WTWTTS - 28

106 7 0
                                    

THE LA UNION ESCAPADE.


Sinubukan ko namang magkagusto sa isang babae, ulit, pero wala, e, hindi ko na maramdaman ‘yong naramdaman ko rati kay Therese. Parang iba na talaga. Ibang-iba na ang pananaw ko sa pakikipagrelasyon sa isang babae. Parang it hit me na isang kasalanan nga ang pumatol. Hindi ko naman nilalahat ha, ‘yon lang talaga ang nararamdaman ko. Ayoko namang sabihin sa iba ang opinyon kong iyon. Paniguradong may magagalit.

Basta ang nararamdaman ko na lang ngayon, kailangan kong pagtoonan ng pansin ang pag-aaral ko. Hindi ako matalino, hindi ako mayaman, kailangan ko ring kumayod sa buhay. Maya na lang ‘yang lovelife-lovelife na ‘yan. Ang sabi nga ni Lola, ‘wag mong hanapin ang pag-ibig kasi kusa raw itong darating kapag hindi inaasahan, lalo na kapag nakatapos ka na sa pag-aaral at nagkaroon ng stable na trabaho. Watch out daw kasi lovelife na mismo ang lalapit sa ‘yo. Mm-Hmm, talaga lang ha.

“Nich, picture tayo. Send natin kay Mama para bigyan tayo ng extra money.”

Niyakap ko ang kanang braso niya at sumandal sa balikat niya. Kinuha naman niya agad ang cell phone niya at nag-selfie kaming dalawa. Random shots lang, ganoon.

Matapos ang ilang segundong katahimikan para sa picture, ch-in-eck naman niya ang pictures kaya naki-check na rin ako.

“Send mo kay Mama. Sabihin mo hawak mo ang buhay ko, kailangan mo ng ransom money,” sabi ko pa.

Inambahan ako ng batok ni Nicho pero hindi niya alam kung maiinis o matatawa siya sa sinabi ko.

“Ang gaga mo talaga kahit kailan, Zettiana, ano?”

“Ayaw mo no’n? Pareho tayong makikinabang no’n.” Inambahan niya rin ako ng batok pero tinawanan ko lang. “Picture tayo ulit, isama natin si Tonton. Ton, sali ka.”

Kinalabit ko si Tonton para lumingon sa cell phone ni Nicho na itinaas niya para naman sa groufie naming tatlo.

“Sali naman ako r’yan.”

Sabay-sabay kaming napalingon kay Decart na nasa seat na nasa harapan namin. Lumingon pa talaga siya kaya inabot ni Nicho ang cell phone niya para makapag-picture kaming apat kahit na iba ang seat ni Decart.

“Okay ka lang d’yan, Deck?” tanong ko pa.

Tawa lang ang naging sagot ni Decart sa akin at hindi na sumagot verbally.

Nasa eroplano kasi kami ngayon papuntang Manila. Magkakatabi kaming tatlo ni Nicho at Tonton sa three-seater chair tapos si Decart ay nasa ibang space naman pero nasa harapan lang naman namin. Pinapagitnaan ako no’ng dalawa. Si Nicho ‘yong nasa bintana, si Tonton ang nasa may aisle.

Going to Manila kami ngayon para makapunta ng La Union. Excited ako. First summer getaway ko kaya sobrang excited ako. China-chant ko ang Elyu sa sobrang excitement hanggang sa makatulog ako sa eroplano. May neck pillow naman ako pero mas komportable pa rin akong sumandal sa balikat ni Nicho. Pambawi ko man lang sa times na bigla siyang hihiga sa lap ko. At saka, mga bata pa lang kami, mas gusto ko talagang sumandal sa balikat niya.

Pero pagkagising ko, biglang nasa balikat na ako ni Tonton. Naalimpungatan yata ako kasi hindi ko pa alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Mariin kong kinusot ang mata ko para makita ko ng klaro ang nasa paligid ko at para na rin matanggal kung mayroon mang muta. Nakakahiya kaya ‘yon.

Umaayos ako ng upo at napahikab ulit. Iginala ko rin ang tingin sa paligid bago ko ipinirmi ang tingin kay Nicho. Nasa eroplano pa naman kami.

“Hindi pa rin tayo nakakarating ng Manila?”

Ganoon na kasarap ang tulog ko? Nasa eroplano pa rin ako?

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt