WTWTTS - 45

321 8 1
                                    

THE END.


I somehow let out that little pin that’s continously pinning my heart into pain. Kahit maliit, at least gumaan-gaan ang pakiramdam ko. It’s really better to let it out than to keep it for the rest of your life.

It’s done, I think, kasi nasabi ko na rin sa kaniya ang totoo kong nararamdaman. Hindi man katulad nang inaasahan ko five years ago, at least I was able to tell him I love him.

Pero I promised myself, kapag nasabi ko na sa kaniya, kailangan ko nang mag-move on. Kahit mahirap, kahit masalimoot, kailangan kong umusad. Hindi dapat habang-buhay ay nakakulong ako sa ganitong klaseng situwasiyon.

It’s my last day here. I want to extend pero ang bakasyon ay hindi panghabang-buhay. Kahit gaano mo pa kahabang i-extend ito, may katapusan talaga. Kasi kapag hinabaan mo pa ang bakasyon mo, hindi na bakasyon ang tawag do’n. Ang tawag do’n, pagpapasarap na sa buhay, pang-aabuso sa bakasyon. ‘Yon na lang kaya ang maging trabaho mo.

But is this vacation worth it or nah? I don’t know.

“So… bakit ka nga Mondejar? Akala ko nga noon na kasal ka tapos isang Mondejar ang napangasawa mo.”

Mahina akong natawa dahil sa naging komento ni Farrah. We were so happy kanina kasi bagong uwi lang siya at sakto pa na ngayon ang highlights ng fiesta ng city namin. Kaso nga lang at last day ko na so I have this day to bond with her. Galing lang din siyang ibang bansa. Hindi nga lang nakahabol sa iilang reunion nitong nakaraang araw. Pero bumawi ngayong araw. Mabuti pa siya, bumawi, pero ‘yong magkapatid, hindi talaga umuwi. Talking about the Osmeñas.

“Mondejar naman talaga ‘yan. Ang nakalagay sa birth certificate n’yan ay Mondejar,” sabat ni Nicho, naunahan ako sa pagsasalita.

“O, e, bakit nga? Saratobias ka all your life tapos biglang naging Mondejar,” dagdag pa na tanong ni Farrah. Sa aming magkakaibigan, madaldal talaga ang babaitang ‘yan. Mabuti nga’t umuwi.

Inintriga agad ako ni Farrah nang magkita kaming dalawa. Nandito ang mga batang hamog ng simbang gabi. Hindi nga lang kompleto. He’s also here. But I just greeted him casually.

“Bigla kong nakilala ang Papa ko after his absence all my life. Tapos kung kailan ko siya nakilala, patay na. To cut the story short, I just forgave and forgot. Saka all my public documents bear the name of Mondejar. Kaya Saratobias ang dinala ko since I started schooling kasi ayaw ni Lolo na dalhin ko ang apelyido ni Papa. Nakasanayan na kaya hindi na binago pa. Ngayon lang na nangibang-bansa na ako.”

“Kaya pala hindi mo ipinapakita sa amin ang important files mo. Kasi Mondejar ang nakalagay doon. Ayaw mo lang ma-intriga?” tanong pa ni Ada na natatawa kong tinanguan.

“Grabe ‘no. Ang dami nang nagbago sa friendships natin. Like, we already grew up and we’re now heading to the midlife crisis! I can’t believe it!” sabi pa ni Farrah.

Pinasadahan ko siya ng tingin na nasa kabilang end ng table. Hindi siya nakatingin sa kung sino man sa amin pero alam kong nakikinig lang siya sa kuwentuhan ng lahat. Umiwas na rin ako ng tingin at itinoon na ang atensiyon sa mga kaibigan.

We spent our lunch time, basically the whole afternoon at the Barcelona’s compund. Ni-less namin ang inumin dahil may kailangan din kaming harapin mamayang gabi. Ang sabi, mamayang gabi na lang daw ang unlimited drinks. Bukod sa may party mamaya sa rotunda, sponsored din ng mga Lizares ang party’ng iyon. Headed by their politician brother, Einny.

Kinagabihan, nagpunta kaming lahat sa plaza para manood ng coronation night ng Manlambus Queen. Maraming tao sa plaza kasi special guest daw ng pageant si Daniel Padilla. Tapos jampacked din sa mga sikat ang coronation night na ito. Lima ang judges tonight. Ang dalawa sa judges ay ang mag-pinsan na Osmeña na si Chain at Teagan, na kapatid naman ni Ada. Ang pangatlo ay si James Yap na kasama ko rin noong ribbon cutting ng exhibit. Pang-apat ay ang bunso ng mga Lizares, si Darry. Pang-lima ang pinsan ni Hugo na ngayo’y isang sikat na artista na, internationally.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Where stories live. Discover now