2x07: Workmates

489 16 6
                                    

JULIA


 "Umalis na si Enrique kasi ang TAGAL mong dumating"
pang-iinis ni Jae pagpasok na pagpasok ko pa lang ng bahay. Kumpleto sila. Siyempre eh birthday ko.



"Hoy Hulya. Saan ka ba natulog kagabi? Alam mo ba na halos mamatay ako nung bigla akong tinawagan nitong si Jae at sinabing hindi ka raw nila mahanap?" Kiko stepped forward with his arms crossed.



"K-kasi..."
jusko naman. Ano bang isasagot ko?



"Kasi ano?!"
sabay-sabay nilang tanong.



Napatingin ako sa mukha nilang lahat na ngayong nag-aabang ng isasagot ko.



"Kumain nga muna kayo" sumingit si mama. Yes naman! Buzzer beater yun ah!




Umupo kami sa may dining table. Napansin ko na may cake sa mesa.




"Bigay ni Enrique. Red velvet yan. Akin na nga, kami na lang ang kakain. Diba hindi mo naman gusto yan?" Parang bad mood naman itong si Liza. Ano bang problema niya?




Binuksan ni Shai ang box.




"Kami na lang ang kakain nito kasi sansrival naman yung favorite mo..." bulong niya.



SHT. That Sansrival! Naalala ko tuloy yung cake na meron si Daniel kanina.



Dali-dali ko namang inabot yung lalagyan nung cake ang hinila ito papunta sa akin.


"Anong sansrival? Hindi ko na gusto yun. Eto na, red velvet na yung favorite ko!" Inis na sabi ko.


Natahimik sila at napatingin lang sa akin. "Eh di iyo. Eh di sa'yo na yan. Go!" sarkastikong wika ni Jae.




After ng tanghalian namin, umakyat na ako sa kwarto. Tinapon ko ang sarili ko sa kama at kinuha ang cellphone para basahin ang text na bago lang dumating.


From: Quenito

I'll pick you up at 7. Sorry I had to leave earlier.



Napangiti ako. Ano na naman kaya ang pakulo niya?


I was in the midst of typing my response when he sent a text again.



From: Quenito

And you have to explain things to me, Julia.



Napatulala lang ako. Parang nai-imagine ko kasi ang tono ng pananalita niya habang binabasa ko yung text. Anong sasabihin ko? Na dun ako natulog sa bahay ng kaibigan niya? Heol.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt