WTWTTS - 9

135 6 0
                                    

THE WOODEN STAIRS.

“Okay, first of all, okay lang ba kay Therese na pinabasa mo sa amin ‘yong letter niya? I mean, she stated here that she appreciated you for not telling anyone about her sexuality. Am I right? Am I making any sense here?”

I slouched and blew some silent raspberries nang tumayo talaga si Ada sa harapan ko at parang teacher na nag-lecture sa harapan namin ni Yosef.

“Pinabasa ko ‘yan sa inyo dahil gusto kong manghingi ng advice. Ano bang gagawin ko?”

“Edi sasabihin mo sa kaniyang you’re falling.”

“How?” Nilingon ko si Yosef at dramatiko naman niyang sinalubong ang tingin ko.

“Edi magsasalita ka. Sasabihin mong you’re falling.”

Kahit kailan ang kapal ng mukha ng walang hiya.

“Gusto mong mamatay?” seryosong banta ko sa buhay niya.

He wrinkled his nose while looking away. “Ayoko. Maraming iiyak na girls kapag maaga akong namatay.”

“Marami nga’ng iiyak pero hindi naman iiyak ‘yong babaeng mahal mo kapag namatay ka.”

“Maninood man ka Ada oy.”

Bars, baby!

Hardcore akong nakipag-apir kay Ada dahil sa naging sagot niya kay Yosef. Sabay din kaming natawa. Gustong-gusto ko talaga ‘yong nagbabarahan na ang mga Osmeña, e. It’s like I’m watching a movie.                

                                                                               
“Sige, pagtawanan n’yo ‘ko. Kapag ‘yon minahal ako, who you kayo sa akin.”

Mas lalo kaming natawa ni Ada dahil sa dinagdag ni Yosef. Tawang-tawa na ako. Sumasakit na tiyan ko kakatawa.

“’Di ka nga mapansin no’n, ang mahalin ka pa kaya? Napapansin ka nga pero hanggang kaibigan lang naman,” kantiyaw ulit ni Ada na mas lalo ulit naming pinagtawanan. Ang ingay na ng halakhakan namin ni Ada. Hindi na magkamayaw.

Padabog na tumayo si Yosef and cue na rin namin ni Ada ‘yon para tumigil sa tawanang ginagawa namin. Tumingala ako kay Yosef at sinundan ang pagbaba niya sa bleachers.

“Oh, sa’n ka pupunta?” tanong ko pa, pilit pa rin pinipigilan ang tawa ko.

“Lalayo muna sa tabas ng dila n’yo,” pabagsak niyang sinabi at dire-diretsong naglakad.

“Hoy! Joke lang ‘yon. Ito naman. We all deserve to be loved! Mamahalin ka rin no’n o ‘di kaya’y hanap na lang ng iba!” pahabol na sigaw ko habang nasa premises pa siya ng solidarity hall.

Natoon kay Ada ang tingin ko na sinundan din pala ng tingin ang pinsan.

“Pabayaan mo muna ‘yon. Badtrip na badtrip ‘yon, ilang araw na.”

“Bakit naman?”

“Dahil sa non-existent lovelife niya,” and she quoted. “Anong plano mo? Aamin ka sa kaniya?”

Umiwas ako ng tingin kay Ada at nawala na nang tuluyan sa eksena si Yosef. Napaisip ako sa sinabi niya. What’s next now that I admit in myself that I am falling. Although I didn’t know what’s the real meaning of falling in love. Basta alam ko, I’m falling.

“Let me sink in first na inamin ko sa sarili ko na isa akong tomboy just like my Mama. Masiyadong mabilis ang lahat, Ada. Is this for real?”

“Lumabas sa bibig mo, narinig ko. I think it’s real.”

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Where stories live. Discover now