Chapter 20

284 37 37
                                    

NAGISING si Pzalm nang maalala ang nangyari sa kanya kagabi. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na nakasama niya si Sven kagabi.

"Naalala mo ba 'yong ginagawa ko kapag may sakit kang ganyan?" tanong ni Sven.

"Hmm, ano?" tanong ni Pzalm pero ramdam mong nanghihina siya sa kanyang boses.

"I-I squeeze your hand and kiss your forehead. Hawak-hawak ko 'yon hanggang sa maging okay ka na," kwento ni Sven pagkatapos ay iyon naman ang kanyang ginawa.

He squeezed Pzalm's hands and kissed her forehead. Pagkatapos noon ay niyakap na niya ito para makatulog na sila.

"S-Sorry, I know, hindi mo dapat ginagawa 'to pero nandito ka ngayon at inaalagaan ako," sabi ni Pzalm na nahihiya sa nangyari.

"Don't worry, it's fine. Isipin mo na lang na highschool sweethearts tayo ngayon at inaalagaan kita," biro ni Sven at natawa siya sa kanyang sinabi.

"Let's accept the fact that we can't go back to that time anymore," mahinang sabi ni ZPalm pero sapat naman na para marinig ni Sven.

"Yes, but can we act like this now? Ngayon lang," hiling ni Sven.

Hindi na sumagot pa si Pzalm, niyakap na lang niya si Sven nang mahigpit. Dahil doon, napuno naman ng ngiti si Sven sa kanyang labi.

Nagising naman sa katotohanan si Pzalm nang biglang may kumatok sa pinto at nag-ring sa doorbell ng condominium. Dahan-dahan siyang tumayo para buksan iyon.

Nang buksan niya ang pinto, tumambad sa kanya ang nakangiting si Jethro. Niyakap agad siya ni Jethro nang magtama ang kanilang mga mata.

"I missed you so much babe! Grabe, nakakapagod ang byahe. Buti na lang talaga at naka-uwi na ako. I have so much to tell you," sabi ni Jethro at nakayakap pa din siya kay Pzalm.

Tahimik lang si Pzalm na pinapasok si Jethro sa loob ng condominium kaya naman taking-taka ang binata sa kinikilos ng kanyang fiancée.

"Is everything alright? May problem ka ba? Tell me," sabi ni Jethro, si Pzalm naman ay umupo sa kama at tahimik pa rin.

"L-Last night, I was sick," panimula ni Pzalm.

"Yeah, it's because of the alcohol . Right? Kaya nga, pinag-prepare na kita ng breakfast at gamot mo. Ininom mo ba?" sabi naman ni Jethro.

"I did," tipid pa rin ang mga sagot ni Pzalm.

Lumapit na si Jethro sa may kama para samahan si Pzalm. Hinawakan niya ang kamay nito dahil para bang kinakabahan si Pzalm.

"M-May gusto ka bang sabihin sakin?" tanong ni Jethro.

"I called Leigh to come here last night. Wala akong kasama at may sakit ako. Hindi ko naman siya tatawagan kung wala akong sakit Jethro," kwento niya.

"Well, okay lang naman 'yon. Siya naman ang-" natigil si jethro sa pagsasalita dahil sumagot agad si Pzalm sa kanya.

"H-Hindi si Leigh ang dumating Jethro, si S-Sven," pag-amin ni Pzalm, agad na tinanggal ni Jethro ang hawak niya sa kamay ng kanyang fiancée.

"H-Ha? Bakit? Paano?" tanong niya at tumayo na.

"Unang sabi niya sa akin, pupunta naman siya. Pero noong huli na, si Sven na ang pinapunta niya," kwento ni Pzalm.

"Eh bakit mo naman pinatuloy eh alam mong si Sven 'yon? Akala ko ba hindi mo na siya iisipin kapag nakausap mo na siya? Akala ko ba mamahalin mo na ako nang buo kapag nagkaroon na kayo ng closure?" gulong-gulo si Jethro, ang dami niyang tanong na gustong masagot.

"I-I don't want to be rude. Isa pa, inalagaan naman niya ako talaga. Nothing more, nothing less," paglilinaw ni Pzalm.

"Ang daming nasa isip ko. Nag-kiss ba kayo? Sex? Hindi ko alam Pzalm!" sigaw ni Jethro, dahil doon ay agad na pumunta si Pzalm sa kanya at sinampal siya.

"S-Sa tingin mo, gagawin ko 'yon sayo? How dare you! Oo, ex-boyfriend ko si Sven at aaminin ko sa'yo na hindi pa rin nawalala ang buong pagmamahal ko sa kanya pero hindi ko kayang magawa sayo 'yon!" sigaw ni Pzalm.

Nagising naman sa kanyang mga sinabi si Jethro at napaluhod na lang sa harapan ni Pzalm. Nagsimula na siyang umiyak at humingi ng patawad sa kanyang fiancée.

"Sorry, hindi ko dapat sinabi iyon. I'm out of my mind, kahit nagseselos ako ay dapat nagtiwala pa rin ako sa iyo. I'm sorry, Pzalm," nagsisisi na sabi ni Jethro, nakahawak siya ngayon sa mga binti ni Pzalm habang nahingi ng tawad.

"I've been with you for so long, ngayon mo lang ako sinabihan ng ganyan. Ano bang nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Pzalm.

"H-Hindi ko alam, selos na selos ako sa kanya. P-Parang nawala lahat ang ginawa ko ng limang taon dahil lang sa bumalik siya," pag-amin ni Jethro.

Hindi naman nakapagsalita si Pzalm dahil ramdam naman niya si Jethro. Alam niya na naging ganoon lang naman si Jethro noong bumalik si Sven.

"Hiwalayan mo na lang ako, Pzalm, malinaw na sabi ni Jethro na kinagulat ni Pzalm.

"Jethro, ano bang sinasabi mo? B=Bakit?" naguguluhang tanong ni Pzalm.

"Alam nating dalawa na mas matimbang pa rin siya. Maybe, it's time na palayain na natin ang isa't isa. Pzalm, ito na ang hinihintay nating dalawa," sabi ni Jethro.

"Ang alin, Jet?" naguguluhan pa rin si Pzalm.

"Ang malaman kung mahal mo pa siya o hindi. Pzalm, magpapa-ubaya na ako sa kanya. Hindi ko na kaya at alam ko rin na siya talaga eh. Siya talaga iyong taong para sa iyo," naiyak na ulit si jethro habang sinasabi niya ito.

"Jethro, ikakasal na tayo. A-ano bang sinasabi mo?" naiiyak na rin si Pzalm.

"Hindi na, Pzalm. Hindi na tayo ikakasal," Jethro announced.

Napatingin si Pzalm sa engagement ring na nakalagay sa finger niya. Doon na siya humagulhol ng iyak.

"Huwag kang umiyak, baka hindi kita mabitawan lalo. Kung siya ang dahilan kung bakit masaya ka, ayos lang. Alam ko rin na masaya siya sa'yo. Baka dumaan lang talaga ako para may mag-aalaga sayo habang wala pa siya ulit sa buhay mo."

"Ngayong nandito na ulit siya, aalis na ako. Hindi mo na ako kailangan," dagdag pa ni Jethro.

Napayakap si Pzalm sa kanya habang naiyak. Tumayo si Jethro nang hindi iyon sinusuklian ng yakap. Halos habulin na siya ni Pzalm.

"Magpapalamig muna ako sa labas. Pagbalik ko, kukunin ko na ang mga gamit ko dito," Jethro announced, hindi naman matigil sa kaiiyak si Pzalm habang yakap pa rin si Jethro mula sa likod nito.

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon