Chapter 14

327 40 21
                                    

ILANG araw matapos ang pag-uusap nina Pzalm at Sven ay niyaya ni Pzalm si Jethro na mag-out of town trip na silang dalawa lang. Ang saya-saya naman ni Jethro nang malaman niya ang plano ni Pzalm.

Nag-book siya ng ticket para sa kanilang dalawa ni Jethro. Pupunta sila ngayon sa Ilocos norte via airplane.

"Bakit mo naman naisipan na gawin 'to?" nagtatakang tanong ni Jethro.

"W-Wala naman, hindi na kasi nasundan ang trip natin sa Baler noon, kaya naiisipan ko 'to ngayon. Ayaw mo ba?" sagot ni Pzalm.

Nandito sila sa airport ngayon, naghihintay ng flight nila. Nakain sila ng sandwich at may extrang tubig na dala.

"Syempre, gusto ko. After all the stress sa work at sa buhay lately. Finally ay makakapahinga na tayo," nakangiting sagot ni Jethro.

Ngumiti naman si Pzalm at hinawakan ang kamay ni Jethro nang mahigpit. Ilang minuto pa ay tinawag na ang flight code number nila kaya tumayo na sila at pumunta na sa eroplano.

They had a safe travel. Habang tulog nga si Pzalm ay pinicturan siya ni Jethro. Tahimik lang na natawa si Jethro, Mga ganitong pagkakataon ang mga gusto niya, iyong nasosolo niya si Pzalm nang walang iniisip.

Bago pa magising ang kanyang nobya ay tinabi na niya ang kanyang cellphone. Nakatulog din siyang konti bago lumapag ang airolane sa Laoag International Airport.

"Babe, we're here. Gising ka na po," sabi ni Jethro.

"Hmm."

Pagkamulat ni Pzalm ng mga mata ay nakita niyang nalabas na isa-isa ang mga tao sa airplane. Inayos na niya ang sarili at ang mga gamit na dala nila. Tinulungan siya ni Jethro.

Nang ma-realize niyang napasarap ang kanyang tulog ay napatanong siya sa kanyang nobyo. Hindi pa sila nakakababa ng airplane noon.

"D-Do I look like shit, babe?" tanong niya, antok na antok pa ang kanyang boses.

"No, you are beautiful. Why?" sagot naman ni Jethro.

"W-Wala naman, it was a good sleep. It felt like forever," sagot ni Pzalm habang nakangiti.

Binati sia ng mga flight attendant noong sila nan i Jethro ang bababa.

"Welcome to Laoag International Airport, Ma'am and Sir. We hope that you'll have a great stay," sabay-sabay na sabi nila, ngumiti naman ang mag-nobyo.

Agad naman silang tinulungan ng iba pang flight attendant ng nasabing airport. Buti na lang at 10- minute drive lang ang ang napiling hotel ni Pzalm, ang Ilocos Roswell Hotel.

Dahil gutom na gutom na sila eh dumaan na lang sila sa isang fastfood chain bago tuluyang pumunta doon sa hotel. Nag-take out na lang sila ng pagkain kahit na may restaurant naman doon sa loob ng napili nilang tuluyan.

Pagpasok nila sa kwarto ay may nakita silang towel na korteng puso at may mga roses na ang nakalagay ay I LOVE YOU. Natuwa si Jethro dahil doon.

"Pinaghandaan mo talaga 'to, ano?" nakangiting sabi niya.

"Oo, ang ganda pala. Hindi ko akalain na ganito kaganda sa personal eh, iba kasi sa pictures na pinadala nila sa akin," sagot naman ni Pzalm pagkatapos ay ngumiti.

"Thank you, Pzalm. Thank you na ginawa mo 'to," pagpapasalamat ni Jethro.

"No worries, sige na pi-picturan na kita dyan. Umupo ka muna," sabi ni Pzalm at pina-ayos ng upo ang kanyang nobyo.

Kinuhanan nila ang isa't isa ng litrato. Nang ma-realize nila na wala pala silang picture together ay saktong dumating naman ang hotel room kaya nagpa-picture silang dalawa.

"One, two, three. Smile!" Isa pa po, iyong kamay po ni Sir ilagay niyo po sa waist niyo, Ma'am," utos ng hotel room keeper sa kanila.

Agad namang ginawa iyon ni Pzalm at nag-picture ulit sila. Magka-yakap naman ngayon.

"Iyan, bagay na bagay talaga kayo. One, two, three. Smile!" sabi ulit ng hotel room keeper.

Nang madami na silang shots na nakuha ay nagpaalam na sa kanila ang hotel room keeper.

"Salamat po, Kuya ah," sabi ni Pzalm.

"Salamat, ang dami mong nakuhang pictures. Napasaya mo rin kami. Ito na ang tip naming, sa'yo lang 'yan ah."

Nagbigay naman si Jethro ng one hundred pesos kay Kuya at saka ngumiti. Pagkatapos noon ay inayos na ni Pzalm ang mga rose petals na nasa kama para maka-upo na sila.

"Salamat po, Ma'am and Sir. I hope you'll have a good stay here po sa Laoag," sabi ng hotel room keeper at tumungo pagkatapos ay sinara na niya ang pinto.

"Kung alam ko lang na Makati at makalat itong rose petals, sana ay hindi ko na pinalagay sa kanila," biro ni Pzalm.

"Ano ka ba? Ayos na 'yan, ang romantic nga tingnan eh. Thank you talaga, babe!" sabi ni Jethro sabay yakap sa nobya pagkatapos ay hinalikan ang noo nito.

Natawa si Pzalm nang ma-realize na parang bata si Jethro ngayon dahil sa sobrang saya. Sa limang taon naman kasi nila, ngayon lang din niya sinurpresa si Jethro nang ganito ka-bongga.

Oo, may mga parties na siya ang nagpe-prepare pero hindi iyong sila lang na dalawa. Doon sa Baler trip nila, si Jethro ang gumastos at nag-isip.

"Mukhang nagustuhan mo talaga ah," puna niya sa nobyo.

"Oo naman, kung pwede nga lang na dito na lang tayo sa Ilocos Norte. Sa Maynila naman kasi, ang daming problema," sagot ni Jethro na napabuntong-hinga.

"Oh, iyan ka na naman. Nag-iisip ka na naman ng kung anu-ano. Alam mo, nandito tayo para mag-relax at enjoy. Kaya huwag mo na akong kwentuhan ng ganyan, baka ma-stress lang ko," sagot ni Pzalm.

"Oo, hindi na nga. This weekend trip will be awesome. Promise iyan! Malay mo, dito natin mabuo ang magiging anak nating dalawa," biro naman ni Jethro sa nobya, kaya agad na hinampas siya ni Pzalm.

"Aray ko naman! Bakit? Ano naman ang masama sa sinabi ko?" sabi ni Jethro, nang-aasar pa ang expression ng kanyang mukha kaya lalong nainis si Pzalm.

"Alam mo naman na ayaw ko ng anak bago ang kasal, e. Kahit na parang normal na lang 'yon sa mga tao ngayon, hindi pa rin ako sang-ayon," gigil na sabi niya.

"Ano ka ba naman, alam ko naman iyon at saka binibiro lang kita ano. Sige na, kumain na tayo pagkatapos ay matulog na. Bukas na lang natin tingnan ang mga pwedeng puntahan, pagod na pagod na ako, e."

Inayos na ni Jethro ang pagkain doon sa table. Agad na tumayo si Pzalm at sumunod sa kanyang nobyo.

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon