WTWTTS - 2

286 9 1
                                    

THE CONVERSATION.


“Zet, picture daw tayong lahat bago umuwi.”

“Okay, sa’n ba?” tanong ko pa sa naging tanong ni Tonette. I'm talking about the camera, heller!

“Here, you can use this.”

Lumapit bigla ‘yong lalaking kapatid ni Decart. Siya ‘yong napansin kong nakatingin kanina kay Ada pero wala akong naging pakialam kaya kinalimutan ko na lang ‘yong ginawa niya. Tinanguan ko siya nang i-abot niya ang DSLR.

Alam kong may pagkamamahalin ‘tong camera niya. Halata naman, ang yaman kaya nila.

Iginala ko ang tingin sa paligid, naghanap ng maaasahang mukha ng tambay.

“Tiboy, ‘lika nga rito.” Tinawag ko ‘yong isang tambay na nakangisi lang sa ilalim ng ring habang nakatingin sa mga naglalaro. Agad din naman siyang lumapit sa akin, nang nakangisi pa rin.

“’No ‘yon, Zetty?” pangisi-ngisi pa rin niyang sabi, parang nagpapa-cute. Hindi niya ba alam na thirteen years old lang ako? At paniguradong hindi na niya masisilayan ang bukas kapag nagpa-cute pa siya sa akin?

“Paki-picture-an nga kami. Marunong ka bang gumamit nito?” itinaas ko ang DSLR na hawak ko.

“Oo naman. Ako pa!”

Ibibigay ko na sana ang DSLR sa kaniya kaso binawi ko. “Siguraduhin mo lang ha? Hindi akin ‘to. Alam mo na mangyayari sa ‘yo kapag may nangyaring masama sa camera’ng ito.”

“Zetty, tigilan mo na nga ‘yan. Nagpapa-cute ka ba kay Tiboy?”

Ang lakas ng apog!

Masama kong tiningnan ang pinsan kong si Nicho. “Pakyo!” sigaw ko sa kaniya at tuluyan nang ibinigay kay Tiboy ang camera. Kakairita ‘tong si Nichodemus, e.

Kaya hindi ko tuloy magawang makangiti sa picture. Basta lang akong tumabi kina Tonette at pumuwesto lang doon na parang napadaan lang.

“Sige, Zet, Nicho, kita na lang tayo ulit sa susunod na buwan.”

“Sige, ingat kayo sa bakasyon n’yo.” Kumaway kami sa kanila, hinihintay ang kanilang pag-alis.

Isa-isang sinundo ang mga kaibigan namin at ‘yong mga Lizares. Isang Toyota Fortuner ang sumundo sa magpipinsang Osmeña at Chevrolet Trailblazer naman ang sumundo sa mga Lizares. Sumabay na rin si Hugo sa mga Osmeña dahil along the way lang naman ang bahay nila.

Nagpaalam na rin si Pato at Pax kaya kaming dalawa na lang ang naiwan ni Nicho. Nauna na sa amin si Madonna at Justine.

Nang mawala sa paningin ko ang mga kotse, agad kong binatukan si Nicho.

“Subukan mong magbiro nang ganoon, pupulutin talaga sa kangkongan bagong motor mo.”

“What? What did I do?” patay-malisyang tanong niya pa.

Umiling ako at naglakad na papunta sa bahay. Hindi na siya sinagot. Lalo na no’ng natatawa na siyang sumunod sa akin.

“Hindi ka ba attracted kay Tiboy? You we’re so close back then. What happened, Zet?”

“Nag-i-english ka pang bugok ka. Tigilan mo nga ako, Nichodemus.”

Kung ano-ano na ‘yong pinagsasasabi niya sa likuran ko habang naglalakad kami. Para siyang timang na bugok na nagri-reminisce sa elementary days namin. Timang, Nichodemus Vaflor!

Dire-diretso ang naging lakad ko hanggang sa makapasok kami ng bahay. Sa kusina kami dumaan. Nakita ko kanina na nasa ilalim ng puno si Justine at Madonna, mukhang nag-uusap, pero wala akong interes sa kanila at gusto ko lang magpahinga na sa loob at nang makita na rin si Mama.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Where stories live. Discover now