Chapter 22

258 32 28
                                    

DUMAAN ang mga araw na ayos naman sina Jethro at Pzalm, hindi na natuloy ang kanilang hiwalayan sapagkat nag-usap na sila agad noong gabing iyon.

Nagkayayaan na naman sina Leigh, Pzalm at Adelia na mag-dinner sa place ni Pzalm dahil lagi naman siyang naiiwan mag-isa doon. Ngayon, magka-usap sila tungkol kay Sven at Jethro.

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko! Noong bumalik na si Sven ay nagulo na ang lahat. Hindi ka naman dating ganyan, e. Ano bang nangyayari, nakakaloka!" sabi ni Adelia habang kumukuha ng adobong niluto niya.

"Ang haba ng hair ng kaibigan natin, ah. Hindi ka ba natatapilok? Uy, baka natatapakan ko, sabihin mo lang," asar naman ni Leigh kay Pzalm.

"So, ano na nga? Paano na ang puso mo? Mahal ko o mahal ako ang peg mo ngayon?" tanong ni Adelia.

"H-Hindi ko alam, ang tanging ginagawa ko lang ngayon ay ang iwasan si Sven kahit konti. Buti nga hindi kami nagkikita, e. Ilang araw na rin," sabi naman ni Pzalm.

"Tama nga, iwasan mo na lang. Mas mainam," sagot naman ni Adelia, hindi sumagot si Leigh dahil busy sa pagkain niya.

Sa kabilang banda naman, umiinom ngayon si Sven mag-isa. Ilang araw na niyang iniisip ang nangyari noong may sakit si Pzalm. Simula noon, hindi na nawala sa isip niya si ang ex-girlfriend.

There are times that I want to hold you again but I was also reminding myself that you are not mine anymore.

Nang maka-ilang shots na siya ay may lumapit sa kanyang babae.

"Broken, huh? Anong problema mo? You can tell me," offer noong babae sa kanya.

Tumingin lang nang matagal si Sven sa kanya. Uminom ito sa shot glass bago magsalita.

"Maganda ka naman, miss. Huwag mong sayangin ang oras mo sa akin," pagtatapat niya.

"You need company, so I-" natigil ang babae sa kanyang pagsasalita dahil sumagot na agad si Sven.

"I don't need one. Pwede ka nang umalis," pagtataboy niya roon sa babae.

"Asshole! Dapat lang yata talaga mag-isa ka," inis na sagot noong babae. Tumayo na ito at umalis.

Napa-iling naman si Sven dahil doon at tuluyan na lang niyang nilasing ang kanyang sarili.

Habang nakain at masayang nagke-kwentuhan, may kumatok at nag-door bell sa condo ni Pzalm.  Si Leigh ang tumayo para pagbuksan kung sino man iyon.

"Ito namang si Jethro, hindi pa nga-" natigil siya nang makita si Sven sa may pinto.

"S-Sven, b-bakit nandito ka?" nagtaka si Leigh.

"S-Sino 'yan, Leigh? Si Jet-" natigil rin si Pzalm sa kanyang kinatatayuan nang makita si Sven.

"Sven, bakit ka nandito? A-Anong kailangan mo?" tanong ni Pzalm at dahan-dahan siyang lumapit kay Sven, amoy niya tuloy ang alak na ininom nito.

"P-Pzalm, please come back to me. Hindi ko na kaya. M-Mahal mo pa naman ako, di ba? Ako pa rin-" natigil siya dahil nagsalita si Pzalm.

"H-Hindi, hindi na kita mahal. Alam mo naman na engaged na ako kay Jethro, di ba?" sagot ni Pzalm.

"Pzalm, alam natin kung anong naramdaman natin noong gabing 'yon. We're on the same page, mahal pa rin natin ang isa't isa. B-Bumalik ka na sa akin, please?" pagmamakaawa ni Sven, nakaluhod na siya ngayon sa harapan ni Pzalm.

"May sakit lang ako noon at kailangan ko ng kasama. Wala lang 'yon, huwaag mo na isipin."

"Paano ko hindi iisipin? Lagi na kitang napapanaginipan. Minsan nga, akala ko ikaw 'yong nakita ko pero kapag lumapit na ako ay nag-iiba na bigla ang itsura nila," pagke-kwento naman ni Sven.

Si Adelia at Leigh naman ay pinaalis na ni Pzalm. Mas pinili niyang paalisin na ang mga kaibigan niya dahil nahihiya siya sa nakikita nilang gulo. After all, si Pzalm lang naman ang kailangan ni Sven at alam niya na siya rin lang ang makaka-resolba noon.

Nang maka-alis na ang mga kaibigan ni Pzalm ay dali-dali niyang pinatayo si Sven doon pero dahil lasing ay hindi siya sinusunod nito.

"Sven, ano ba? Ano bang gagawin ko para tigilan mo na ako? Please, magkakaroon na ako ng asawa. Tama na ang panggugulo mo sa buhay ko," inis na sabi ni Pzalm.

"Alam ko, ako pa rin ang mahal mo. Please, bumalik ka na sa akin. This is our chance para-" nagulat si Sven dahil sinampal siya nang malakas ni Pzalm.

"Iyan, sinampal na kita para magising ka na sa katotohanan. Okay na? Umalis ka na dito habang wala pa si Jethro, ayaw ko nang gulo," sabi ni Pzalm at binuksan na ang pinto para paalisin si Sven.

Nagulat silang dalawa nang makita nila si Jethro na naka-tayo sa labas at tinitingnan sila nang seryoso.

"W-What is happening here? Sven, bakit ka nandito?" tanong ni Jethro, alam ni Pzalm na magsisimula na ang gulo kaya pinigilan na niya ito.

"W-Wala, Jet. Uuwi na rin si Sven, hayaan mo na sya. Lasing lang 'yan. Huwag mo nang patulan, ah?" kalmadong sagot ni Pzalm sa kanyang fiancée.

"Umuwi ka na nga, hindi mo lugar 'to. Hindi mo na lugar 'to," may meaning sa likod doon sa sinabi ni Jethro, alam ni Pzalm 'yon.

"Alam natin parehas kung sino ang tunay na may lugar dyan sa puso niya. Kahit nandyan ka, ako pa rin ang hanap niya," sagot naman ni Sven at aalis na sana sa condo pero dahil sumagot ulit si Jethro ay hindi niya ito nagawa.

"Sa tingin mo, sa pag-iwan mo sa kanya, hindi nagbago ang pagmamahal niya sa'yo? Iniwan mo, inayos ko. Aalagaan ko siya hanggang sa makalimutan niya ang ginawa mo!" galit na sagot ni Jethro.

"Hindi ka yata nasabihan 'no? Pwede rin kasi na kung sino ang sumira, siya rin ang makaka-ayos. Well, sana lang ay masaya kayong dalawa. Pzalm, aalis na ako. Kahit anong mangyai, maghihintay ako. Sabihin mo lang, babalik ako."

Pagkatapos sabihin 'yon ni Sven ay umalis na siya. Agad na niyakap ni jethro si Pzalm dahil alam niyang natakot ang dalaga sa naging away nila ni Sven.

"I won't let that happen, okay? Akin ka lang, akin ka na," sabi ni Jethro pagkatapos ay hinalikan niya si Pzalm sa noo.


Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon