Chapter 30

246 28 16
                                    

DUMATING na ang weekend. Pumayag si Jethro na sumama si Pzalm kina Sven para kay KC. Sinama rin nila si Angelo at ang yaya nito.

"Are you sure you're okay here?" tanong ni Pzalm kay Jethro.

"I'll be okay. Promise. I'll text you if something happens. Saka, I'll have my physical therapy today kaya may magbabantay sa akin and I'll be busy. Enjoy the day, my love," sagot naman ni Jethro habang nakangiti.

"Okay, ite-text ko rin ang physical therapist mo for updates. I love you," sagot ni Pzalm at hinalikan sa labi ang kanyang fiancée.

Pinapabayaan na ni Jethro si Pzalm na makasama sina Sven dahil buo na ang tiwala niya dito. Hindi na rin niya hihintayin pa na ibigay ni Pzalm ang pag-ibig nitong buo dahil unti-unti niya nang tinanggap kung ano siya sa buhay ni Pzalm.

"Nurse, ikaw na ang bahala kay Jethro. Kung may mangyari man, i-text mo na lang ako. I-update mo ko about what's happening sa therapy session niya, ha?" sabi ni Pzalm at ngumiti doon sa home nurse.

"Okay po, Ma'am. Noted po," nakangiting sabi naman noong home nurse.

Ngumiti at nag-wave goodbye si Pzalm kay Jethro saka pumasok sa kanyang kotse at nag-drive. Pagkatapos noon, dinala na ng home nurse si Jethro sa loob ng kanilang bahay.

Simula noong naaksidente si Jethro, sa bahay muna ng parents niya siya tumira kasama si Pzalm dahil mas kailangan nila na matutukan si Jethro sa kalagyan nito.

Noong una ay ayaw pa ni Jethro dahil pinipilit niya na kaya naman niyang mag-isa pero napilit din siyang lumipat ni Pzalm. Feeling kasi ni Jethro, kung lahat ay nakatutok sa kanya, parang wala na siyang kwenta noon.

Kahit na umalis na si Pzalm ay nasa isip parin niya si Jethro. Nagtataka nga siya na masaya 'tong pumayag noong nagpaalam siya na niyaya siya ni KC.

"Papunta na ako sa meeting place," sabi ni Pzalm habang naka-loud speaker ang kanyang cellphone sa kotse.

"Yehey! Is Angelo with you, Tita?' rinig ni Pzalm na sabi ni KC sa background.

"Yes, he's with me," sagot naman ni Pzalm at kahit hindi nakikita ni Sven ay ngumiti ito nang marinig ang boses ni KC.

Nang makarating na sila sa amusement park ay bumili agad ng ice cream si Sven para sa anak.

"Can we buy ice cream for Tita Pzalm and Angelo?" sabi naman ni KC habang nakain ng Toblerone flavored ice cream.

"Okay," tipid na sagot ng kanyang ama pagkatapos ay nilabas nito ang kanyang wallet.

Si Pzalm na ang nag bayad para doon sa yaya ni Angelo. Kahit ayaw niya ay napakain na rin siya dahil nakita niya na excited ang mga bata. Naalala tuloy niya ang kabataan days niya, hindi niya mapigilan na mapangiti.

Ang una nilang sinakyan ay ang carousel. Kasamang sumakay ni KC si Sven at si Angelo at ang yaya naman nito ang magkasama. Mag-isa tuloy na nakasakay si Pzalm doon, tinitingnan naman siya lagi ni Sven at halata niya na hindi ito masaya.

Iniisip niya siguro si Jethro.

Pagkatapos sa carousel ay sa bump car naman sila sumakay. Si KC pa rin at Sven ang magkasama, pero this time ay si Angelo naman ang sinamahan ni Pzalm at mag-isa ang yaya ni Angelo na sumakay.

Pansin ni Sven na nag-iba na ang aura ni Pzalm, mas nasaya na ito compared kanina. Masaya niyang binabangga ang sarili sa kung sino man ang makasalubong ng kotse niya. Hiyaw tuloy nang hiyaw si Angelo sa tabi ni Pzalm sa sobrang kaba at saya.

Dahil nakita niyang okay na si Pzalm ng konti, ay masaya na din siya. Kung minsan ay ngini-ngitian niya ito at ngumingiti naman ito pabalik sa kanya.

Ang sumunod naman na sinakyan nila ay ang train ride. Dito, hiniling na ni KC na sana ay magkatabi na sila ni Pzalm. Kahit awkward, pinagbigyan ni Pzalm ang bata. Si Angelo at ang yaya naman nito ang magkasama doon sa isang tabi.

Sa kalagitnaan noon, may staff sa amusement park na nagpi-picture sa lahat ng sakay nito. Wala nang nagawa sina Sven at Pzalm kundi ngumiti awkwardly para sa picture.

Pagkatapos noon, binigay naman sa kanila ng staff ang picture. Meron noong magkasama silang lahat, meron iyong si Angelo at yaya lang nito at meron din silang tatlo. Noong nakita ni Sven iyon, he felt like it was a perfect family for him. Hindi niya maiwasan na hindi ngumiti.

Pagkatapos noon, kumain muna sila ng merienda. Binilhan ni Pzalm ng burger with fries ang mga bata at softdrinks. Noong una ay tutol si Sven dito pero pumayag na rin siya kalaunan dahil naiyak na si KC sa harap nila.

"Don't cry na. Tita Pzalm will buy you softdrinks," nakangiting sabi ni Pzalm kay KC.

"Really? Daddy Sven is not against it anymore?" sabi ni KC habang nagpupunas ng kanyang luha.

"Not anymore, baby. But, it's just for today. Okay? Softdrink is bad for your health, young lady," sabi ni Sven pagkatapos ay inayos ang buhok ng kanyang anak.

Sobrang saya naman ni KC dahil doon. Sinamahan pa nga niya sa pagbili ng softdrink si Pzalm para talaga mabili niya ang favorite na flavor niya. Binilhan rin nila si Angelo, kaya pagbalik nila ay sobrang saya rin noong bata.

"Really, you don't have to do this. Naso-spoil ang mga bata," sabi ni Sven habang inaayos ang pagkain ni KC.

"Today is a fun day. Hayaan mo na lang na maging alipin muna tayo ng mga bata," sagot naman ni Pzalm na hindi natingin kay Sven.

"Thank you for going with us, Pzalm. Alam kong marami ka pang importanteng gagawin kaysa dito, pero inuna mo ang hiling ng anak ko," sabi ni Sven habang nakangiti kay PZalm.

"Gusto ko rin kasing magpahinga mula sa stress kaya pumayag ako. I should thank you too dahil nag-enjoy ako. High school pa nga yata ang huling punta ko dito," sabi ni Pzalm.

"Oo, takot na takot ka nga sa horror house dito, e."

Biglang nainis ang mukha ni Pzalm dahil sa pang-aasar ni Sven sa kanya. Hindi niya akalain na tanda pa pala ni Sven 'yon. Dahil nga naasar niya si Pzalm ay tahimik siyang tumawa habang nakain ang mga bata.

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon