WTWTTS - 29

102 5 0
                                    

THE WAVES OF LA UNION.


Todo pakinig ako sa surfing lessons na naganap kanina. Every detail ay talagang pinakinggan ko. Lahat ng tricks at stance para hindi agad matumba kapag nakasakay ka na sa surfboard, talagang tinandaan ko. Bukod sa mahal ang bayad, gustong-gusto ko naman talagang matuto ng surfboarding.

Dalawang oras ang iginugol namin ni Tonton para sa surfing lesson na ito. Kahit na may ideya naman talaga siya kung paanong mag-surf, sinabayan niya pa rin ako sa lesson na ito. Sa halagang eight hundred pesos, we get to enjoy the surfing lessons. Four hundred pesos per hour. Inclusive of board rental and trainor’s fee.

Dati skimboarding lang ang sinusubukan ko, ngayon ang napakalaking surfboard na ito ang gusto kong matutunan.

Mas lalong naging madali ang pagkakaintindi ko sa lessons ng surfing dahil sa very accommodating na teacher ng surfing. Ang gentle magturo tapos nakaagapay talaga along the way. Maka-ilang beses nga akong sumemplang, patient pa rin siyang nagturo sa akin. Always reminding me na it’s okay na sumemplang at parte ng lessons, lalo na kapag beginners, ang magkamali.

Ang suwerte rin namin na ngayon kaming pumunta rito. Kahit April na, may na-i-experience pa rin kaming alon galing sa dagat kahit na ang sabi nila, wala na raw masiyadong alon kapag ganitong season dito sa San Juan, La Union. Siguro, hinintay ako ng alon para matuto. Char.

Matapos ang dalawang oras na informative lesson, umahon na rin kami sa dagat. Nagpasalamat ng malaki sa nagturo sa amin kahit na magkikita pa naman kami bukas for another set of lessons. Ang sabi kasi ni Tonton na dalawang oras lang sa isang oras ang igugugol namin sa surfing para mapuntahan din namin ang ibang attraction dito sa La Union. Ang sabi kasi niya ay hindi lang surfing ang kayang i-offer ng La Union, marami pa raw iba, kaya mas lalo tuloy akong na-excite maglibot.

Mas naunang natapos sina Decart at Nicho sa surfing lessons kasi nga mas nauna silang nagsimula kaysa sa amin. Sinalubong nila kami nang makaahon na, at pareho silang nakabihis na ng bagong damit.

Nakatingin sila sa DSLR ni Tonton. Sila kasi ang pinahawak ni Tonton kanina habang nasa dagat kami. ‘Yong hawak niya naman kanina while nag-s-surfing lesson ay ang Go Pro.

“Patingin ng pictures!” agad na sabi ko pagkalapit.

Ipinakita rin naman agad nila sa akin kaso ayaw lumapit kasi nga basa pa ang damit ko at nakapagbihis na sila. Ang aarte ng mga bugok na ito.

“Walang hiya, mga pictures n’yo lang naman ‘to, e.”

Ibinalik ko ang camera sa kanilang dalawa. Mukhang sinadya nilang damihan ang pictures nilang dalawa sa camera’ng iyon. Nag-expect pa naman ako na p-in-icture-an nila ako while surfing.

“Magbihis na kayo roon. Malapit ng mag-lunch.”

Umismid na lang ako at sabay na kaming naglakad ni Tonton papunta sa hotel rooms namin na magkatabi lang naman.

Sumptuous ang naging lunch namin. Sa sobrang sarap parang gusto ko na lang na tumira rito para lang kumain nang kumain. Ebarg! Bakit walang ganito sa city namin!

Puros kuwentuhan about sa first surfing experience namin ang naging usapan over lunch. Puros tawanan na rin kasi pareho kaming first timer ni Nicho pagdating sa ganito. Ang magkapatid naman ay nasubukan na rin ang mag-surf at medyo familiar na rin daw. Kaso si Tonton daw talaga ang may knowledge sa surfing kasi dati raw mas madalas siyang umalis para lang mag-surfing.

Iba talaga ‘pag mayaman, ano? Paalis-alis na lang para lang mag-surfing at kung ano-anong recreational activity lang naman? Iba talaga kapag mayaman. Sana all talaga mayaman.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Where stories live. Discover now