Chapter 38

221 29 16
                                    

ILANG buwan na rin na nag-iisip si Pzalm kung tama ba ang desisyon niyang pumunta sa Swiitzerland kapag hindi na siya busy dito sa Pinas.

"Wala kang magagawa dyan, nangako ka sa bata, di ba?" sabi ni Leigh habang naka-upo. Magpapa-salon silang tatlo ngayon.

"Pwede mo namang hindi gawin, makakalimutan din naman siguro ng bata 'yon kapag nasa Switzerland na siya," sagot naman ni Adelia.

"H-Hindi ba matatalino na ang mga bata ngayon? Matandain na sila sa mga bagay," sabi naman ni Pzalm.

"Agree, kapag hindi nagawa ang pangako na sinabi sa kanila ay mabilis na magtampo ang mga bata. Ganoon ang pamangkin ko, e."

"Eh, ikaw ang bahala. Ang akin lang naman, huwag ka nang pumunta kasi problema niyo na naman 'yan ni Jethro pag-uwi mo," sagot naman ni Adelia, nagpapakulay siya ng buhok ngayon.

"Sabagay, tama ka rin naman dyan," sagot ni Pzalm na magpapagupit ngayon.

Habang nag-uusap sila ay may dumating na isang babae. Pamilyar ito kay Pzalm pero hindi niya malaman kung sino iyon kaya minabuti na lang niya na huwag nang isipin.

Makalipas ang ilang minuto ay nilapitan siya bigla noong babae at nagpakilala ito sa kanya.

"Pzalm, right? Si Hannah 'to," nakangiting sabi noong babae.

Hannah? Ah, 'yong new girl pala ni Sven 'to kaya familiar.

"Ah, kaya pala familiar ka. Kanina ko pa iniisip, e."

Ngumiti si Hannah sa kanya. Surprisingly, na-upo ito sa tabi ni Pzalm. Kahit ayaw niya, wala na siyang nagawa dahil ayaw din naman niyang maging rude kay Hannah.

"Pzalm, kamusta ka na? H-Hindi ka ba susunod kina KC at Sven?" nakangiting tanong ni Hannah.

Sa kabilang banda, inis na sina Leigh at Adelia kay Hannah pero hindi lang sila makagawa ng gulo dahil maraming tao sa salon. Ayaw naman nilang ma-post sa Facebook dahil lang may dumating na babae.

Ano naman ang sinasabi niya ngayon?

"Ha? Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Hindi ba, kayo ni Sven? Ikaw dapat ang sumama roon sa kanya," nagtatakang sagot ni Pzalm.

"Ah, hindi mo ba alam? H-Hindi naging kami ni Sven. Umayaw na kami sa isa't isa. It just didn't work out for the two of us," nakangiting sagot ni Hannah pero alam mo na may lungkot sa mata niya.

"Why? Kaya ba bumalik siya sa Switzerland, gawa noon?" tanong ni Pzalm.

"N-No, tinawag kasi siya ng parents ni Keira Amore kaya siya bumalik doon. I-I really don't know kung uuwi pa siya dito sa Pinas," sagot ni Hannah.

Kwinento ni Hannah ang lahat ng pinag-usapan nila ni Sven noong nagkakasama pa sila.

"I hated you for being our topic as always. Pero, naintindihan ko rin na hindi talaga ako ang kailangan niya, e. Ikaw mismo," sabi ni Hannah.

"Bakit hindi mo siya nilaban? I mean, alam mo naman na may Jethro na sa buhay ko di ba? Sayo na sana siya," sagot ni Pzalm.

"P-Paano siya magiging akin kung alam niya sa sarili niya kung sino ang nagmamay-ari sa puso niya? H-Hindi mo pa ba nakikita? Kayo ang para sa isa't isa. You're just denying it kasi alam niyong may masasaktan kayong iba."

"Hindi ko pwedeng gawin 'yan, e. Saka, masaya naman ako kay Jethro. We'll just stay that way," sagot ni Pzalm.

Biglang sumabat si Leigh sa usapan nilang dalawa habang may hair treatment na nakalagay sa kanya.

"Oo nga. Iyon nga ang sinasabi ko sa kanya, girl. Salamat naman sa Diyos at may nakakaintindi na sa akin! Akala ko, sasabunutan kita, e. Mukhang mali ako, ikaw pala ang magpapaintindi sa akin na tama ako," masayang sabi ni Leigh.

Nag-kwentuhan pa sina Hannah at Leigh. Lahat ng jwento nila sa isa't isa, nagtutugma sila kaya sobrang saya nilang dalawa.

"Naku, ikaw na nga 'yata ang bestfriend ko!" masayang sabi ni Leigh.

"Oo naman, pwedeng-pwede. Wala rin naman akong kaibigan dito, e. Ikaw na lang," masayang sagot ni Hannah.

"S-Sinong nagsabi sa'yo na pwede mong maging bestfriend si Leigh? Ako ang bestfriend niyan!" inis na sabi ni Adelia.

"Hala, bestfriend ba kita? Parang hindi naman, ah," asar naman ni Leigh sa kanya.

"Ano?!" inis na sagot ni Adelia.

Nagtawanan naman sina Leigh at Hannah habang nagpapa-salon. Si Pzalm ay tahimik lang nan aka-upo sa tabi at nag-iisip kung pupunta na ba siyang Switzerland o hindi.

Nang matapos sila sa salon, inalok na ni Leigh na siya na ang maghahatid kay Hannah. Tuwang-tuwa naman si Hannah dahil doon, habang si Adelia naman ay inis na inis.

Paghatid nila kay Hannah sa bahay nito, sila na lang ulit tatlo ang nasa kotse kaya hindi naiwasan ni Leigh na mapakwento.

"Ano na, girl? Pumunta ka na kasing Switzerland. I mean, pwede naman kasi talaga. Nangako ka sa bata di ba? Edi, si KC na lang ang isipin mo, huwag na 'yong tatay. Well, nasa inyo naman kasi 'yon kung bibigyan niyo ng meaning ang mga ginagawa niyo."

"S-Sa tingin mo, papayag noon si Jethro? Syempre, hindi. Ayaw ko naman na mag-away na naman kami. Ang hirap," nag-aalalang tanong ni Pzalm.

"Ang dali lang niyan, e. Edi, saka mo na sabihin kung saan ka galing kapag nagpunta ka na sa Switzerland at naka-uwi na sa Pilipinas. At least, kahit na mag-away kayo ay nakapunta ka na sa Switzerland. Nabisita mo na ang bata," sagot naman ni Leigh.

"Ay, nako ha. Basta ako, wala ako dyan sa plano ninyo kung matuloy niyo 'yan. Ayaw ko lang ng gulo. Nakaka-stress na 'yong lovelife mo, girl. Hindi ko na kinakaya eh," sabat naman ni Adelia.

"Paano'y wala ka naman kasing lovelife na kaya wala ng stress sa buhay mo. Try mo na kayang mag-boyfriend para may instant daddy na ang mga anak mo, no? Naghihintay ka pa na balikan ka ni Christian, eh wala na nga. Tapos na kayo. Period na!" sagot naman ni Leigh.

"M-Masakit 'yan ha. Hindi ka na nakakatuwa, kanina ka pa sa salon eh. G-Gusto mo talaga 'yang iniinis ako ever since! My gosh," inis na naman si Adelia kaya tinawanan na lang siya ni Leigh habang nagda-drive.

Halos wala namang naririnig si Pzalm sa paligid dahil nag-iisip siya. Siguro nga, time naman para maging masaya at makapahinga.  

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon