WTWTTS - 18

99 7 0
                                    

THE LUNCH.

Nagsimula akong mag-draft sa blankong papel. No’ng una, may nagagawa pa naman ako. Nakukuha ko ng eksakto ang measurements. Nakakagawa ako ng magagandang designs and ideas. Pero habang palakas nang palakas ang sigawan at boses nila, doon na ako nagsimulang ma-distract.

Mayroong lumalampas na ang lapis ko sa guhit. Biglang liliko ang lapis na hawak ko dahil sa gulat sa tawanan nila. At kung ano-ano pang kamalian na puwedeng gawin habang gumagawa ng plates. May plate naman akong natapos, ‘yong floor plan ng isang proposed school building design, pero first floor pa lang ‘yon. Nasa second floor na ako, na dapat ay madali lang sana kasi may pagka-identical lang naman ang design nito sa first floor, pero pumapalya ako sa measurements. Nadi-distract talaga ako sa tawanan nila.

I’m not against them playing cards and having fun pero sana naging considerate sila since hindi rin lang naman silang tatlo ang tao sa kuwartong ito. Hindi na talaga ako magtataka kung katukin kami mamaya ng kabilang kuwarto para patahimikin.

Medyo nakakainis lang din na akala ko may kailangang gawin si Therese pero bakit nakisabay siya sa paglalaro ng baraha sa mag-jowa? Dapat considerate din siya. Gusto ko siyang pagsabihan pero ayaw ko naman na mag-away kami. Hinabaan ko na nga lang ang pasensiya ko kanina para lang magkainitindihan kaming dalawa.

Isinaksak ko na lang ang earphones ng cell phone ko at sinibukang makinig na lang ng music habang may ginagawa imbes na makinig sa tawanan nila. Baka sakaling less distracted ako kapag music lang ang pinakinggan ko.

It was quite effective hanggang sa natapos ko ang unang floor plan na kaya kong gawin. Labels at final touches na lang ang kulang, okay na.

Sinubukan kong gawin ang sa second floor. Medyo natagalan kasi nahihirapan pa rin ako kahit na music na lang itong naririnig ko.

Binitiwan ko pansamantala ang lapis na hawak ko at napatitig sa gawa ko. Hindi talaga katanggap-tanggap. Hindi ito matatanggap ng standards ko. Uulitin ko talaga ‘to.

Tinitigan ko ang napakapangit kong gawa habang sinasabunutan ang maliliit na hibla ng buhok ko. Para ko lang itong sinusuklay pero sinasabunot ko na talaga ito sa frustration.

Hanggang sa lakumusin ko ang papel na iyon at i-sh-in-oot sa malapit na trash bin. Unang papel pa lang pero nakakapanghinayang na.

Kumuha ako ng bagong papel at tinitigan muna ito bago nagsimula.

But just as I want to start again, natigil ang music dahil sa isang tawag. Napatingin ako sa screen ng cell phone at agad napangiwi.

Ano na namang kailangan nitong Nichodemus na ito at gustong makipag-video call sa akin?

Ini-swipe ko ang green button at agad pinabayaan iyon. Bahala siyang kisame ang makita niya.

“Wooooooh! Saya!”

Walang hiya! Ang lakas ng apog!

Matinding pagngiwi ang nagawa ko nang marinig ang sigawan sa kabilang linya. Dahil nga naka-earphones ako, solong-solo kong narinig ang ingay nila. I glance at the screen pero agad din akong napa-iwas nang saktong dumaan ang isang maliwanag na dancing lights. Na-i-angat ko ang cell phone ko to have a better look at the other line.

Masiyadong magulo ang background at maingay na rin. Nasa bar na naman ang bugok. Kapag ito nalaman na naman ni Tita at Tito, hindi ko na talaga isasalba ang puwet ng bugok na ‘to.

“Ano na naman?” tanong ko sa kaniya at inilapag na ang cell phone para matingnan muli ang blankong papel na kahit isang linya ay hindi ko pa nasisimulan.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Where stories live. Discover now