Chapter 34

216 28 15
                                    

DUMAAN ang ilang araw at okay naman sina Hannah at Sven. They go out to have lunch and dinner sometimes. Pero, si Pzalm pa rin ang iniisip niya at the end of the day.

"Where is Mr. Monfero?" tanong ni Pzalm sa isang staff ng PFB Express.

Pumunta kasi siya sa PFB Express Batangas branch at surprisingly, hindi niya nakita si Sven doon.

"W-Wala po Ma'am, may sumundo po sa kanya kanina. Babae po, kakain yata sila sa labas. 'Yon po ang rinig ko," sabi noong staff.

Kakain sa labas eh may work?

"Narinig mo ba kung saan sila kakain?" tanong ni Pzalm.

"Ay, iyon po Ma'am ang hindi ko narinig. Pasensya na po," sabi noong staff at nahiya kaya tumungo na lang kay Pzalm.

"Sige, okay lang."

Naghintay pa siya ng ilang minuto, dahil natatagalan siya sa pagbabalik ni Sven ay naging abala muna siya sa mga kailangang gawin sa PFB Express Batangas.

Hindi pa ba 'yon babalik? Ang tagal naman.

Dahil inip na inip na siya ay tinawagan niya si Leigh para tanungin kung alam ba nito ang bahay ni Raven.

"Oo. Bakit? Anong meron?" nagtatakang tanong ni Leigh.

"A-Ah, dadalawin ko lang kasi si KC," sagot naman ni Pzalm.

"Eh, office hours ngayon ah? Nasaan ka ba? Wala ka ba-" natigil si Leigh sa kanyang sinasabi nang magsalita na si Pzalm.

"Nandito ako sa Batangas branch. Wala siya, may kasama daw mag-lunch out na girl. Hihintayin ko na lang sana sa-"

Natigil naman si Pzalm dahil kay Leigh.

"Ah, so pupuntahan mo sa bahay nila para tingnan kung i-uuwi niya doon ang new girl? Iyon ata 'yong nakita ko last time na kasama niya sa restaurant," sabi ni Leigh.

"A-Alam mo 'yong tungkol sa new girl? B-Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ni Pzalm.

"Oo. Nakita ko sila, last week siguro 'yon if I'm not mistaken. Bakit hindi ko sinabi? Eh kasi, hindi mo na dapat malaman, e. Okay na kayo ni Jethro di ba?" sabi ni Leigh.

"Ah, yeah. Baka nasanay lang ako na lagi mong sinasabi sa akin. Anyway, send me the details kung saan ang bahay ni Raven. Okay?" sagot ni Pzalm, para makaiwas na siya sa mga tanong ng kaibigan ay agad niya na ring pinatay ang tawag.

Nang maayos na niya kung ano ang mga kailangan sa PFB Express ay umalis na rin siya doon.

Sakto naman na na-text na ni Leigh ang address ni Raven kay Pzalm kaya nagmadali agad siya na puntahan 'to.

Ilang beses na rin niyang tinawagan si Sven sa phone nito pero walang nasagot sa kanya.

Ganoon ba siya ka-busy?

Bago pumunta sa bahay ni Raven ay dumaan muna siya sa drive-thru para bilhan ng chicken sandwich, sundae at fries si KC.

I know she will love these.

Nang makapasok na siya sa subdivision ay binaba niya ang car window para magtanong sa guard kung nasaan doon ang bahay ni Raven.

"John Raven Lim po?" sabi ni Pzalm.

"Ah, Ma'am kanan po tapos deretso lang. May black po na bahay kayong makikita sa left side niyo po. Iyon po ang kay Mr. Lim," sabi noong guard habang nakangiti.

"Salamat po, Kuya," sagot naman ni Pzalm tapos ngumiti. Tinaas na niya ang kanyang car window at nagpunta na doon sa sinabi ni Kuya Guard.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Leigh. Nilagay niya 'yon on speaker phone para kahit nagda-drive siya ay pwede pa rin silang mag-usap.

"Nandito na 'ko."

"Bakit ka ba kasi nandyan?"

"W-Wala. May kailangan lang akong ipakita kay Sven for PFB Express."

"Diyos ko, anong ipapakita mo? Utang na loob, ikakasal ka na!"

"Gaga ka, hindi naman 'yon ipapakita ko! Bahala ka na nga sa buhay mo!"

"Sabihin mo kay Raven, love ko siya ah?"

"Siraulo ka, may Draco ka na ah? Nalandi ka pa? Susumbong kita!"

"Wala na kami ni Draco, ang tagal na. One month na 'no!"

"One month pa lang, may Raven agad? Ewan ko sa iyo! Bye na nga," binaba na ni Pzalm ang cellphone niya.

Kumatok na siya sa pinto at pinagbuksan naman siya ni Auntie Nelma.

"Sino po kayo?" tanong ni Auntie Nelma.

"K-Kaibigan po ako ni Sven at Raven. G-Gusto ko lang po sanang bisitahin si KC," sabi ni Pzalm at ngumiti siya kay Auntie Nelma.

"Sige, pasok ka hija," sabi ni Auntie Nelma at pinadaan si Pzalm para makapasok sa loob.

Binigay ni Pzalm kay Auntie Nelma at umupo na siya sa sofa. Nakita naman niya na nakahiga si KC habang natutulog. Inayos niya ang buhok ng bata at napangiti siya.

Nagising si KC at nang makita niya si Pzalm ay sobrang saya noong bata

"Tita Pzalm! W-Why are you here?" lumapit si KC kay Pzalm at niyakap 'to.

"I just want to visit you. Are you okay na?" nakangiting sabi ni Pzalm.

"I'm okay because you gave me blood. Right?" sabi ni KC.

"Yes. Thank God you are safe now," hinawakan ni Pzalm ang mukha nito.

"I have something for you!" excited na sabi ni Pzalm, tumayo sya at pumunta sa dining table para kunin ang pagkain na binili niya sa drive-thru.

"Oh, thank you Tita Pzalm! You are the best, I love you so much!" pinatong ni KC ang pagkain sa sofa at niyakap niya si Pzalm pati pinaulanan niya ng halik ito.

"You are very welcome, my dear KC. Sige, you eat na," sabi ni Pzalm at sinamahan niya si KC papunta sa dining table.

Tinulungan naman siya ni Auntie Nelma at kinuha ang pinggan, spoon and fork para kay KC.

Habang nakain ang bata ay nakabukas naman ang TV sa sala at nanunuod sila ng Cartoon Network.

Paminsan-minsan ay pinapakain ni KC si Pzalm ng fries na dini-dip niya sa sundae. Hindi naman maka-hindu si Pzalm at masaya niya itong kinakain.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang may kumatok na sa pinto ng bahay ni Raven. Niluwa noon si Sven na kasama si Hannah.

Gulat  na gulat si Sven at Hannah nang makita si Pzalm na close na close kay KC.

"Daddy! Tita Pzalm is here! C'mon!" excited na bati ni KC nang makita niya ang ama sa may pinto.

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon