WTWTTS - 25

129 5 0
                                    

THE TIP OF THE CROSS.

Habang hindi pa nakakarating sa Brgy. Paitan, sinusubukan kong tawagan si Yosef. Pero hindi siya sumasagot. Hindi rin nagri-reply sa text ko. Alam kong naka-on ang cell phone niya kasi nagri-ring naman kapag tinatawagan ko pero hindi talaga sinasagot. Hanggang sa sasabihin na lang ng operator na hindi talaga sumasagot ang tinatawagan ko kaya 'wag ko na raw ipilit. Ay, iba!

Napasandal ako sa back rest ng upuan at tiningnan ang pagpa-parking na ginagawa ni Tonton sa kotse niya.

“Olats. Hindi sumasagot si Tonton.”

Iginala ko ang tingin sa paligid ng area pero walang bakas ng kotse ni Yosef. Ni anino ng bugok, hindi ko talaga nakita.

Pero bago bumaba, nagsalita muna si Tonton habang nakatingin sa cell phone niya.

“Nag-text sa akin si Yosef. Ang sabi niya, hindi raw siya makakapunta kasi ginawa siyang driver ng mga kapatid niya.”

Mas lalo akong nalugmok dahil sa sinabi ni Tonton. Napabuntonghininga at saka napaahon na rin ulit.

“Tayo na lang. Nandito na rin naman tayo,” sabi ko sabay baba sa kotse.

Binuksan ko ulit ang pinto ng back seat para kunin ang back pack ko. Hindi pa rin bumababa si Tonton kaya nilingon ko siya bago isarado ang pinto.

“Hoy, baba na. Para kang timang d’yan, nakangiti mag-isa,” sabi ko bago isinarado ang pinto at isinukbit ang back pack.

Para kasing bugok si Tonton kanina. Nakaupo lang siya sa driver’s seat tapos parang tulala at nakangiti pa talaga. Isama ko na kaya siya sa mga taong legal kong tinatawag na bugok? Parang papunta na siya sa pagiging bugok, e.

Tinanaw ko ang malaking krus sa tuktok ng bundok. Legit talagang nakatayo na siya. Makikita naman ang bundok kahit saan kang magpunta sa city at mas lalo na kapag pauwi ka galing north or south ng island pero kaya siguro hindi ko napapansin kasi parati akong tulog kapag uuwi ako ng city.

Maya-maya lang din ay nasa tabi ko na si Tonton. Tipid akong napangiti sa kaniya at sinimulan na namin ang paglalakad papunta sa entrance ng bundok, kung saan din ang log book area.

“Tara?” tanong ko pa.

Tumango lang siya kaya nagsimula na akong maglakad. Hindi na inalala ang parang bugok niyang pagngiti sa kawalan kanina.

Buong akala ko bago ako makaakyat dito ulit ay magiging diretso ang pag-akyat ko. Hindi ko alam na dahil less na ako sa exercise at physical activities nitong mga nakaraang buwan ay madali akong mapagod ngayon. Kaya maya’t-maya akong napapatigil para magpahinga, humihinga ng malalim, at iinom ng tubig. I’m thankful na patient enough naman si Tonton para samahan ako sa pagpapahinga kahit makailang beses ko na siyang sinasabihan na puwedeng-puwede na siyang mauna.

Halfway done there at nagpapahinga nang bigla akong may narinig na shutter at click ng camera. Nag-angat ako ng tingin kay Tonton at nakita nga siyang may bitbit na camera’ng nakatutok sa direksiyon ko.

“Hoy! Ano ‘yan?”

Napatingin siya sa camera niya at parang nataranta sa ginawa kong pagsita sa ginawa niya kanina. Magkasalubong na yata ang kilay ko ngayon dahil sa pagod at sa pagtataka sa ginawa niya.

Napaayos ako ng upo nang hindi pa rin siya nakasagot.

“Uh-”

“Ulitin mo. Hindi yata ako naka-pose doon. Hindi mo naman kasi sinabing magpi-picture ka pala.”

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Where stories live. Discover now