Chapter 33

230 32 22
                                    

ISANG linggo matapos ang amusement park date nila Sven at KC kasama si Pzalm ay napag-pasyahan ni Raven na i-set up si Sven sa isang blind date. Ayaw ni Sven pero kasi, niloko siya ni Raven. Ang sabi ay client daw, hindi naman pala.

"Loko ka talaga, akala ko ba client ang kikitain natin ngayon?!" inis na sabi ni Sven.

"Sasama ka ba sa akin kapag sinabi kong blind date ang pupuntahan natin? Hindi naman di ba?" sabi ni Raven habang nagpapatakbo ng kotse.

On the way na kasi niya sinabi ang totoo na hindi naman client ang pupuntahan nila kundi blind date. Wala nang atrasan 'yon dahil malapit na sila sa meeting place noong umamin si Raven sa kaibigan.

"K-Kamamatay lang ni Kiera Amore, hindi naman yata pwede 'to," sabi ni Sven, pinipilit pa rin niya na pigilan ang blind date.

"H-Hindi lang naman 'to para kay Kiera Amore. Para rin 'to sayo at kay Pzalm. Para kalimutan mo na siya. Saka, alam naman natin na hindi na dahil kay Kiera kaya ayaw mong makakilala ng iba di ba? Sa isip mo kasi, si Pzalm pa rin ang mahal mo at wala na makakapalit noon," sabi ni Raven.

"Oh, alam mo naman pala eh, bakit pinipilit mo pa ako dito? H-Hindi ba pwedeng magmahal na lang ako nang tahimik? Kaya ko naman 'yong sakit," sabi ni Sven.

"Ikakasal na siya kay Jethro pare. Isaksak mo na 'yon sa isip mo. H-Hindi na siya sayo, e. Kahit kalian, hindi na magiging sayo si Pzalm," sabi ni Raven.

"Pake ko? Sabi ko nga, kaya kong magmahal nang tahimik. Hindi naman kailangang mahalin niya ako pabalik, e. Kuntento na ako na ganito na kami," sagot naman ni Sven.

"Sa tingin mo, papayag ako na ganyan lang? Kailangan mo ding buksan ang puso mo sa iba. Try mo lang, kung hindi gumana edi saka mo isara ulit at mahalin si Pzalm nang walang katapusan," sabi ni Raven.

Hindi na sumagot si Sven dahil nandito na sila sa restaurant kung saan sila magkikita noong babae na sinet-up ni Raven para sa kanya.

"Go na, maganda 'yan at single. Nasabi ko naman na kung anong sitwasyon mo. Tanggap ka niya kaya pinili ko rin siya. Okay?" bulong ni Raven sa kaibigan dahil halata niyang ayaw nitong lumapit doon sa babae.

"Kapag hindi 'to okay, huwag mo na ako kulitin sa mga blind date na'yan ha!" sabi naman ni Sven na nakabulong din kay Raven.

"Oo, basta susubukan mong kilalanin ha? Huwag mong isara ang puso mo," sabi ni Raven at tinulak na ang kaibigan.

"Hmm, sige na nga. Para matapos na 'to," sabi ni Sven at unti-unting lumapit doon sa babae.

Lumabas naman si Raven at pumunta sa kabilang restaurant dahil may kikitain siyang iba. Isa pa, gusto rin niyang magkaroon ng private time rin iyong dalawa. Alam niya kasing mahihiya si Sven sa kanya kung nandoon siya.

"S-Sven Monfero, right?" sabi noong babae na nakaupo.

"Yes, i-it's nice to meet you," sabi ni Sven at umupo na doon sa upuan sa harap noong babae.

"Mas gwapo ka pala sa personal. Tinitingnan ko ang pictures mo kagabi, e. You look so adorable with your kid," nakangiting sabi noong babae.

"Ang dami mo na palang alam sa akin, wala akong alam sa'yo. Si R-Raven kasi, hindi naman sinabi sa akin na hindi naman pala-" natigil siya sa pagsasalita noong nagsalita na ang babae.

"A-Ah, iyon ba? Sinadya ko na huwag din ipasabi. Para surprise, saka sabi ni Raven baka daw hindi ka pumunta kapag alam mong hindi client, e."

Hindi sumagot si Sven pero sa loob-loob niya ay gusto na niyang suntukin si Raven dahil pinapahiya nito si Sven sa mga babae.

Akala ko ba gusto mong may makilala akong bago? Bakit parang pinahiya mo na ako dito bago mo pa ako ipakilala ng personal? Bwisit ka, mamaya ka sa akin pag-uwi.

"Hannah Grace De Dios pala," sabi noong babae at nilahad ang kanyang kamay. Kinuha naman 'yon ni Sven at ngumiti.

"Di ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko. Pasensya ka na, nagulat kasi talaga ako, e."

"Ayos lang naman, naiintindihan ko. Order muna tayo bago magkwentuhan," sabi noong babae.

Umorder silang dalawa, nahihiya pa nga si Sven dahil hindi na siya sanay sa mga date. Kung meron man na gusto niyang i-date, si Pzalm iyon, wala nang iba pa.

Pagkatapos nilang umoder, nagpaalam muna si Hannah sa kanya na pupunta muna itong comfort room. Tumango lang siya bilang tugon, hindi naman kasi niya alam kung ano ang dapat sabihin.

Habang nasa comfort room si Hannah ay kinuha ni Sven sa pocket niya ang picture ni KC at Pzalm na kasama siya. Nang makita niya ito ay hindi niya napigilang ngumiti.

Hindi niya namalayan, padating na pala si Hannah at nakita nito na hawak-hawak niya ang picture na galing sa photobooth.

"Oh, is that Kira Cyrille? She's so lovely," sabi ni Hannah habang nakangiti at umupo na sa kanyang upuan, nagulat naman si Sven.

"A-Ah, yes. She's so lovely," sabi ni Sven kay Hannah.

"Nakita ko sa social media kung paano mo alagaan ang anak mo. Kahit sa pictures lang 'yon, alam ko na sobrang saya niyong mag-ama," nakangiting sabi ni Hannah.

"Thank you. Maybe, thank you rin sa pagpayag mo sa kalokohan ni Raven. Naabala pa tuloy kita," sagot ni Sven.

"Ah, okay lang naman. Dati pa naman kitang gustong makausap," sabi ni Hannah na nagulat si Sven.

Dumating na ang order nilang pagkain kaya hindi agad nakasagot si Sven, pero taking-taka siya kung bakit iyon ang sinabi ni Hannah.

Dati? Bakit?

"Dati? What do you mean na dati?" tanong ni Sven.

"Kay Pzalm ka lang kasi nakatingin noon, hindi mo ako ka-section pero lagi ko kayong nakikita. Crush na kita noon, e. Kaso, girlfriend mo pa si Pzalm noon kaya hindi ko pinush," nakangiting sagot ni Hannah habang nakain.

Napa-inom tuloy ng tubig si Sven nang wala sa oras. Simula doon, nag-kwento na si Hannah tungkol sa pag-admire niya kay Sven dati pa. Si Hannah lang ang nagke-kwento madalas, nakikinig lang si Sven pero okay lang 'yon kay Hannah.

Paubaya (Completed)Where stories live. Discover now