WTWTTS - 40

187 4 0
                                    

THE PAINTINGS.


“Who’s that? He’s guwapo ha?”

Para akong nagising sa isang malalim na panaginip nang marinig ang boses ni Aki. Tumingala ako sa kaniya at nakatingin na siya ngayon sa sketch pad na hawak-hawak ko pa rin.

Did I just have a sex flashback? What the heck?

Ibinalik ko na lang sa sketch pad ang tingin ko, kinalimutan pansamantala ang alaalang dapat matagal ko nang kinalimutan.

“Imaginary boyfriend ko,” sagot ko habang naglalagay ng finishing touches sa sketch.

May nakaligtaan pala akong ilagay.

Malakas na natawa si Aki sa naging sagot ko. Mukhang nabu-buangan yata sa akin kasi nga ‘yon ang naging sagot ko. Nasa sa kaniya na ‘yon kung maniniwala siya sa sinabi ko o hindi. Kasi para sa akin, totoo ‘yon. Hanggang imagination na lang ang pagiging girlfriend ko sa kaniya kasi hanggang imagination na lang pagsagot na nagawa ko.

Nasabi niya pala sa aking mahal niya ako in the middle of our sex, after his release. Pero nasabi niya lang yata ‘yon kasi nga nakuha na niya ako. Kasi kung totoong mahal niya ako, sana hanggang ngayon nandito siya sa tabi ko.

Tama na, Zetty, sinasaktan mo na naman ang sarili mo.

“But I don’t think so that guy you just sketched is a fictional character.”

Matapos kong hawiin ang nagkalat na excess ng pambura na ginamit ko para maging malinis na ang sketch ay nilingon ko si Aki. My eyebrows furrowed.

“Bakit naman?”

So para sa kaniya ang imaginary boyfriend ay matik na isang fictional character?

“Because if he’s a fictional character and someone you can’t even reach, he shouldn’t have that mole right above on the side of his lips.” At itinuro niya pa ang last detail na inilagay ko kanina. “Because fictional characters aren’t flawed. Moles, scars, and other birth marks aren’t visible on their face. They were made to be perfect.”

Ang liit na ng nunal na ‘yan, napansin pa n’ya? Tapos ang dami pa niyang sinabi.

“So… who’s the guy? Someone you left from the Philippines? What’s the story?”

Pa-ilalim akong napairap sa pinagsasabi nitong si Akihira. Isinarado ko na lang ang sketch pad para hindi na pagdiskitahan ng pagiging thinker nitong si Aki. Pati ako nadadamay, e.

“Anong balita sa tinawagan mo?”

Ngumiti sa akin si Aki at doon na namin napag-usapan ang tungkol sa canvas.

After a few days, dumating na rin ang in-order naming canvas. Agad din itong inilagay sa empty wall na iyon ng kuwarto ko, complete with its scaffoldings para sa support. Nagpabili na rin ako ng hagdan para magamit ko. My goal for this painting is to be big as ever. Gusto kong dito ko maibuhos ang lahat ng hinanakit ko sa buhay because the regular size canvas isn’t enough to heal the pain I am still feeling inside.

Dumaan na ang ilang minuto matapos i-set up itong malaking canvas na ito pero heto pa rin ako’t nakatitig dito.

O, ano na, Zettiana? Nandito na ang canvas na hinihintay mo pero bakit hanggang ngayon ay wala pa ring galaw?

Pinag-krus ko ang kamay ko’t muling napatitig sa walang kabuhay-buhay na canvas. A few weeks ago, alam na alam ko na ang gagawin ko. Alam na alam ko na kung anong ipipinta ko sa malaking canvas na ito. Pero ngayon, hindi ko na alam kung paanong sisimulan. Para akong nabobo sa pagpipinta at hindi na alam kung paano simulan.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon