Chapter 16

331 38 50
                                    

KINAGABIHAN ay mabilis lang din silang kumain ng dinner sa restaurant ng hotel. Pagod na kasi sila kaya gusto nang humilata mg mga katawan sa kama.

Pagbalik ng kwarto ay humiga agad si Pzalm sa kama, nakapag-shower naman na siya bago mag-dinner kanina kaya ayos lang iyon. Hindi na nga lang niya nahintay si Jethro at nakatulog na.

"Goodnight babe, I love you so much," bulong ni Jethro kay Pzalm pagkatapos ay humiga na.

Kinabukasan, pagkatapos nilang kumain ng breakfast ay sinundo naman agad sila noong van na sumundo rin sa kanila kahapon.

Tuwang-tuwa na naman sila dahil it is a day worth to remember na naman.

"Saan tayo ngayon, babe?" tanong ni Jethro.

"Pagudpud Beach saka Vigan City," nakangiting sagot ni Pzalm.

Parang bata na naman sa sobrang excited si Jethro. Magkatabi sila ngayon sa loob ng van, hinawakan na naman niya ang kamay ni Pzalm habang nasa byahe sila.

Pagbaba sa Pagudpud Beach ay manghang-mangha silang dalawa sa nakita. Powdered like crystal ang itsura ng sand.

Hindi na sumama pa ang driver dahil ayaw naman daw nitong ma-istorbo ang private moment noong dalawa.

Buti na lang rin at hindi masyadong maulan kaya feel na feel nila ang pagpunta doon. Si Jethro ay umupo pa doon kahit na malalagyan ng sand ang kanyang beach shorts.

"Pzalm, umupo ka na. Dito ka sa tabi ko," utos ni Jethro. Nag-aalinlangan si Pzalm noong una dahil pajama lang ang suot niya sa pang ibaba at sure siya na madudumihan iyon.

"Huwag mo kong babasain ah," mahigpit na utos niya, tumango naman si Jethro bilang tugon.

They are both wearing the "I ❤️ ILOCOS" shirt na binili nila kahapon sa may Bangui Windmills.

Malapit sila sa dalampasigan. Kung pwede nga lang ay basain na nang tuluyan ni Jethro si Pzalm pero alam niyang magagalit ito.

"B-bakit ang tahimik mo? Anong iniisip mo, babe?" tanong ni Jethro sa nobya.

"Wala naman, gusto ko lang namnamin 'tong katahimikan habang nandito pa tayo sa Pagudpud, kapag kasi nasa Manila na tayo, iba na naman ang ingay na maririnig natin," sabi ni Pzalm.

"Ganoon talaga ang buhay, kailangan natin mag-trabaho para magandang future ang mabigay natin sa isa't isa. Sure naman ako, kahit paano ay na-refresh na tayo. Kaya kaya na natin lumaban ulit," sagot ni Jethro.

"Jethro, I want to take this opportunity para pasaamatan ka. Hindi ko pa yata nagagawa iyon ulit," sabi ni Pzalm at hinawakan ang kamay ni Jethro.

"You don't have to thank me. Ikaw ang dapat pasalamatan ko dahil binigay mo ang oras na 'to para sa ating dalawa lang," sagot ni Jethro pagkatapos ay tumingin sa dalampasigan.

"No, I thank you for being so patient with me from the beginning up to now. Hindi ko alam kung saan mo kinukuha ang lakas mo para harapin ako lagi na may saya sa iyong mga labi. I know, those five years were so painful to you but-" matigil si Pzalm sa pagsasalita dahil sumagot si Jethro.

"It was painful, yes. But, the pain you're giving me were all worth to take. Alam mo 'yon? Yung kahit ang sakit-sakit na sa pakiramdam, ang sarap pa rin kasi galing 'yon sa taong mahal mo?" sabi ni Jethro.

"Ang swerte-swerte ko naman, merong nagmamahal sa akin nang walang kapalit," sabi ni Pzalm na ngayon ay nakatingin sa dalampasigan.

"Talaga! Ang swerte mo kasi nag-iisa lang ako. You should take me with you always. Rare na ang ganitong type ng love na ino-offer, 'no," biro ni Jethro na natawa sa sarili niyang joke.

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon