WTWTTS - 6

159 10 0
                                    

THE BIRTHDAY PARTY.

Paulit-ulit kong pinapaypay ang hawak kong invitation card habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. Today’s the day and I don’t know what to do. I’ve been staring to myself for hours already, still undecided.

I’m really prepared and ready to go. Nakapagpaalam na rin ako kina Lolo at Lola na may pupuntahan akong birthday party ng kakilala. Agad naman silang pumapayag kapag may mga ganito akong lakad dahil alam nilang kasama ko naman ang barkada ko pero this time, mag-isa lang kasi ako at hindi ko alam kung anong sasakyan ko papunta sa venue ng party. T-in-ext ko kanina si Yosef pero hanggang ngayon hindi pa rin nagri-reply ang bugok. Ngayon ko kailangan ang driving skills niya!

Kumalma ka nga muna, Zettiana! Para kang bugok na itlog!

Binasa ko ulit ang nakasulat sa invitation card na hawak ko kahit pang-ilang beses ko na itong nabasa. Sa malaking bahay ng mga Ponsica ang venue ng party. Wala namang nakalagay na dapat magsuot ng casual dress or even formal. I assume it’s like a wear everything you want party. ‘Yong bahay ng mga Ponsica ay malapit lang sa pamilihang bayan ng city namin. Malaki ‘yong bahay nila roon at kapansin-pansin dahil sa medyo makaluma nitong desinyo. It’s a three-storey house. Kung saan ang unang palapag ay ang grocery store na pagmamay-ari ng pamilya nila.

Mayaman ang mga Ponsica. Kilala sila sa larangan ng negosyo at pulitika. Pero kahit ganoon, hindi pa rin nila kayang pantayan ang yaman at impluwensiya na mayroon ang mga Osmeña. Kaya siguro hindi nila magawang makasundo ang mga ito. For my own opinion lang ha, baka ka-kompetensya ang tingin nila sa mga ito. Ewan ko lang, hindi ako sigurado r’yan. Usapang pang-matanda kasi ‘yan, wala kaming kinalaman d’yan.

“Apo, nandoon na sa labas si Yosef.”

My face lit up and agad akong lumingon sa direksiyon ng pinto kung saan ko narinig ang katok ni Lola at ang sinabi niya. Lumapit ako sa pinto para salubungin ang pagbukas ni Lola rito.

“Okay po, La. Alis na po ako.” Hinalikan ko ang pisnge niya para pormal na makapagpaalam ulit. Lolo’s not around kasi may convention ang Liga ng mga Barangay sa Iloilo City for five days.

“Mag-ingat ka, apo, ha? Umuwi ka ng maaga.”

“Sige po, La. I’ll be home before twelve.”

“Anong twelve, Ate Zet? AM o PM?”

Biglang sumulpot sa likuran ni Lola si Krezian, kapatid ni Justine, at sumabat sa sinagot ko kay Lola.

“Go to sleep, Krez.”

“Ingat, Ate Z!” she kissed me on my cheek at pumasok na sa kuwarto namin.

Just so you know, Tito Jose’s family are living under Lolo and Lola’s roof. Malaki naman ang bahay nina Lola at kung pati sila ay bubukod, paniguradong walang maiiwan sa malaking bahay na ito. Mas better nga raw na nandito sila. Edi no’ng dito na ako tumira, mas lalong naging maingay ang buong bahay. Before pang nakaalis si Mama, may sarili na talaga kaming bahay. It’s near the hospital kasi bukod sa doon na talaga nakatayo ang bahay namin, it’s near her workplace which is the hospital. My Mama is a nurse nga pala. Sina Tita Annellia naman ay doon nanirahan malapit sa family ni Tito Doane, her husband. Kaya kapag school days and normal days, sa school lang kami nagkikita ni Nicho.

Sinabi ni Lola na sa labas na raw naghintay si Yosef, hindi na pumasok. Kaya agad akong nagpaalam sa lahat ng tao sa bahay bago tuluyang nakalabas.

I saw outside our fence the usual car na sumusundo at naghahatid sa kanilang magkakapatid. Marunong ng magmaneho si Yosef pero wala pa siyang driver’s license o kahit ‘yong student’s license man lang. Minsan lang siyang pinapadala ng kotse nila at nagpapasalamat ako na sa minsang iyon ay nasali ang walang kuwentang lakad ko ngayon.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Where stories live. Discover now