Chapter 35

232 32 28
                                    

NGUMITI si Pzalm at Hannah sa isa't isa awkwardly. Nang makita ni KC si Hannah, natakot ito at agad na pumunta sa likod ni Pzalm at nagtago doon.

"Who is she tita Pzalm?" tanong ni KC sa nakakatakot na boses.

"Hmm, she is your daddy's friend, KC. C'mon, say hi to her," sabi ni Pzalm at saka siya pumwesto para hindi niya matakpan si KC.

Dahan-dahang lumapit si KC at halata mong takot na takot siya kay Hannah. Lumuhod si Hannah para maging maka-level sila ni KC.

"Hello, KC. It's so nice to finally meet you," nakangiting sabi ni Hannah pero natatakot pa rin si KC sa kanya.

"H-Hello. What is your name?" natatakot na tanong ni KC.

"My name is Tita Hannah. How are you?" sabi ni Hannah.

"I-I'm good, Tita Hannah," simpleng sagot ng bata.

"KC, can you give Tita Hannah a kiss?" sabi ni Sven, tumingin naman si KC kay Pzalm na para bang nahingi pa siya ng permiso.

Tumango naman si Pzalm at ngumiti. Nakita iyon ni Hannah kaya may inis siyang naramdaman kay Pzalm. Pilit na hinalikan ni KC ssi Hannah sa cheeks.

"You're so lovely in person, KC."

"Thanks, Tita Hannah!" nakangiting sabi ni KC.

"Papa-upuin sana ni Sven si Hannah but she refused.

"Alis na ako, Sven. Hinatid lang kita pa-uwi. Thank you for today, next time ulit ha?" sabi ni Hannah at tumingin siya kay KC.

"Good bye little girl. I will see you soon, okay?" sabi niya at hinalikan ang noon i KC pagkatapos ay ngumiti.

Wala nang nagawa si Sven kundi ihatid si Hannah sa labas ng bahay nila. Pagpasok niya ay agad niyang tinanong si Pzalm kung bakit at paano siya pumunta sa bahay ni Raven.

"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" tanong ni Sven.

"Dumaan ako sa PFB Express kanina. Wala ka. So, pinuntahan na lang kita rito. Wala ka rin pala. Saka na lang-" natigil si Pzalm sa pagsasalita nang sumagot na si Sven.

"M-May problema ba sa trabaho? I mean, pina-asikaso ko na 'yon kay Gertrude kasi nga aalis ako," sagot ni Sven.

Aalis ka dahil kay Hannah? Palayasin kaya kita sa PFB Express?

"May ipapa-check lang sana akong report. Hayaan mo, next time ma lang siguro," sabi ni Pzalm.

"O-Okay. K-Kumain ka na ba? Gusto mo pa-" natigil si Sven sa pagsasalita nang sumagot na si Pzalm.

"H-Hindi na, okay na ako. Uwi na rin ako, Sven. Sa office ko na lang ipapa-check ang reports. Thank you," maglalakad n asana palabas si Pzalm nang biglang hinawakan siya ni KC sa kamay.

"W-Where are you going, Tita Pzalm?" tanong ni KC.

Bumaba si Pzalm para hawakan ang mukha ni KC bago magsalita.

"I-I'm going home, KC. See you soon," nakangiting sagot ni Pzalm at tumayo na ulit.

"No, Tita Pzalm! Can you go home a little later? Please?" sabi ni KC, hawak-hawak nito ang laylayan ng damit ni Pzalm.

"No, Kira Cyrille. Tita Pzalm will go home already, okay?" malinaw na sabi ni Sven sa anak.

"But Daddy, no! I don't want Tita Pzalm to go home!" reklamo ng anak.

"KC, I'll come back next time. Promise," nakangiting sagot ni Pzalm.

"Promise?"

"Yes, I promise. I'll buy you toys and food again," sagot ni Pzalm.

"O-Okay," malungkot nan a-upo na lang si KC sa sofa at lumabas na si Pzalm ng bahay ni Raven.

Paglabas niya, sakto naman na kumulog ng malakas at bumuhos na ang ulan. Nabasa tuloy sila ni Sven.

"S-Sven, bakit laging pinagbibigyan ng Diyos ang hiling ng anak mo?" sabi ni Pzalm.

"H-Hindi ko rin alam, pero pasok ka muna sa loob?" sabi ni Sven.

Wala nang nagawa si Pzalm kundi bumalik sa bahay ni Raven at gulat na gulat si KC nang makita si Pzalm ulit.

"Oh, Tita Pzalm. You're here! W-Why? You forgot something?" sabi ni KC na nagtatalon pa sa tuwa.

"No, I'm here because God granted your wish, young lady."

Ngumiti si Pzalm kay KC at umupo na sa single sofa chair. Nakabukas pa rin ang TV at nanunuod ng Cartoon Network si KC. Kinuha ni Sven ang pagkain na nasa dining table at nilagay iyon sa sofa. Habang nanunuod si KC, may kinakain siya.

Tahimik na kinuha ni Pzalm ang kanyang cellphone at nag-text kay Leigh.

To: Leigh

Hindi ko naman gustong mag-stay dito, kaso ayaw akong pa-uwiin ni KC. Umulan pa!

From: Leigh

Di ba iche-check mo siya at 'yong babae niya? Iyan na, pinagbigyan ka na noong anak. Lol.

To: Leigh

Hindi nakakatawa. Hinahanap na ako for sure ni Jethro. Sana tumila na ang ulan.

From: Leigh

Hindi pa titila 'yan, kakanta pa ako. Bahala ka.

To: Leigh

Gaga ka. Dyan ka na nga!

Tinago na ni Pzalm ang kanyang cellphone dahil sa inis. Nakita naman niya na nanunuod ang mag-ama sa sofa. Nang makita siya ni KC ay sinenyasan siya nitong lumapit, ginawa naman niya.

"W-Why? What do you want?" sabi ni Pzalm sa mahinahon na boses.

"Can you hold my hand, Tita Pzalm?" sabi ni KC, hinawakan naman ni Pzalm ang left hand ng bata.

"Yeah, of course."

"Can you hold my hand, Daddy?" sabi naman ni KC sa ama kaya naman 'yong right hand naman niya ang hinawakan ni Sven.

Kinakabahan na si Pzalm dahil malapit na ang kamay ni Sven sa kamay niya. Hindi naman niya maalis dahil hawak-hawak 'yon ni KC. Isa pa, baka magalit ang bata kapag inalis niya ito sa pwesto.

At iyon na nga, ginawa na ni KC ang bagay na kinakatakutan niya. Iyon ang ipatong ni KC ang kamay ni Sven sa kamay niya. Pagkatapos gawin ni KC iyon ay ngumiti ang bata sa kanilang dalawa.

Nagulat naman sina Pzalm at Sven sa ginawa ng bata kaya hindi sila nakagalaw na dalawa.

"KC, why are you doing this?" tanong ni Sven sa anak.

"Mommy Keira told me," sagot ni KC.

"Where? When, anak?" nagtataka na si Sven ngayon.

"Mommy Keira told me in my dreams that you love Tita Pzalm, Daddy. She loves you too."

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon