Chapter 23

254 34 48
                                    

UMUWI si Sven sa bahay ni Raven na lasing na lasing. Buti na lang at may duplicate key siya sa bahay ng kanyang kaibigan kaya nakakapasok siya kahit wala si Raven dahil minsan lang ito umuwi ng bahay niya.

Pagpasok ni Sven sa kwarto ay pumasok agad siya sa comfort room. Ayaw niya kasing na-aamoy siya ni KC, lalo na at magkatabi silang nagtutulog ngayon. Matalino iyong bata, alam niya kung lasing ang tatay niya o hindi kaya laging prepared si Sven.

"D-Daddy, are you okay?" nagising si KC.

"Yes, I am. Sleep well, my princess. I love you so much," sagot ni Sven at kinumutan ang anak saka pumikit para makatulog na.

"S-Sven, wake up. Tingnan mo, ang cute matulog ng anak mo oh!" sabi ni Kiera Amore.

Binuksan ni Sven ang kanyang mata at nakita niya si Kiera na naka-ngiti sa kanya. Agad siyang tumayo at niyakap ang asawa.

"Kiera, is this real? You're here!" sabi ni Sven na sobrang saya.

"Tumigil ka nga, baka mamaya magising pa ang anak mo. Hinaan mo 'yang boses mo," utos ni Kiera Amore sa kanya, pagkatapos ay tumingin ulit sila sa natutulog na si KC.

"She's like an angel. Alagaan mo ang anak natin ha?" request ni Kiera Amore.

"A-Aalagaan ko kayong dalawa. Sobrang saya ko na nandito ka na ulit, Khae. Magiging buo na ulit tayo," sagot ni Sven.

"Alam naman natin na hindi na ako makakabalik, Sven. Mananatili na lang ako sa ala-ala mo," nakangiting sagot ni Kiera Amore.

Lumabas si Kiera Amore sa kwarto at nagtimpla ng kape para kay Sven, pumunta sila sa dining table para mag-usap. Binigay ni Kiera Amore ang kape habang nakangiti.

"Natulog ka agad, hindi ka man lang nag-coffee. Alam mo naman na sasakit ang ulo mo kapag hindi ka nag-kape after mag-inom," pinagsabihan ni Kiera Amore si Sven.

"Pagod na kasi ako kaya shower na lang ang ginawa ko. Sorry na, salamat sa pagpapa-alala sa akin," nakangiti namang sagot ni Sven.

"Si Pzalm ang problema mo kaya ka uminom 'no?" tanong na ikinagulat ni Sven, halos mabuga na niya ang kape na iniinom niya.

"Kiera Amore, iyong tungkol doon-" hindi na natapos ni Sven ang sasabihin niya kasi nagsalita na agad ang kanyang ex-wife.

"Okay lang, ano ka ba? Wala ka namang kasalanan, alam natin parehas na siya naman talaga ang mahal mo, hindi ba? Noong pinakasalan mo ako, alam ko na siya talaga ang mahal mo. Tinanggap ko 'yon," nakangiting sagot ni Kiera Amore.

Sven felt bad kasi hindi pa man nakakatagal ang pagkawala ng asawa niya ay nahuhulog na siya sa ex-girlfriend niya ngayon.

"Sorry, hindi na tama ang ginagawa ko. Sorry, hindi ko na ginalang ang pagkawala mo. I'm sorry kung ito ang nararamdaman ko ngayon," nakayuko na si Sven sa sobrang hiya sa kanyang asawa.

"You don't have to be sorry. Hindi naman talaga nagbago ang nararamdaman mo. Simula noon hanggang ngayon, si Pzalm ang laman niyan. Kung meron mang may kasalanan dito, ako iyon. Ako ang sumira ng pangarap mong makasama siya habang buhay," naluluha na sagot ni Kiera Amore.

"No, minahal kita. Alam mo 'yan. I love-" natigil si Sven.

"Huwag mo na lokohin ang sarili mo, Sven. Mahal na mahal kita at alam kong sasaya ka kapag bumalik ka sa totoong nagmamahal sa iyo simula una. I'm not that selfish para hindi kita payagan na sundin ang puso mo," nakangiting sagot ni Kiera Amore.

"I'm sorry, hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari pag-uwi ko ng Pilipinas. Akala ko, wala na pero nandito parin. Hindi ko matanggal," pag-amin na ni Sven.

"Hindi naman talaga siya mawawala, kasi para kayo sa isa't isa. Malungkot na hindi mo ako kayang mahalin katulad noong sa kanya, pero mas masakit para sa akin na hindi mo kunin ang para sa iyo dahil marami kang iniisip na masasaktan," sabi ni Kiera Amore.

Lumuhod na si Sven sa harap ni Kiera Amore. Agad siyang pinatayo nito.

"Huwag ka ngang lumuhod, hindi bagay. Inalagaan kita ng ilang taon para i-handa para sa kanya tapos ngayon iiyak ka? Huwag, saka sinabi ko naman di ba? Kalimutan mo ko at hanapan mo ng nanay ang anak ko. Ito na iyon, Sven."

Niyakap nang mahigpit ni Sven si Kiera Amore saka humagulhol ng iyak.

"Huwag ka ngang umiyak, magigising ang anak mo. Sana sa pagbisita ko sa'yo ngayon, naging malinaw na ang lahat. Pinapalaya na kita, alam ko naman kasing doon ka lang magiging masaya at magiging tahimik na rin ako dahil alam kong nasa mabuting kamay ka na," nakangiting sagot ni Kiera Amore habang nakayakap kay Sven.

"Thank you, Khae. Salamat sa lahat, asahan mong aalagaan ko ang anak natin at bibigyan ko siya ngbuo at masayang pamilya kagaya ng pinangarap natin noon para sa kanya," pangako ni Sven sa asawa.

"Siguraduhin mo lang, mumultuhin kita kapag hindi mo inalagaan ang anak ko," panloloko ni Kiera Amore, natawa tuloy si Sven pagkatapos ay pinunasan ni Kiera Amore ang luha niya.

Nagising si Sven at pumunta agad siya sa labas para tingnan kung andoon pa si Kiera Amore. Nalungkot siya nang makita na si Raven ang naka-upo doon habang nagka-kape.

"Oh, parang dismayado ka na nakita mo ko? Ayaw mong makakita ng gwapo sa umaga?" pang-aasar ni Raven sa kaibigan.

"Gago. Napanaginipan ko kasi si Kiera Amore kaya akala ko nandyan pa rin siya. At oo, hindi ko gustong makakita ng gwapong mukha kung ikaw lang naman ang makikita ko," sagot ni Sven.

Natawa lang si Raven at humigop na ng kape na iniinom niya.

"Ah, alam mo na ba na may pinost ang PFB Express? Wala silang general manager ngayon sa Batangas branch. Try mong mag-apply," sabi ni Raven na nakangiti.

"Talaga? Sige, i-send mo sa akin. Try kong mag-apply," masayang sagot ni Sven kaya agad na nagtaka si Raven.

"G-Gusto mo talaga? Pzalm Franzenne 'yon," nilinaw pa ni Raven.

"Oo, sure na sure ako. Gusto ko na rin magkaa-trabaho kasi ayaw ko naman na habang buhay kaming umasa ni KC sa iyo at kina Mamita sa Switzerland."

Pero ang totoo, may isa pang dahilan si Sven. Iyon ay ang mapalapit siya ulit kay Pzalm dahil sa sinabi ni Kiera Amore sa kanya sa panaginip.

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon