WTWTTS - 33

109 4 0
                                    

THE CAKE HOUSE.

Just like this ring, I kept his promise. His unspoken promise na hindi ko man alam kung ano pero isinapuso ko. Parang timang ‘di ba? Bugok na bugok talaga!

Kahit kasi anong pilit ko sa kaniya, hindi niya sinasabi sa akin kung ano 'yon. Ayaw talaga patibag.

Nakapalumbaba ako habang nakatingin sa kawalan, sa kawalan na unti-unting naging mundo ko. Ewan kung tama bang gawin ko siyang mundo pero ‘yon ang naramdaman ko. Unti-unti ko na siyang napapansin, unti-unti nang nagbabago ang ihip ng hangin. Ang hangin na siyang nag-uudyok sa alon para halos abutin ang kalangitan sa sobrang taas. Ang hangin na nag-uudyok sa akin na abutin siya.

Sa totoo lang, nakatitig talaga ako kay Ada ngayon. Ako, nakangiti. Siya, parang pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang sama ng mukha.

Napaayos ako ng upo at hindi muna inaalala ang mga alaalang nagpapangiti sa akin ngayon. Papansinin ko muna ‘tong kaibigan kong parang wala sa timpla.

“Hoy, okay ka lang? Birthday na birthday mo ngayon pero daig mo pa namatayan sa sobrang sama ng mukha mo.”

Ibinaling ni Ada sa akin ang tingin niya pero agad ding nag-iwas para atupagin ang kape niya. Nagpa-as if pa siyang nag-s-stir siya sa mug pero alam kong wala na rin namang laman ‘yang mug niya. Mapagpanggap talaga itong mga Osmeña na ito kahit kailan.

“Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita after ng graduation mo, ganitong mukha pa ipapakita mo sa akin,” dagdag na sabi ko pa.

Malalim siyang nagbuntonghininga at tinigilan na rin ang walang kabuluhang ginagawa niya. Bumalik ang tingin niya sa akin with her wide-known smile.

“Wala ‘to. Pagod lang. Ikaw, parang ang saya mo ngayon, ah?”

Wala sa sarili akong napahawak sa pala-singsingan ko dahil sa tinanong niya at mas lalong lumawak lang ang ngiti nang maramdaman ang singsing.

“Matagal na naman akong masaya,” kibit-balikat na sabi ko pa.

Simula no’ng mapagtanto ko ang mga bagay-bagay, naging masaya na ako.

“Neknek mo. Sinong jowa mo ngayon? Dami mo nang hindi nakukuwento sa akin, ah? Care to tell me about the story of Tonton?”

“H-Huh? Ba’t naman nasali sa usapan ngayon si Tonton? Wala, ah. Magkaibigan lang kami ng bugok na ‘yon,” patay-malisyang sagot ko.

“Kaibigan o ka-ibigan? Ayon nga sa kanta ng kapatid ko, kaibigan lang ba talaga ang hangganan ninyong dalawa? Kaibigan lang ba talaga ang kayang maibigay? Maaari bang ang kaibigan ay gawing ka-ibigan. Isang dash lang naman ang pagitan. Ang dash na magde-depina ng inyong pagmamahalan.”

At talagang kinanta niya pa talaga ang kanta ng banda ng bunso nilang si Mikan. Sumama tuloy ang mukha ko. Hindi malaman kung tatawa o babatukan ang babaeng ito.

“Seryoso ka r’yan, Adaline? Ano ba ‘yang pinagsasabi mo. Makaibigan lang talaga kami,” todo-deny pa rin ako.

“Hindi ka talaga pinormahan ni Tonton? Like, ever?”

“Hindi nga! Bakit naman ako popormahan no’n.”

“Ewan ko. Malay ko. Wala akong pakialam sa mga Lizares na ‘yan.”

“Wow, coming from you na isang Lizares ang bestfriend ha?”

“Psh, anyways… may gusto ka pa bang kainin? Libre ko ngayon, sagarin mo na.”

“Actually, um, mayroon.”

Ngumisi ako sa kaniya at inilatag na sa kaniya ang gusto kong kainin dito sa Bru Mags.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang