WTWTTS - 37

146 5 1
                                    

THE GRADUATION AND FUTURE ENDEAVORS.


If it weren’t for my busyness of studies and eagerness to graduate, I would’ve killed myself with sorrowness and pain. Mabuti na lang at inabala ko na lang ang sarili ko sa mga bagay-bagay. Nawala pansamantala ang mga iisipin ko.

Now, I’m getting the price I really wanted since I entered college. After five years, finally, ay ga-graduate na ako ngayon. Wearing this black toga I’ve been longing to wear for the longest time. Finally!

Mama went home from Canada. It’s surprising too na pati si Tita Leceria ay sumama. After all these years, nakakatuwa lang makita na hanggang ngayon, heto pa rin sila’t nagmamahalan daw. Good for them. I tried loving two sexes, but here I am, left with nothing.

But anyways, walang puwang ang malungkot ngayon. Graduation ko! Dapat masaya ang lahat!

I feel so euphoric, kakaibang kasiyahan ang naramdaman ko during the graduation rites. Matapos ang graduation, pumunta kami sa isang resto at kumain kami ng family ko to celebrate this milestone of my life. After din ay diretsong uwi na sa Escalante kahit sobrang gabi na. Pero matapos ang lahat, matapos kong makipagsaya sa lahat, nagkulong ako sa kuwarto na dinama na naman ang lungkot.

Ganoon naman talaga araw-araw simula no’ng Pasko. I can pretend the whole day but at the end of it, mag-iisa ako at dadamahin na naman ang lungkot. Yayakapin ang unan at mahinang iiyak.

Ilang buwan na ang nakaraan, pinilit ko ang hindi makibalita sa kaniya. Pero nang magkita kami ng barkada sa Escalante, days before my graduation, kusang nakarating sa akin ang balita tungkol sa kasal. Decart said it himself.

Umasa ako ng mga buwang iyon. Umasa ako at naghintay. Kahit na sinabi na ni Decart mismo ang tungkol sa balitang iyon, umaasa pa rin ako. Naghihintay na balikan niya ako at bigyan naman ng kahit kaonting importansiya para sabihin ang nangyari. Ganoon-ganoon na lang ba ‘yon? Matapos niya akong sabihan na mahal niya, bigla siyang mawawala at iiwan ako sa ere kung kailan hulog na hulog na rin ako? Ang unfair nang ganoon.

Pero kailangan kong mag-focus para sa nalalapit kong board exam. Kahit na sa susunod na taon pa ‘yon, kailangan ko pa ring mag-prepare.

Isang araw, days after my graduation, habang nagka-kape, Mama opened up about the possibility of me migrating in Canada. Itutuloy na raw ‘yong dating plano. She’s always asking me about it kahit pa noong nasa high school at college pa ako. But I always decline kasi gusto ko rito, kasi masaya ako rito.

Pero ngayon… nagdadalawang isip ako kung sasama na ba ako. Gusto ko kasing kumuha muna ng lisensiya, ‘yon ang sabi ko sa kaniya. Pero ang totoo, gusto ko muna rito kasi kung sakaling umuwi siya at bumalik, nandito ako para maghintay ng explanation niya, ng side ng story niya. I can’t go on with life not hearing his side. Unfair nga sa akin ang nangyayari ngayon pero mas unfair kung hindi ko man lang pakikinggan ang side niya.

Kaya for the nth time, I declined Mama’s offer.

“Pag-isipan mo, anak. You have a bigger opportunity there. At saka, ‘di ba dati gustong-gusto mong samahan mo ako roon? Ngayon, puwedeng-puwede na kitang i-petition.”

“Ma, kukuha pa kasi ako ng board exam. Next year na lang. Sayang din ang limang taon kong pag-aaral ng architecture tapos hindi rin pala ako kukuha ng board exam para maging isang tunay na architect na talaga.”

“Puwede kang maging architect kahit wala kang lisensiya sa Canada. Tutulungan ka ni Tita Leceria mo. She’s an engineer, baka nakakalimutan mo? Marami siyang connection sa construction field ng Canada, lalo na sa Silver Lining Construction. Puwede kang magtrabaho roon.”

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Where stories live. Discover now