Chapter 3

938 78 55
                                    

NAKAIN ng lunch sa bahay ni Adelia sina Pzalm at Leigh. Niyaya niya ito dahil lagi na silang busy sa trabaho.

"Oh, may macaroni salad dyan sa refrigerator ah. Kuha lang kayo," sabi ni Adelia.

"Sige, mamaya kukuha ako," sagot ni Pzalm sabay ngiti.

"Ano ba kasing meron at maraming pagkain? Buntis ka na naman ba? Aba, wala nang magiging ninang 'yang pangatlo mo. Dalawa lang kami ni Pzalm na kaibigan mo," pang-aasar na sabi ni Leigh sa kaibigan.

"Baka miss lang niya tayo, ano ka ba?" sabi ni Pzalm.

"May pag-atake? Hindi ba pwedeng miss ko lang kayo kaya ako naghanda?" sagot naman ni Adelia.

"Adelia, nagpapakain ka lang naman ng ganito kapag buntis ka," deretsahang sabi ni Leigh.

"Nagpakain ako kasi-" natigil si Adelia sa sinasabi dahil umiyak na lang siya sa harap nina Pzalm at Leigh.

Agad na lumapit ang mga kaibigan ni Adelia sa kanya para mapakalma ito. Imbes na lalong kumalma, humagulhol pa lalo si Adelia.

"Bakit ba? Anong nangyari?" tanong ni Leigh.

"W-wala na kami ng asawa ko, Leigh. Wala na kami ni Christian," naiyak pa rin si Adelia.

"Ha? Paano? Noong isang araw pa nga, nakita ko kayong magkasama. Masaya ka naman noon," sagot ni Pzalm.

"Pagkatapos kong maglaba, inaya ako ni Esther na kumain naman daw kami sa labas kasi nakikita niya na pagod na pagod na ko dito sa bahay," sabi ni Adelia.

"Tapos?" tanong ni Leigh.

"Doon sa kinain namin, nakita ko si Christian na may kasamang iba. Hindi ko siya kinompronta noon," dagdag pa niya.

"Bakit naman hindi mo pa kinompronta doon? Dapat, doon pa lang inaway mo na siya o kaya sinabunutan mo yung babae!" sabi ni Leigh.

"Hindi ko naman kayang mag-eskandalo. Hindi ako ganoon, Leigh. Alam mo 'yan."

"Haynaku, kung ako talaga ang kasama mo noon, tatalakan ko sila at sasabunutan ko yung babae. Baka nga sungalngalin ko pa," sabi ni Leigh at bumalik na sila ni Pzalm sa upuan nila.

"Paano ang mga anak niyo?" tanong ni Pzalm.

"H-hindi nga daw niya kami susustentuhan. Ako na daw ang bahala sa mga anak namin," mahinang sagot ni Adelia, humagulhol na naman siya.

"Aba, gago talaga ano? Ipapa-Tulfo namin ni Pzalm 'yan. Kumain muna tayo bago ako mawalan ng gana sa mga nangyayari. Nakakainis!" sabi ni Leigh.

Tahimik naman si Pzalm na kumakain. Iniisip pa lang niya ang mga pwedeng mangyari after ng kasal nila ni Jethro, kinakabahan na siya.

She's engaged with Jethro Capili. Si Leigh naman, puro boyfriend lang ang inaatupag dahil ayaw daw niya matali sa isang maling desisyon kalaunan. Si Adelia lang ang kasal na sa kanila at may anak pero ngayon ay hiniwalayan na ni Christian.

Ilang minuto na ang nakalipas nang magsalita ulit si Leigh. Pumwesto pa ito para makapag-kwento ng maayos.

"Girls, alam niyo na ba ang balita?" excited na tanong niya.

"A-ano? Ikakasal ka na ba?" tanong naman ni Pzalm.

"Gaga, hindi 'yon mangyayari kahit kailan! Itaga mo 'yan sa bato," inis na sabi ni Leigh.

"Eh, ano?" tanong naman ni Adelia.

"So, ito na nga. Do you still remember Sven Patrick Monfero?"

Nang narinig ni Pzalm iyon ay napatigil siya sa pagkain. Halos mabulunan siya sa narinig na pangalan.

"H-He's Pzalm's first love. Right, Pzalm? Anong meron kay Monfero?" sabi naman ni Adelia.

Tunango lang si Pzalm bilang sagot. Kumain siya at uminom na lang ng tubig dahil sa kaba na nararamdaman.

"He's coming back here in the Philippines! Well, baka nga nandito na 'yon sa Pilipinas," masayang sagot ni Leigh.

Doon na nabulunan si Pzalm, natawa naman si Leigh sa kanya pagkatapos si Adelia ay nagulat.

"Oh my gosh. Are you okay, Pzalm?" nag-aalalang tanong ni Adelia.

"Nabulunan 'yan kasi mahal pa niya si Sven," sabi ni Leigh sabay kain ng macaroni salad.

"H-Hindi na 'no. May asawa na yung tao, ikakasal na rin ako. Anong mahal ka dyan? Nagulat lang ako, ang alam ko kasi eh hindi na siya uuwi," depensa ni Pzalm sa sarili.

"Guess what? Wala na siyang asawa, Pzalm," sabi naman ni Leigh na inuubos ang natirang tubig sa baso.

"H-Ha? Wala na ba sila ni Kiera Amore?" tanong ni Pzalm.

"Wala na sila kasi patay na raw si Kiera Amore dahil sa breast cancer."

Gulat na gulat si Pzalm at hindi halos makahinga dahil sa kanyang narinig. Si Leigh naman ay todo sa pag-inom ng tubig dahil sa nalaman.

"H-Ha? Hindi ba't may anak sila ni Kiera Amore? Paano ang bata?" tanong ni Adelia.

"Mukhang kasama naman niya, hindi naman siguro papaya si Sven na maiwan ang anak niya sa Switzerland 'no. Kaso lang, ang sabi ng source ko eh mukhang mataray dawn a bata iyon dahil lumaki kay Kiera at hindi kay Sven. Good luck na lang kay Monfero sa pagpapalaki doon sa bata," sagot naman ni Leigh.

"Kawawa naman si Sven, alam kong bago pa lang sila na kasal. Two years pa lang yata? Pero 8 years old na si KC," sagot naman ni Adelia.

"Oo nga, nauna ang bata bago ang kasal. Oh, bakit tahimik ka yata Pzalm? Wala kang ma-share? Di ba first love mo iyon?"

"Wala naman, naaawa lang kasi ako doon sa bata. I saw them happy on social media. Hindi ko lang sukat akalain na hahantong sa ganito ang kwento nilang tatlo," malungkot na sagot ni Pzalm.

"Kung nalulungkot ka para sa bata, try mong magpaka-nanay sa kanya. Malay mo, kayo talaga ni Sven ang para sa isa't isa," sagot naman ni Leigh pagkatapos ay tumawa ng konti.

"Panay ka kalokohan. Alam mo naman na ikakasal na si Pzalm kay Jethro. Ano ba naman 'yang iniisip mo? Saka, ang tagal-tagal na noong sa kanila, di ba Pzalm?"

Tumango lang si Pzalm sabay sumubo ng pagkain.

"Hindi pa naman sila kasal ni Jethro, engaged pa lang sila. Pwede pa magback-out," sabi ni Leigh.

"Or gusto mong ikaw ang maging susunod na asawa ni Sven, Adelia? Di ba, crush mo din naman 'yon noong mga bata pa tayo? Go ka na, hindi ka naman na mahal ni Christian eh," dagdag ni Leigh.

Nag-asaran pa sina Leigh at Adelia habang si Pzalm ay tahimik na nag-iisip kung paano niya haharapin ngayon ang kanyang first love, lalo na at engaged na siya ngayon.






Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon