"Ang bigat! Grabe! T-teka lang! Whoa!"

"Hoy Dumbsey, ang OA mo ha."

Paano namang naging mabigat 'yung metal bracelet na 'yun to the point na mapapaluhod siya sa sahig? Lumapit din ako doon at sinuot sa akin ni Gramps 'yung bracelet. Pagkabitaw na pagkabitaw niya ay feeling ko may humatak sa akin pababa.

"Oh 'di ba?! Sabi sa'yo eh! Shit ang bigat!" sabi ni Dumbsey at hindi ko alam na totoo pala 'yung sinasabi niya.

Parang namagnet 'yung wrist ko sa sahig at hindi ko maigalaw sa sobrang bigat nung bracelet. Grabe. Paano nangyari 'yun? Bakit sobrang bigat nito kahit na mukhang hindi naman?! Nagulat naman ako nung sinuotan pa ulit kami ni Gramps sa kabilang kamay at pareho ko nang hindi mabuhat ang mga kamay ko.

Lumapit din sina Gemmatanda at Tandash tapos sinuotan din sila ng bracelet at gaya namin, napaluhod din sila. Pero unti-unti nilang naaangat 'yung mga kamay nila at nakapag-sitting position na sila, habang kami ni Dumbsey ay nakaluhod pa rin.

"Nasa sampung kilo ang bigat niyan bawat isa. Ibig sabihin, dalawampung kilo ang dinadala ninyo sa mga kamay niyo ngayon."

"Twenty kilograms?! No wonder sobrang hirap buhatin," sabi pa ni Tandash at parang may hawak siyang dumbbell dahil pataas-baba 'yung right hand niya. Wow ha? Hirap pa siya sa lagay na 'yan?!

"Syempre, kailangan ay masanay din ang mga paa ninyo."

Halos lumuwa 'yung mata ko nung nakita kong kumuha pa siya ng bracelets pero this time ay mas makapal. Habang nasa awkward positions pa kami ay kinabit niya 'yung bracelets sa paa namin at talagang napasigaw ako dahil feeling ko ay may magnet sa sahig na nag-aattract sa akin pababa.

"Ang bigat! Gramps! Sobrang bigat! Ayoko na!" sigaw ni Dumbsey habang tinatry niyang magsitting-position din pero bumagsak lang siya sa sahig kaya nakadapa na tuloy siya.

"Labindalawang kilo naman bawat isa ang nasa paa ninyo. Ngayon, kailangan niyong marating ang dulo ng kwartong ito para sa araw na 'to."

"Ano?!"

"Ni hindi ko nga magawang makaupo!"

"Is that a challenge? Ha. Deal."

"Mukhang exciting 'to."

Napatingin na lang kami ni Dumbsey sa dalawang Tanda na 'to. Paano ay parang excited pa sila na gawin 'yun habang kami ay gusto na lang umiyak dito.

Dahil wala na rin naman kaming magagawa, susubukan ko na lang. Dumapa muna ako para magpahinga dahil naubos ang energy ko sa pagretain ng kneeling position ko. Kasi naman, sinong hindi mapapagod kung merong forty four kilos na extra sa katawan mo?! Kasingbigat na 'yun ng isang adult!

After five minutes ay sinubukan kong magbago ng posisyon. Inuna ko muna 'yung tuhod ko para nasa kneeling position ulit ako pero inabot ako ng siyam-siyaw dahil sa bwisit na bracelets sa paa ko. After that ay ginalaw ko naman ang upper body ko habang hinahatak ko 'yung kamay ko. Siguro naka-thirty minutes ako at nasa sitting position pa lang ako. Parang lahat ng lakas na inipon ko ay naubos na dahil sobrang bigat talaga sa katawan nito.

Pagtingin ko naman kina Tandash at Gemmatanda, nakatayo na sila pero hindi sila makagalaw sa posisyon nila tapos medyo bent 'yung likod nila. Paano ang bigat ng mga nasa kamay nila. Hindi ko  tuloy maiwasang hindi matawa. Para silang mga sinaunang tao dahil sa posture nila. Pfft. Ha! Magdusa kayo dyan!

Bigla naman akong may narinig na sound mula doon sa hagdanan kaya napatingin ako. Pagtingin ko...

"Scarysta—I mean, Leader!" pagkasigaw ko nun ay napatingin din silang lahat.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now