2x18: Turning Point (Part 1)

341 25 2
                                    

"Stop working with that project. J-Just stop w-working. Focus at the wedding preparation. You coordinate with my mom. Focus on the wedding, Julia..." 

Napatingin ako sa kausap ko. Ibang tao. Hindi si Daniel...pero pareho. Ganito rin ang gustong ipagawa sa akin 6 years ago. 

Nung nakita ko silang lumabas sa prisinto kanina. Para bang dinala ako sa panahong wasak na wasak si Daniel. Pero ngayon hindi lang siya, pati na rin si Enrique. 

Coordinate with my mom...pinilit ko na ring gawin ito dati pero walang magandang naidulot. Sariwa sa utak ko ang lahat nang pinagdaanan ko sa ina ni Daniel para lang makibagay sa kanilang lifestyle.

Stop working...gusto kong matawa. Bakit ba parang isang malaking deja vu ang buhay ko? 

Masasakal ako ulit...maduduwag ako ulit...aalis ako ulit... 

Nakikita ko na kung papaano ito matatapos. 

Kung ganito man lang ang kahahantungan ng relasyong 'to...mas mabuti pang ako na ang tumapos.

Inalis ko ang engagement ring sa aking daliri saka lumabas pagkapatong ko nito. 

"Julia!" sigaw ni Enrique. 

"Wag mo akong  talikuran!" rinig na rinig ang galit sa boses niya. 

Hindi naman ako nakawala dahil mabilis siyang lumabas hanggang nasa harap na ako ng sasakyan at nasa harap ko na siya, blocking me from my way. 

I looked at him straight into the eye. I gave him my serious look. 

And i know at that moment he realized, I wasn't joking when i took off that ring. 

Huminga siya ng malalim. 

He smiled. "You know what, you're just stressed. C'mon. We're not over, Montage. We will never will, huh?" 

May halong nerbyos ang boses niya. Hindi ako umimik at tiningnan lang siya. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito pero binawi ko rin ito agad sa kanya. 

"Hindi mo pa ba naiintindihan, Quen? Binabalik ko na sa iyo ang singsing." diretsong sabi ko. 

Nilagay niya naman ang mga kamay niya sa bulsa niya at ngumiti ulit. "Fine, itatago for you. Kung ayaw mo munang suotin, fine. J-Just...continue on with the wedding preparations..." 

God Enrique... 

"Wag ka magtanga-tangahan, Enrique..." 

Alam kong nagulat siya nasabi kong mga salita. 

His jaw hardened. "What?" 

"I am giving back to you that ring. I am done with that wedding." 

Hindi na maitatago ang galit sa mga mata ni Enrique. 

"No" matigas niyang sabi. 

"Yes" sagot ko naman. "Yes we are done, Quen. I've hurt you, i know. I'm that bitch. And I don't want to hurt you anymore" 

Bigla na lamang siyang sumigaw. "It's not for you to decide! If you're still not over him, so be it! Kaya ko namang maghintay! Kaya ko! Madali lang yun!! Julia...j-just look at me..." he cupped my face which I forcefully shook of. 

This won't work. "Hindi mo ba naiintindihan, Enrique?! We've hit rock bottom! Ito na, nasa pinakailalim na tayo ng relasyong 'to! At hindi na tayo babalik sa taas pa! I don't wanna go through this again!-"

"What do you know about relationships Julia?!" hindi niya na ako pinatapos. Nagtataasan na kami ng boses. 

"LAHAT! Lahat alam ko! Napagdaanan ko na lahat ng sakit na yan! At ayoko nang maulit yun Quen!! Because we are already in it...kaya pwede ba please? Itigil na natin 'to!" nauna na akong naglakad at nilampasan na siya nang...

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora