO KAYANG SABIHIN KAY ENRIQUE YUN.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now