WTWTTS - 3

234 9 3
                                    

THE PUNCH.

“Susunod ka ba sa Mama mo sa Canada?”

Napatigil ako sa pagsuntok sa punching bag na hawak niya at tinitigan si Yosef. Matagal ko siyang tinitigan. Nag-isip.

Ilang buwan na ang nakalipas, nakaalis na sina Mama at Tita Leceria papuntang Canada pero hanggang ngayon, sinusubukan ko pa rin ang mga huling sinabi ni Tita Leceria sa akin nang gabing iyon. Magkakagusto ako sa isang lalaki? Kanino naman?

Bumuntonghininga ako at nagpatuloy sa pagsuntok habang pinipigilan niya ang paggalaw ng punching bag.

“Sinubukan nila pero matagal pa raw kung ipe-petition ako ni Mama. Magbakasyon, puwede pa raw. Pero ang mag-migrate ng tuluyan doon, mukhang imposible pa sa ngayon.”

“Balita ko malamig daw doon sa Canada tapos ang weird pa ng mga tao roon. Sigurado kang magma-migrate ka roon?”

“Pupunta ako roon para makasama ang Mama ko. Hindi para malaman kung malamig ba ang Canada at makipaghalubilo sa mga tao. At anong weird ba 'yang sinasabi mo?”

“Kung aalis ka, paniguradong hahanap-hanapin ka ng Lolo at Lola mo.”

I blew some air while still punching my heart out. Nasa pulang punching bag lang talaga ang tingin ko.

“May video calls naman.”

“Mami-miss ka ng mga pinsan mo.”

“Like I said, may video calls naman.”

“Paano kami nina Nicho, Hugo, Pato, at Clee? Wala nang tatalo sa amin sa three on three?”

That’s it!

Tumigil ako sa pagsuntok. Hinawakan ko ang punching bag, almost a hug, at ipinilig ko ang ulo ko pa-kanan para masilip sa kabilang side si Yosef. I eyed him intently.

“Alam mo, kanina ka pa. Hindi ako mamamatay. Pupunta lang akong Canada, bugok.”

Tinanggal ko na lang ang isang boxing glove, inipit sa aking kili-kili, at lumapit sa table para makapagpahinga at makainom na rin ng tubig. Sumunod din naman sa akin si Yosef na natatawa pa. Umupo siya sa bangko at kumuha no’ng isang slice ng pineapple pie na siyang merienda namin ngayong hapon.

Nandito kami sa malaking bahay nila, nasa veranda na nasa third floor to be exact, kung saan ang mga gym equipments nila. Usapan naming magkakaibigan na pumunta kami rito. Dapat kasama ko si Nicho pero may pinuntahang family affair sa side ng mga Vaflor kaya absent. Samantalang ‘yong iba ay papunta pa lang. Sabagay, maaga nga naman akong pumunta rito. Wala kasi akong magawa kina Lolo, kaya nauna na ako rito para makagamit sa iilang gym equipments na nandito.

Grade nine na kami. Marami na ang nangyari. Pero naguguluhan pa rin ako sa mga huling sinabi ni Tita Leceria sa akin no’ng minsang mag-usap kaming dalawa. Hindi na kasi nasundan ‘yon kaya nahihiya na akong magtanong tungkol sa sinabi niya.

Tumutungga ako ng tubig nang napatingin ako kay Yosef na sakto ring nakatingin sa akin. Inubos ko muna ang tubig bago ako muling tumingin sa kaniya.

“Sef, may tanong ako sa ‘yo.”

“Oh?”

“May nagugustuhan ka bang isang babae ngayon?”

Dahil nakatingin ako sa kaniya, kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay niya. “Huh? Oo naman.”

“Sino?”

Umiwas siya ng tingin at pinaglaruan ang labi niya gamit ang kaniyang dila. Napatikhim pa siya at umayos ng upo. “Siyempre sa mga magaganda sa school.”

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Where stories live. Discover now