Chapter 40

249 32 27
                                    

THREE days lang siya doon sa Switzerland. Buti na lang at weekend noong pumunta siya kaya nagkaroon talaga sila ng oras ni KC para makapag-bonding.

Ngayon ay nasa supermarket sila at nabili ng grocery. Habang namimili ay may nakakita sa kanilang ka-trabaho ni Sven sa nursery school. Agad silang binati nito. Pilipino din naman 'yon.

"Oh, Sir Sven. Ikaw pala 'yan," nakangiting bati nito.

"Oh, Malou. Weekend grocery din?" sagot naman ni Sven pagkatapos ay ngumiti.

"Oo, alam mo naman na nagagawa ko lang ito kapag weekend. Sobrang busy natin sa school, e."

Pagkatapos noon ay nagpakita na si KC at kasunod niya si Pzalm kaya nagulat ng konti si Malou dahil ngayon niya lang naman nakita si Pzalm.

"Hello KC. How's your day?" bati niya kay KC at tumingin naman siya at ngumiti kay Pzalm, ngumiti si Pzalm pabalik sa kanya na para bang nahihiya.

"My day is so happy because of my Mama Pzalm!" sabi ni KC.

Dahil doon, nagulat ang tatlo at napatingin kay KC. Agad na pinagsabihan ni Sven ang kanyang anak dahil nahihiya siya kay Malou at Pzalm.

"Who is Mama Pzalm?" tanong ni Malou.

"Kira Cyrille, what did you say? Pzalm isn't your mom. You know that, right?" linaw niya sa anak.

"I know. Mommy Keira and Mama Pzalm is different but I love them both so I'll call her Mama Pzalm," nakangiting sabi ni KC at saka tumingin kay Pzalm.

"O-Okay. Sven, I got to go. May mga gagawin pa ako," sagot naman ni Malou, ngumiti siya kay Pzalm bilang paalam.

Halos hindi makatingin si Sven kay Pzalm dahil sa sinabi ng anak niya kanina dito. Hindi rin naman nagsalita si Pzalm dahil sa gulat.

Pagkatapos nilang mag-lunch ay niyaya naman sila ni KC na pumunta sa isang play area. Katulad noon sa Pilipinas kung saan unang nagkita si Pzalm at KC.

Noong una ay hindi pumayag si Sven dahil nga kung anu-ano ang sinasabi nito kanina pero kinausap siya ni Pzalm na payagan na lang dahil doon masaya si KC kaya iyon naman ang ginawa niya.

Isang oras din ang binayaran ni Sven. Dahil wala na silang ibang gagawin ay niyaya na lang siya ni Pzalm.

"Ice cream tayo? Gusto mo?" yaya ni Pzalm, tahimik lang si Sven pero pumayag siya.

Naglalakad sila noon, si Pzalm ay strawberry flavor ang inorder. Samantalang si Sven naman ay mango flavor. Kahit nahihiya siya ay nagsalita na rin.

"S-Sorry sa sinabi ng anak ko kanina. Kung anu-ano lang nalabas sa bibig niya. Nakakahiya," sabi ni Sven habang nakain ng ice cream.

"Tinuro mo siguro 'yon, ano?" natatawang sagot naman ni Pzalm nang pabiro kaya naman ay nagulat si Sven.

"H-Hindi ah. She's just so appreciative of you. Hindi ko alam kung bakit pero mahal na mahal ka niya, e. Minsan nga, nagseselos na ako dahil ako ang tatay pero hindi naman siya ganoon sa akin," kwento naman ni Sven.

"De, okay lang naman. Don't worry. Gusto ko rin naman 'yong tawag niya sa akin na Mama Pzalm," nakangiting sabi ni Pzalm pagkatapos kumain siya ng strawberry ice cream.

Nagulat naman si Sven at napangiti pero syempre, hindi niya pinahalata iyon kay Pzalm.

"Talaga lang ha? Gusto mo talagang tawagin ka niyang Mama Pzalm?" pagsisiguro ni Sven habang nakangiti.

"Oo naman, ang ganda kaya isipin na merong bata na nakaka-appreciate sayo. I mean, hindi naman niya ako kailangang mahalin pero ginawa niya 'yon without hesistation, di ba?" sabi naman ni Pzalm.

Kasi, mahal kita.

"Kahit na anak pa 'yon ng ex-boyfriend mo?" matapang na tanong ni Sven kay Pzalm.

Halos mabulunan si Pzalm dahil sa narinig niyang sinabi ni Sven. Agad niyang sinuntok ang braso nito at tiningnan niyang mabuti si Sven.

"Loko ka talaga kahit kalian, e. Hindi ko iniisip na anak mo siya, no. Saka correction, si KC lang iniisip ko kaya ko ginagawa 'to. Wala nang iba pang dahilan," paglilinaw niya pero kabado siya nang sinabi na 'yon.

"Wala naman ako sinasabi ah? Saka, tanong ko lang naman 'yon. After all, masaya ako na mahal mo ang anak ko kahit siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako nawala sa'yo."

Dahil sa sinabi ni Sven, natahimik silang dalawa. Pero ilang minuto lang ang nakalipas ay nagsalita ulit si Pzalm.

"Alam mo, noong una ay ayaw ko sa kanya. Pero, na-realize ko rin na wala naman siyang kasalanan eh. She came because God allowed her to happen," sabi ni Pzalm na nakangiti habang nakatingin sa ibang tao.

"As expected, ganoon naman talaga sa una. Pero ngayon, Mama Pzalm ka na niya," nang-aasar na sabi ni Sven kaya naman sinuntok ulit ni Pzalm ang braso niya.

"Ito ang ayaw ko kapag kasama ko kayo. We need to part ways. Umuwi na nga kayo sa Pinas!" sabi pa ni Pzalm, nalulungkot siya dahil mami-miss na naman niya si KC.

"Kapag umuwi kami roon, lagot na naman kay Jethro. By the way, kamusta na ba siya? Alam ba niya na nandito ka?" tanong ni Sven.

"Actually, hindi eh. H-Hindi ko sinabi kasi alam kong mag-aaway na naman kami. Pero, sasabihin ko rin naman pag-uwi ko. Sa ngayon, gusto ko lang makasama si KC. Saka ko na iisipin ang magiging kapalit nito," sagot naman ni Pzalm.

Ako rin, saka ko na iisipin ang mga bagay, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kasama kita.

"Naku, baka mamaya sumugod 'yon dito sa Switzerland tapos dito kayo mag-away?! Sa tingin mo?" pang-aasar naman ni Sven.

"Baliw, hindi 'yon. Busy 'yon, e. Halika na nga, sunduin na natin ang anak mo para makauwi na rin tayo," sagot naman ni Pzalm pagkatapos ay tinapon niya sa malapit na basurahan iyong balat ng ice cream.

Tinapon rin ni Sven iyong kanya at sumunod na kay Pzalm. Pagdating nila roon ay agad na na yumakap si KC kay Pzalm at sobrang saya nito dahil nakapaglaro siya.

"Mama Pzalm!" sabi ni KC.

"Yes, baby? C'mon, let's go home," sagot naman ni Pzalm at binuhat na si KC.

This is a perfect moment for me.

Perfect moment, pero may katapusan. Lord, bagalan mo pa ang oras. Hindi ko pa kayang bitawan 'to.

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon