Chapter 17

290 38 31
                                    

DALAWANG linggo na ang nakalipas pagkatapos ng Ilocos trip nina Pzalm at Jethro. Ngayon ay pupunta si Pzalm sa birthday ni Leigh. Nagmamadali na siya dahil siya na lang daw ang wala doon sa party ngayon.

"Bibilisan ko na nga! Ito na," sabi ni Pzalm mula sa cellphone.

"Nagpaalam ka na ba sa mahal mong asawa? Nasaan ba siya ngayon?" tanong ni Leigh.

"Oo, nandoon siya kay Lorenzo ngayon. May meeting sila pero nagpaalam na ako. Uuwi akong maaga ha?" sabi naman ni Pzalm.

"Ha? Party nga eh, edi inuumaga ka dapat ng uwi. Ano ka ba? Hindi ka pa naman kasal, ah. Saka mo na ako hindi siputin kapag kasal ka na. Ngayon, let us party na muna!" sabi ni Leigh, nagsisimula na rin ang music sa background.

Dahil sa ugali ng kanyang kaibigan, napa-iling na lang siya at saka pinatay ang tawag. Pumunta na siya sa Bank Bar.

It has a secret passage kaya naman gustong-gusto ni Leigh na dito lagi uminom. Hindi kasi agad kita sa madla, kailangan mo pang dumaan kung saan para lang makita ang Bank Bar.

Nang makadating na siya ay sinalubong siya ni Leigh at Adelia. Naka-peach dress outfit siya. Ito ay Phoenix Asymetric Drape Dress at Michael Kors platform sandals.

"Ang ganda mo naman, girl. Ikaw ang may birthday?" asar ni Leigh sa kanya.

"Baliw ka talaga, ikaw kaya nagsabi sa akin na peach outfit ang kailangan na isuot. Pwede naman pala mag-puti, pinahirapan mo pa akong maghanap!" reklamo ni Pzalm.

"Okay na 'yan, dahil sa suot mo ay marami kang mahuhuli na-" tinakpan ni Adelia ang bibig ni Leigh dahil sa kung anu-anong nalabas sa bibig nito.

"Talaga lang ah? Mag-aasawa na 'yan, ibebenta mo pa sa iba? Ikaw talaga," sabi ni Adelia sa kaibigan.

"Oh, edi ikaw na lang! Tutal, ikaw naman ang iniwan ni Christian dyan. Haynaku," inis na sabi ni Leigh at pinuntahan na ang ibang bisita. Si Adelia at Pzalm ay magkasama lang sa isang table.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay gulat na gulat si Pzalm at Adelia dahil biglang pumasok sa Bank Bar si Sven. Kasama nito ang kaibigan na si Raven.

Agad na nagbeso-beso sila nang magkita. Si Pzalm, naka-upo lang at kunwari ay hindi nagulat sa nangyari. Hindi naman malayo si Sven sa kanya kaya rinig pa rin niya ang usapan nila ni Leigh.

"Sino ang nag-aalaga kay KC ngayon?" tanong ni Leigh.

"Ah, si Auntie Nelma. Kamag-anak siya ni Kiera Amore noong nasa Pilipinas pa kami, mag-iisang linggo na siya doon dahil ayaw na yatang ibigay sa akin ni Auntie ang anak ko," sagot ni Sven at ngumiti.

"Kaya pala nakapunta kayo ni Raven. Welcome back, Sven. It's good to see you again," bati ni Leigh at inaya na si Sven sa table nila. Medyo malapit iyon sa table ni Pzalm at Adelia.

Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay hindi siya pinansin ni Sven masyado, nginitian lang siya nang konti at balik na ulit sa mga kausap nito.

Nagsimula na silang uminom, they tried Negroni, Hot Diplomat and The Consulate. Iba ang tama ng The Diplomat kay Pzalm dahil may amaretto ito at bell pepper.

Pagkatapos ng isang oras ay lasing na lasing na si Pzalm. Si Adelia naman ay nakikipag-chikahan sa ibang table kaya wala na siyang kasama uminom.

Ilang minuto pa ay nilapitan siya ni Sven kaya gulat na gulat siya. Halos matapon na nga iyong iniinom niya.

"I guess, you are drunk already. I-uwi na kita?" alok ni Sven.

"A-Ayaw ko pa. Ayos pa naman ako, tingnan mo oh nakakasayaw pa nga ako," pagbibida niya pagkatapos tumayo epro na-out of balance rin dahil sa sobrang kalasingan.

"Hindi mo na kaya eh, I'll ask Leigh if I can take you home. Saglit lang," sabi nito at tumayo papunta sa table kung nasaan si Leigh.

Kinuha niya ang phone number ni Jethro kay Leigh para tawagan sana ito at ang fiancée na mismo ni Pzalm ang sumundo sa kanya. Kaso, hindi nasagot kahit na nag-text na siya at nagpakilala.

Dahil worried na siya para kay Pzalm ay wala na siyang nagawa. Kinuha niya ang address ng condominium nina Pzalm at Jethro.

Bahala na kung ano ang isipin niya. Basta ako, hinatid ko lang ang fiancée niya at wala akong ibang intensyon.

Kinuha ni Sven ang car keys ni Raven at nagpaalam na babalik na lang ito mamaya kapag nahatid na niya si Pzalm sa kanila. Inalalayan niya si Pzalm palabas, pagewang-gewang na silang dalawa. Buti na lang talaga, mataas ang alcohol tolerance niya kaya kaya pa naman niya mag-drive ngayon.

Nang mai-upo na niya si Pzalm sa shotgun seat ay agad siyang pumunta sa driver's seat. He's starting up the engine nang bigla niyang narinig si Pzalm na magsalita.

"S-Sven," bulong nito.

"Sshh. I will take you home. Okay? Relax, everything will be alright," sagot nito nang maka-upo na sa driver's seat.

"W-Why did you come back?" tanong na labis na kinagulat ni Sven. Hindi niya ito nasagot, patuloy lang siya sa pagmamaneho.

"I thought I'm already fine, but I'm not. I still-" hindi na natuloy ni Pzalm ang sasabihin dahil nakatulog na ito sa kanyang upuan.

Tiningnan saglit ni Sven ang mukha ni Pzalm. Napa-iling na lang siya sa na-isip.

If I can just turn back time, hindi kita iniwan. Hindi ko ginawa 'yon. Kung pwede lang talaga, kaso hindi na.

Nang makarating na sa condominium ni Pzalm ay agad niyang tinanong sa front desk kung nasaan ang condo ni Jethro Capili. Buti na lang, kilala ng guard si Pzalm at si Jethro kaya hindi na siya nahirapan pang kunin kung nasaan iyon.

Tinulungan siya ng guard na alalayan si Pzalm dahil sa sobrang kalasingan na nito. Gulat na gulat si Jethro nang buksan niya ang pinto.

"Oh, bakit ikaw ang naghatid sa kanya Sven?" tanong ni Jethro.

"Hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko. Ipapasundo ko sana siya sayo pero nakailang text at tawag na ako pero wala pa din," sagot ni Sven na halata mong inis sa ginawa ni Jethro.

Agad namang tiningnan ni Jethro ang kanyang cellphone at nahiya bigla dahil nakita niya ang mga texts at tawag ni Sven sa kanya.

"Naku, sorry.Naka-silent kasi ang phone ko, hindi ko napansin. Pero salamat, salamat sapaghatid mo sa kanya dito," sabi ni Jethro na may pekeng ngiti.

"Wala 'yon. Maiwan ko na kayo. Ikaw na bahala sa kanya," sabi naman ni Sven at sinara na ang pinto.

Nang maka-alis na si Sven ay inayos ni Jethro ang gamit ni Pzalm, pati ang suot na sandals nito ay tinanggal din niya at hiniga sa sofa ang kanyang fiancée.

Hindi pa man siya natatapos sa pag-aayos kay Pzalm ay narinig na  niyang nagsalita ito.

"S-Sven."

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon