Chapter 2

1.2K 103 37
                                    

ISANG linggo matapos ang pagkamatay ni Kiera Amore ay sinunod na ni Sven ang hiling ng asawa. Uuwi na sila sa Pilipinas na mag-ama dahil hindi na rin kaya ni Sven na manirahan pa sa bahay nila. Naaalala lang niya ang asawa.

"Where are we going, dad?" tanong ng batang si KC.

"We are going home," tipid na sagot ni Sven at ngumiti ito sa kanyang anak.

"But we are home, dad. What if mommy comes back?"

Nalungkot si Sven sa narinig pero hindi niya pwedeng ipakita sa anak na nanghihina siya. Nag-aayos siya ng gamit at mga damit nila ng marinig niya iyon mula sa anak.

Sinara niya ang cabinet at saka umupo doon sa kama nila. Umupo si Kira sa lap ng kanyang ama. Inayos naman ni Sven ang buhok ng anak bago nagsalita.

"We do have a home in the Philippines. For now, doon muna tayo magse-stay okay? We can do that, right?" sabi ni Sven sa anak.

"But how about mommy? Is she going home with us?" may kuryuisdad na tanong ng bata.

Bigla niyang naalala ang sinabi ni Kiera Amore sa kanya. May kirot sa puso niya nang maalala iyon.

Promise me, uuwi kayo ng Pilipinas ni KC at iiwan niyo ako sa mga magulang ko. Forget me. Bata pa naman si KC, may panahon pa para hindi niya ako maalala.

"We will visit her here sometime. You just have to wait. Sabi naman ni Sven pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ng anak.

Tumahimik na si KC pero halata ni Sven na ayaw ng bata na making sa kanya. Iyon ang mahirap sa pagkawala ni Kiera Amore, hindi niya pa gaanong kilala ang bata dahil mommy's girl ito noong buhay pa ang asawa.

Nang maayos na niya ang gamit ay inayos na rin niya ang anak. Buti't may kasambahay sila sa Switzerland na pwedeng pakisuyuan kay KC.

Ngayon, hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa Pilipinas. Hindi naman kasi niya pwedeng dalhin rin ang kasambahay na iyon dahil nagalit nga ang parents ni Kiera Amore sa kanya.

"KC, let's go. We will go sa house ni Tito Raven and then uuwi na tayo sa new home natin okay?" sabi ni Sven.

Tumango lang ang anak habang hawak ang doll na bigay ni Kiera Amore noong 7th birthday nito.

Hirap na hirap siya sa mga gamit dahil hindi naman siya sanay na siya ang nagawa noon. Ngayon niya lang rin nalaman na ang bigat na pala ng anak niyang si KC.

Paalis na sana sila nang biglang dating naman ng parents ni Kiera Amore. Agad na nagpababa ng kalong si KC sa ama at sinalubong ng yakap at halik ang grandparents niya.

"Mamita and Dada!" excited na sabi ni KC.

"My dear apo, how are you? Have you eaten already?" sabi ng sweet na boses ng lola ni KC.

"Yes, but daddy told me that we have to go home," inosenteng pahayag ng bata.

"Home? Where?" nagtatakang tanong ng kanyang lola.

"I-I don't know, Mamita. But daddy told me that it's wonderful there!" masiglang sabi noong bata.

Ngumiti ang lola ni KC sa apo at binigay iyon sa kanyang asawa. Agad niyang nilapitan si Sven. Seryoso ang mukha nito at halatang galit na galit.

"Ano na naman bang katangahan ang ginagawa mo, Sven? Saan naman kayo pupunta ng apo ko? Ito na ang bahay ninyo, dito na kayo titira kahit na wala na si Kiera Amore," mahigpit n autos niya pero pabulong lamang dahil baka marinig ni KC na nag-aaway sila.

"Mamita, ginagawa ko lang po ang gusto ng anak niyo noong nabubuhay pa siya. Uuwi po kami ni KC sa Pilipinas at doon-" natigil si Sven sa sasabihin dahil sumagot agad ang kanyang biyenan.

"Do you think na hahayaan kong mangyari iyon? Ihihiwalay mo ako sa apo ko? Diyos ko! Alam mo bang ang sakit na ng puso namin dahil sa pagkawala ni Kiera Amore tapos kukunin mo na rin si KC sa amin? Paano naman kami mabubuhay niyan?!" galit na sabi nit okay Sven.

"Dadalaw naman po kami sa inyo, Mamita. Hindi ko naman po ipagkakait ang apo niyo sa inyo kahit na wala na ang asawa ko," malungkot na sagot ni Sven.

"At ano? Gagastos pa kayo ng pamasahe para lang makita niyo kami? Hindi, hindi ako papayag! Kahit na ayaw ko sayo eh ikaw pa rin ang pinili ng anak ko kaya papatirahin pa din kita dito," sabi naman ng kanyang biyenan.

"Huwag niyo na po akong pahirapan, Mamita. Hindi lang naman po kayo ang namatayan, ako rin po. Nahihirapan ako kapag nakikita ang bahay na ito, naaalala ko si Kiera Amore. Gagawin ko po ang gusto ng asawa ko kahit na ano pa po ang mangyari," sagot naman ni Sven.

"As if naman na malalaman pa niya kung sinunod ng asawa niya ang gusto niyang mangyari? Wala na siya, Sven. Kung ano man ang gusto niya, hindi na iyon masusunod dahil ayaw kong mahiwalay sa akin ang apo ko," sabi naman ng matanda.

"Ganito na lang po, Mamita. Puntahan po natin si KC doon, siya nap o ang tanungin natin kung kanino siya sasama," sagot naman ni Sven.

Dahil ayaw na ng argumento ng biyenan ni Sven ay lumapit na nga lang sila sa bata para tanungin ito. Isa pa, naisip rin ng matanda ang anak niya at alam nito na gusting-gusto na nitong umalis sa Switzerland noon pa man.

"Hey, my princess. Where do you want to go? Sa home ni Daddy Sven or dito kay Mamita?" Sven asked his daughter.

Nagtatakang tiningnan ni KC ang dalawa habang hawak-hawak pa rin nito ng lolo niya. After a minute, she smiled. Ang dalawa naman ay kabado sa magiging sagot ng bata.

"I remember, Mommy Kiera told me to go with Daddy Sven. We made a promise at the hospital before," inosenteng sagot ng bata.

Dahil doon, tuwang-tuwa na niyaya ni Sven ang anak. Si Mamita naman ay iyak nang iyak kaya ang asawa nito ay niyakap siya.

Ano na nga ba ang mangyayari sa kanila sa Pilipinas?

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon