Chapter 21

283 36 29
                                    

KINAGABIHAN ay agad na tinawagan ni Jethro si Lorenzo para uminom. Nagsinungaling pa ito sa kanyang asawa para lang masamahan si Jethro dahil noong unang nagpaalam siya ay hindi siya pinayagan ni Ivy.

"Ikaw ang bahala sa akin kapag pina-uwi na ko ng asawa ko ah. Ikaw magpaliwanag sa kanya. Naku naman, lagot na naman ako sa kanya nito mamaya," sabi ni Lorenzo habang nagangamba sa kanyang asawa.

"Ako ang bahala, basta ikaw ang kawawa. Salamat sa pag-sama mo sa akin," sagot naman ni Jethro na may halong pang-aasar sa kanyang kaibigan.

"Sira talaga ang ulo mo minsan, 'no? basta, hindi ako masyadong iinom ah. Ma-aamoy ako ni Ivy pag-uwi ko mamaya eh," sabi niya habang naka-upo lang sa tabi ni Jethro.

"Anong gagawin mo dito?" tanong ni Jethro habang hawak ang isang shot glass.

"Titingnan lang kita kung paano ka madurog sa sarili mong desisyon. Sinasabi ko naman kasi sa iyo dati pa, bitawan mo na, e," sabi ni Lorenzo na may halong pang-aasar sa kaibigan.

"Paano ko naman gagawin 'yon kung hindi naman iyon ang gusto ng puso ko? Ang tanga eh, bakit hindi ko kaya tumingin ng iba?" inis na sabi ni Jethro sa sarili niya.

"Ang dami dyabng iba, nagpaparamdam pa nga sa iyo yung iba. Sadyang ayaw mo lang talaga dahil ang lagi mong inaalala eh si Pzalm. Try mo kaya mambabae?" sagot naman ni Lorenzo pagkatapos ay tumingin sa paligid ng bar.

"Iyon oh, may babae nan aka-upo. Mag-isa lang, try mo kayang pormahan? Malay mo naman," Lorenzo is really convincing him to do it.

Dahil sa alak ay may lakas siya ng loob na gawin ang sinasabi ng kanyang kaibigan. Tumayo siya at pumunta kung saan naka-upo iyong babae. May hawak itong red wine at agad na ngumiti doon sa babae.

"Can I join you?" sabi niya, ngumiti naman ang babae sa kanya.

"I'll be glad. C'mon, wala naman akong kasama. I'm lonely as hell," sagot naman noong babae at uminom ng kanyang red wine. Umupo na si Jethro sa tabi noong babae.

"So, can we be lonely together?" tanong ni Jethro pagkatapos ay natawa siya sa sinabi.

"Yes, I don't mind. Baka dahil sa'yo, sumaya na ako. What is your name?" sabi noong babae.

"Jethro, Jethro Capili," sagot niya at nilahad naman ang kamay doon sa babae.

"Rosey," matipid nitong sagot at ngumiti. Nilahad din niya ang kanyang kamay.

"Rosey, anong apelyido?" tanong ni Jethro habang nakangiti.

"Ikaw na bahala kung gusto mo lagyan ng Capili. Ayos lang naman sa akin," sagot naman noong babae na may pilyang ngiti.

"Oh, regarding that. Paano kung sabihin ko sa'yong engage na ako?" matapang na tinanong ni Jethro, alam niyang anytime now ay sasampalin na siya ng babaeng nasa harapan niya. He was ready for it.

"Hmm, engage pa lang naman, di ba? Pwede mo pa siyang hiwalayan. So, pwede pa tayo," sagot noong babae na kinagulat ni Jethro. Iyong mga mata ng babae ay nakakaakit sa sobrang ganda.

"A-Ayos lang sa iyo kahit na engage na 'ko? Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Jethro.

"Yes, ang ayaw ko lang ay kung kasal ka tapos nilalandi mo 'ko. Since hindi pa naman kayo kasal, ayos pa sa akin," sabi ni Rosey pagkatapos ay nag-wink siya kay Jethro.

Nagkwentuhan sila pagkatapos noon. They shared their heart breaks to each other. Tuwang-tuwa si Jethro dahil first time lang na may naka-intindi sa sitwasyon niya maliban kay Lorenzo.

Dahil sa kalasingan, hindi na nila napigilan ang kanilang sarili. Hahalikan na sana ni Rosey si Jethro pero bigla itong nagising sa katotohanan.

"B-Bakit? Anong problema mo?" tanong ni Rosey na nabitin sa halik.

"Sorry, Rosey. Hindi ko 'to gusto. I mean, siya pa rin naman ang gusto ko. Mali, mali naman 'tong ginagawa natin. Still, I'm engaged," sabi ni Jethro.

Napa-pikit na lang sa inis si Rosey dahil akala niya ay nagkaka-intindihan na sila ni Jethro pero it turns out na hindi pa rin pala okay si Jethro sa kanyang desisyon.

"Haynaku, kayong mga lalaki kayo. Kung anu-ano ang mga desisyon niyo sa buhay. Sana lang, huwag kang magsisi sa desisyon mong 'yan," inis na sagot ni Rosey, tumayo naman si Jethro sa kanyang upuan at pumunta agad sa kaibigan na si Lorenzo.

"Ano pare, ayos-" natigil pa ang pagtatanong ni Lorenzo kay Jethro nang magsalita si Jethro.

"Halika na, i-uuwi na kita kay Ivy. Uuwi na rin ako kay Pzalm," sagot niya na nagmamadali na kinuha ang kanyang gamit at nagbayad ng kanilang bill.

"A-Ano? Saglit nga, ano bang nangyari?" nagmamadali si Lorenzo na hinahabol si Jethro papunta sa labas.

Nang pumasok sila sa kotse ay taking-taka si Lorenzo sa nangyayari sa kaibigan. Hindi naman niya ito matanong dahil focused ito sa pagda-drive.

"Pare, gusto ko pang makita ang anak ko. Gusto ko pang mabuhay. Paki-bagalan naman ang pagda-drive mo," hiling ni Lorenzo na ngayon ay kinakabahan na.

"Ikaw ang dahilan kung bakit muntikan ko na halikan ang babaeng 'yon!" galit na sabi ni Jethro.

"B-Bakit? Ikaw naman ang lumapit sa kanya ah. Hindi ko na kasalanan 'yon. Sabi mo, gusto mong mag-move on," sagot naman ni Lorenzo.

"Tang-ina pare. Nagtaksil ako sa babaeng mahal ko. H-Hindi ko alam kung mapapatawad ba niya ako o mawawala na talaga kami dahil sa ginawa ko," inis na inis si Jethro sa kanyang sarili.

"Mahal mo nga, mahal ka ba?" tanong ni Lorenzo, dahil sa inis ay lalong pinabilis ni Jethro ang kotse, nagsisigaw naman si Lorenzo dahil doon.

Nang makapasok na sa loob ng kanilang condominium ay agad na niyakap mo Jethro si Pzalm, hindi man alam ni Pzalm kung anong nangyari ay niyakap na lang nila ang isa't isa.

"I'm sorry, Pzalm. Hindi ko sinasadya, ikaw pa rin ang mahal ko. Ikaw lang," naiyak si Jethro habang yakap si Pzalm nang mahigpit.

"It's okay. Ako nga ang dapat mag-sorry dahil sa nangyari. I thought, hindi ka na talaga babalik sa akin. I'm sorry for everything, Jethro," sagot naman ni Pzalm at hinalikan si Jethro sa labi.

Hindi alam ni Jethro kung sasabihin niya ang tungkol kay Rosey, alam kasi niya na kapag sinabi niya iyon ay mawawala na nang tuluyan sa kanya si Pzalm.

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon