WTWTTS - 16

115 7 0
                                    

THE BOARDMATES.


Mabilis tumakbo ang oras. Nakapagtapos kami ng high school at inatupag ang kursong kukunin sa college. Mayroong iba sa amin ay sa Manila nag-college, mayroong Cebu, mayroon ding ibang bansa, mayroong sa Bacolod, at mayroong dito lang malapit sa city namin.

But to cut the story short, nagkawatak-watak na kaming magkakaibigan. Naging abala na sa college. Kami pa rin naman ni Therese at magkasama pa rin pero iba-iba nga lang ang school na pinasukan namin.

Ang gusto kasi niya sa La Salle din ako mag-aral. E, gustong-gusto kong kunin ang Architecture and La Consolacion College - Bacolod lang ang puwedeng mag-offer ng Architecture na dekalidad kaya roon ako nag-aral. Siya, nanatiling sa La Salle kasama ang kakambal niya. Taking up Business Administration.

Mariin kong kinuhaan ng muta ang dalawa kong mata at napatulala na lang sa nagkalat na plates sa harapan ko. Pagod na pagod na ako pero kailangan ko pang tapusin ang mga plates na ito na ipapasa na sa Lunes. Ilang kape na rin ang naubos ko. Ilang pagkain na rin ang nakain ko. Pero wala, hindi pa rin ako tapos. Walang hiya. Ginusto ko ‘to, dapat lang na tapusin ko ‘to at panindigan.

Pitong plates ang kailangan kong ipasa pero nakakadalawa pa lang ako. Walang hiya talaga, kailangan ko talagang tapusin ‘to. Bahala na ‘yong walang tulog, basta matapos ko lang ‘to.

“Be, gising ka pa? Tulog ka na. Anong oras na, oh?”

Napalingon ako sa bandang kama ng apartment at napangiti.

“Sige, babe, tatapusin ko lang ‘to.”

Gumalaw siya sa kaniyang pagkakahiga at tumalikod mula sa puwesto ko para magtalukbong ng kumot. Napangiti ulit ako habang nakatingin sa kaniya. At dahil sa sinabi niya, mas pinilit ko pa ang sarili kong tapusin kahit kalahati man lang ng plates.

We live in the same roof. We live in the same apartment. Dalawang taon na kaming magkasama rito. Pero hindi lang kaming dalawa, kasama namin ang kakambal niya, so bale tatlo kami. Pero madalas na wala si Therence kaya minsan kaming dalawa lang ni Therese dito. Alam n’yo naman na party-goer si Therence and quite the opposite si Therese kaya mas madalas kami sa apartment kaysa ang gumala kapag free time namin. Pero sa case ko, halos wala na akong free time kasi maraming gagawin sa school kaya madalas lang akong makakalabas tapos mas gusto ko pang kasama si Therese kaysa makasama ang iba. Hanggang sa naging madalang na lang talaga ang pagpapakita ko sa barkada.

Nagsimula ito no’ng grade twelve, after ng debut ni Ada. Dahil nga inagaw ni Therence si Jexter sa kaniya, hindi ako pinapansin no’n ni Ada kapag kasama ko si Therese, hindi rin niya pinapansin si Therese. Gusto ko mang magalit pero alam kong hindi lang niya gusto ang idea na nakikilapit siya sa taong may connection sa taong nanggago sa kaniya. Nakasanayan ko ‘yon na madalas nang si Therese ang kasama kaysa sa kanila.

Nagkaayos lang kami no’ng graduation, few weeks after maghiwalay ni Therence at Jexter. Pero dahil nga college na, naging busy na rin kami tapos dinagdagan pa na nag-decide si Therese na sa apartment na kukunin nilang kambal na lang akong tumira. Okay naman, malapit na rin naman sa school na papasukan ko, isang sakayan lang ng jeep. Nandito kasi sa Burgos St., tapat ng YMCA, ang apartment na kinuha nila. Villanueva raw ang tawag. Pinayagan din naman ako ni Mama kaya walang naging problema sa pagtira ko rito. Hindi rin kasi kami puwedeng magsama nina Nicho at Madi sa iisang apartment kasi malalayo ang school na pinasukan nila, nasa kabilang part ng Bacolod pa. Parehong sa John B. Lacson nag-aral ang dalawa, with different courses.

Natapos ko ang lahat ng plates pero nakasilip na si haring araw nang matapos ako. Niligpit ko na lang ang mga kalat ko at naisipang magsaing na at hindi na matulog.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Where stories live. Discover now