Chapter 3: Who.... to choose?

999 38 3
                                    

Chapter 3

"Oh Nak? Bakit ganyan ang damit mo?" Pambungad ni mama sa akin pagpasok na pagpasok ko ng bahay.

"Wala po ma. May baliw lang po akong nakasalubong sa convenience." sagot ko sa kanya habang iniisip kung bakit ko nga nakita yung baliw na yun doon. Ano ba kasing problema nya at bigla nya akong bubuhusan ng slurpee? Pagkatapos nyang sabihin yung hindi ko mainindihang mga salita, eh umalis din agad. Ah bwiset! Bwiset siya. Umupo ako at ginamit ang towel na bigay nya.

"Oh anak, may towel ka naman pala. Saan yan galing? Eto oh, bago" binigyan ako ni mama ng towel.

"Po? Itong towel? Galing din po sa baliw" 

"Haa?" Tanong nya na parang nalilito

"A-ah. Wala po. Mahabang storya." Tumayo na ako at papuntang kwarto ko na.

"Uhm, nak?" mahinang tawag ni mama.

Lumingon ako sa gawi nya. "Hmm?"

Tumayo si mama na parang kinakabahan. "Nak, may pera ka ba dyan? Kahit kaunti lang? Bibili sana ako ng gamot ni Paulo."

"Ma..." lumapit ako sa kanya.

"Pero nak, okay lang kung wala talaga. Okay lang talaga" hinawakan nya ang mga kamay ko at ngumiti.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang lahat ng perang naipon ko. Inalis ko ang mga kamay ni mama at nilagay ang pera sa palad nya. 

"Ma, iyan po. Maghahanap pa po ako ng trabaho. Huwag kayong mag-aalala. Okay?" Pagkatapos nun ay niyakap ko siya.

--------------------------------

Habang naglalakad ay dumaan ako ulit sa bulletin board. Maraming studyante ang nagflock dun banda kaya naintriga din ako. Maraming babae ang nasa gilid na parang nakangiti. Ano bang meron at parang nakajackpot ang mga babaeng ito? Nung medyo umalis na ang iba, nakita ko na ang naka paskil sa board.

*2014 Board Members' Ball* 

Eh? Oh? Ano ngayon? Eto yun? Party lang naman pala 'to ng board eh. Bakit ang saya-saya nung mga babae? Okay. HINDI KO GETS.

Umalis na ako at pumunta papuntang room. Nasa tapat na ako ng pintuan ng biglang may umakbay sa akin. Ang mga mukha naman ng mga babae sa classroom ay gulat at nagsimula ng magbulungan. Pinilit kong alisin ang brasong nakaakbay sa akin. Nung naalis ko na, humarap na ako. 

"Oh? Tabs! Ba't mo naman ako ginaganito?" medyo nainis ako nung nakita kong si Kiko pala yun.

"Ay? Galit ka tabs?" tanong nya.

"Hindi kasi, bakit dito sa harap ng classroom ko? Alam mo namang maraming inggitera dyan. Simula 1st year tayo sa college hanggang ngayon, alam mo namang malaking issue pa rin kung bakit ka nakikipag-usap sa akin, diba? Ayokong masangkot dyan sa mga fangirls mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na landiin mo na ako't lahat lahat wag lang sa lugar na nandoon din yung mga babaeng naloloka sa iyo. Alam mo tab-" 

HINALIKAN NYA AKO SA PISNGI. 

"t-tabs k-kasi d-diba s-sabi k-ko wag mong g-g-gawin uhm, a-ah. T-tabs" napahawak ako sa pisngi ko. okay? grabeng pangugulat yun. 

Pinalo ko siya ng malakas sa balikat. Naiinis ako!

"ARAAAAAAAAAY!" napasigaw siya sa sakit.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now