Chapter 20: Love Letter

726 29 9
                                    

"Kala mo hindi ko malalaman ha" kausap ko si Kiko thru skype. Nalaman niya na nag-apply ako for a job sa Korea. It seems like ang magaling kong kaibigan na si Shai ay nachika kay Jae na nachika niya kay Kiko.

"So ano ngayon?"
 

"Sira ulo ka alam mo ba? Eh bakit hindi ka nag-apply dito? Mas malaki kaya ang sahod. Lalo na kung sa firm namin..." klarong-klaro naman ang pag-iba ng titig niya. Kaloka...paglaruan ko nga 'to. 

Kinuha ko ang cellphone ko at nagkunwaring may tinatawagan.

"Oh sino yang kausap mo?"
Tanong ni Kiko.

"Si Daniel...sasabihin kong nilalandi mo ako" pambabanta ko. 

"Tabs naman!" Sigaw niya mula Canada. Hahahahaha

"Hello? Daniel?" Pinagpatuloy ko pa.

"Oo...si Kiko kasi...-TABS!"
Hahahaha. Eh di natakot ang mokong na 'to.

Binaba ko na agad ang phone.

"Hahahaha. Hindi ako magtatrabaho sa isang working place na kasama ka no. Mapatay pa lang tayo ng boyfriend ko..." half joke, half true yun. Siyempre naman, Daniel na yan eh.

"Hoy tabs wag ka ngang assuming dyan. Naka move-on na ako sa iyo"
sabat niya.

"Haha. Alam ko no. Anyway, nagbabalak din talaga akong mag-apply in one of the firms dyan sa Canada. Isesend ko sa iyo ang resume" i am very open sa possibility magtrabaho sa Canada. Tama naman talaga ang sinabi ni Kiko, mas malaki ang sahod dun. Well, depende na yun sa kung saan ako matatanggap. 

"Basta not in your firm or company, Kiko. I tell you"
paalala ko ulit sa kanya.

"Sure sure!" Sagot naman ni Kiko. 

After nung tawagan namin ay bumaba na ako ng kwarto para mag-almusal. Sobrang free ako ngayong araw at next week pa ang balik ko ng Cavite. 

"Nak, nagkasakit daw yung Tita Theresa mo. Pupunta kami sa probinsya bukas. Sasama ka ba
?" -mama

"Ah. Hindi na siguro ma. Marami po kasi akong gagawin eh"
actually, palusot ko lang yun. Gusto ko kasing magpahinga. Lately kasi sobrang dami kong ginagawa na halos wala na akong panahon para sa sarili ko at mas lalo na kay Daniel. Dumadaan na lang siya kada gabi dito para maghapunan. Eh mas nababawasan pa ang oras kasi it's either makikipaglaro siya kay Paulo or magbobolahan sila ni mama. 

"Oh sige. Kami na lang ni Paulo. Aalis kami bukas ng maaga"

Tumango na lang ako habang kumakain.

-----------------------------
Nagmukmok lang ako buong araw dito sa kwarto ko. Kung hindi soundtripping, nagreresearch lang about some ideas sa interior at iba pa. 

Alas tres ng hapon nang bigla na lang akong nakarinig ng busina mula sa labas ng gate namin. And that sound was very familiar...from a car of someone more familiar.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Daniel na naka-casual lang. Eh? Where's the suit?

"A-anong ginagawa mo dito?"
Ang alam ko kasi mamayang gabi pa siya bibisita.

"Bibisitahin si... miss at Paulo"
ngumisi siya pagkasabi niya nun. 

"Ah ganun ba? Pwede ka nang umalis kung ganun.  Wala sila dito eh"
isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ito. Kasi eh, loloko-lokohin pa ako.

"Wait! Haha. Nawala na ba sa vocabulary mo ang humor? Haha"
patawa-tawa lang siya. Inirapan ko naman at umupo ako sa may sofa habang si Daniel ay nakatayo at patingin-tingin sa may hagdanan.

"So nasaan si mama mo at si Paulo?"
Unang tanong niya.

"Binisita yung tiya kong may sakit"
tipid na sagot ko. Ewan ko ba. Wala ako sa mood makipaglambingan ngayon. Hahahaha

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon