2x03: Welcome Back

416 17 6
                                    

JULIA

"I'll call you! Montage! The moment I'll see you again, you're mine!"  

Jusko. Para akong baliw na mag-isang ngumingiti dito. Balik Korea na ako at kanina pa nagrereplay sa utak ko yung nangyari sa airport nung araw ng flight ko. After that...uhm...kiss... we had dinner. We went back to the hotel and the morning after that, hindi ko siya nakita. Mag-isa akong pumunta sa airport. It was disappointing, actually kasi baka naman iba ang pag-interpret ko dun sa nangyari. Pero laking gulat ko nung bigla na lamang siyang lumitaw, hinihingal nung nakapasok na ako sa waiting area. And there, he shouted those words.


Flight ko na rin sa susunod na araw papuntang Pilipinas. Dalawang linggo lang ulit tapos babalik din ako dito. Now, I'm in the meeting room dahil ngayon ibibigay sa akin ang special project. In the meantime, pinapalabas via projector yung tvc ni Kathryn Bernardo. She's actually the new endorser of the town houses. At ahem ahem, ako lang naman ang head interior designer ng mga bahay na yun.


Actually, hindi ko siyang kilala na artista. Eh hindi naman kasi siya sikat nung andun pa ako sa Pilipinas. Anyway, medyo nakilala ko itong si Kathryn at dun ko na lang nalaman na bago lang pala siya sa showbiz. Last 3 years lang. Ako din ang ginawa nilang interpreter niya. Magaan naman siya kasama. She's actually nice. No question why she rose to fame, agad-agad.


"Ms. Kathryn?" sumingit na ako sa pagtawag sa kanya habang iniinterview siya.


"Yes?" lumingon naman siya.


"Uhm, pwede ka bang makausap?"


Lumapit din siya agad.


"Ano yun?" – Kathryn


"Sorry I had to interrupt your interview pero kasi I want to know your likes para madesignan ko yung room kung saan ka magsho-shoot" This is actually an idea from the PR staff. Dapat daw kasi ma-reflect sa gusto ni Kathryn yung pagdesign nang sa ganun, mas maging interested ang mga fans at maspread-out ang endorsements.


"Ah no problem...actually gusto ko ng...."

At yun nga. Dun nagsimula yung medyo closenesss lang naman namin. I figured out na may similar tastes pala kami. Minimalist yet elegant...ganun.


"Julia?" pumasok na ang president ng kompanya. Korean-American siya kaya mas gusto ko ngang tumanggap ng orders directly from him. Ang hirap kasi sa iba, liko-liko ang English e.


Tumayo ako at yumukod.


"Annyeonghaseyo!" bati ko.


"Yes, yes. Sit" sumunod naman ako.


"So how's the vacation?"


"Fine. Very...relaxing for me.." I am grinning like crazy now. Paano ba kasi eh naalala ko lahat ng nangyari.


"Seeing how you smile, you must've enjoyed it much" tinuro niya pa ako gamit ng ballpen na hawak niya.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now