2x19: End

548 30 13
                                    

"N-nadisgrasya daw po s-sila..."

Nanginginig ang buong katawan ko habang papasok ng hospital kung saan dinala si Kathryn at Daniel. Binalot ng kaba ang buong puso ko at hindi ko alam kung anong gagawin. Paano...Bakit kailangang mangyari ito?

Kasabay ko si Rachel na kanina pa umiiyak. Siyempre naman eh boss niya si Daniel simula pa nang nagtrabaho ito.

Nakarating kami kami sa emergency room at andun na sa labas si Kylie na hindi mapakali. Nakita niya rin ako agad.

"Julia!" Tawag niya saka siya tumakbo sa akin at niyakap ako.

Mahigpit ang yakap na yun. At nagsimula na siyang umiyak.

"Kylie..." kumalas ako at hinawakan ang kamay niya.

"...w-what h-happened?" pautal-utal kong tanong.

"K-Kath w-was overspeeding...t-tapos n-nabangga sila ng isang truck sa i-isang intersection" Kylie was still trying to explain clearly.

She was overspeeding... Dala yun ng emosyon niya dahil sa nangyari sa office... that's for sure.

"A-ano ba kasing pinag-awayan ng d-dalawang yun at dinala pa nila sa sasakyan?" Kylie's tears were non-stop.

Binitawan ko siya.

This is my fault...

"I-I'm s-sorry..." Hindi ko na nakayanan. Tumulo na ang mga luha ko.

Tiningnan lang ako ni Kylie na may naguguluhang mukha.

"K-Kath found out... about D-Daniel and I. P-Pumunta siya sa office t-tapos nagkasagutan...k-kasalanan ko 'to" I broke down.

"Ssh. Julia no...she will really find out soon. It's just that...accidents really happen, okay? Wag mong sisihin ang sarili mo" she's trying to comfort me but it's not helping.

"N-no, i should've told her earlier...she must've felt so betrayed, K-Kylie..." I paused to let my tears fall. "... K-Kath w-was really good t-to me b-but I w-was lying to her the whole t-time" I covered my face with my hands. Hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko. I feel sorry and guilty and hurt and nervous all at the same time.

"Ssh...you had no choice" Kylie's carressing my back.

No that's not true...I've always had a choice. Kahit nung una, dapat sinabi ko na sa kanila ni Enrique ang lahat. Tama naman sila eh. Pinagmukha ko silang tanga.

"Uhm, miss. Kukuha po ako ng kape?" Nagsalita si Rachel. TIningnan lang namin siya ni Kylie saka siya tumango. Umalis din agad ito.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kylie's biting her nails out of worry while walking back and forth infront of the room. Nakayuko lang ako, trying to internalize everything. I wanted to cry. I really do pero I'm holding back. Wala naman akong karapatang umiyak...

"Kylie..." isang pamilyar na boses ang pumuno sa buong hallway. I looked at where it's coming from and I saw Enrique, and his parents habang papunta sa amin.

"Quen!" Kylie approached him and he hugged her. Tumayo ako and Quen looked at me. Dumiretso siya sa akin nang kumalas na si Kylie para yumakap sa mga magulang ni Enrique.

He looked at me with worried eyes.

"A-Anong nangyari?" he whispered.

I just looked at him. I bit my lip. I was shaking.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now