Chapter 8

500 50 61
                                    

NIYAYA ni Pzalm ang mga kaibigan kinagabihan. Gusto kasi niyang i-kwento sa kanila ang nangyari sa mall kanina. Wala rin naman si Jethro sa condominium nila, kasama nito ang kaibigang si Lorenzo.

"Hala! Ang awkward ba para doon sa dalawa? I mean, it is dahil former lover mo iyon at present and then future. For sure, hindi mo alam ang gagawin mo 'no?" sabi ni Adelia.

"Ano ka ba? Alam ko naman, medyo nagulat lang ako dahil after how many years ay nagkita ulit kami ni Sven," pagsisinungaling ni Pzalm.

"Kung may gulat factor pa din, ibig sabihin noon ay mahal mo pa rin siya. Well, hindi naman kasi kita masisisi niyan. Hindi ka binigyan ng closure ni Sven, di ba?" sagot naman ni Leigh.

"Ganoon ba 'yon? Feeling ko, hindi naman. Nagulat lang siguro ako kasi hindi ko akalain na magkikita kami. Iyon lang siguro 'yon," deny ni Pzalm.

"Sige, i-deny mo pa. Akala mo naman may maniniwala pa sa'yo. Ang hirap ng sitwasyon mo, girl. Anong gagawin mo?" ani Leigh.

"W-Wala, ano naman ang gagawin ko? Parehas na kaming okay sa nangyari dati. Not having a closure is also a closure," sagot ni Pzalm.

"Hindi ka naman ba aatras sa kasal niyo ni Jethro?" tanong naman ni Adelia.

"H-Hindi. Alam mo, parehas kayo ni Jethro. Sinabi niya rin sa akin kanina 'yan. Nainis nga ako dahil sa biro niya."

"Eh? Oh my goodness, sinabi ni Jethro 'yon?" gulat na tanong ni Leigh sa kaibigan.

"Oo, hinampas ko nga siya dahil doon. Ang tanda na namin para pagselosan pa niya si Sven. Siya na nga papakasalan ko eh," iritang sabi ni Pzalm.

"Girl, the fact na tinanong niya 'yon eh I'm sure alam niya rin na pwede kang mawala sa kanya kasi nandyan na si Sven," sagot ni Leigh.

"Sabi niya, biro lang 'yon kasi alam naman niya na mahal ko siya."

"Mahal mo ba talaga?" deretsahang tanong ni Leigh.

Hawak-hawak lang ni Pzalm ang baso at nilalaro ito, tila ba nag-iisip ng tamang sagot. Uminom siya ng juice bago niya sagutin ang kaibigan.

"O-Oo naman, mahal ko si Jethro. He was with me when I felt no one is behind me. Alam mo 'yon? He saved me from the dark," sagot ni Pzalm at ngumiti nang pilit.

"Mukhang kailangan mo lang siya at hindi mahal. Mag-kaiba 'yon, girl."

"H-Ha? What do you mean?" tanong naman ni Pzalm na gulung-gulo sa sinabi ng kaibigan.

"Ito ang dahilan ko kung bakit ayaw kong pumasok sa isang seryosong relasyon. Minsan kasi, akala mo mahal mo na 'yong tao pero kailangan mo lang pala siya dahil nalunod ka sa pagmamahal ng iba," seryosong pahayag ni Leigh.

"Hindi ka pa tapos magmahal doon sa una pero dahil nandyan na ang bago, akala mo siya na ang mahal mo," dagdag pa niya.

"Lasing ka ba bago pumunta dito? Umayos ka nga, huwag mo nang gisahin si Pzalm. Kung ano na lang ang desisyon ni Pzalm, iyon ang suportahan natin. Matanda na tayo, alam na natin kung ano ang makakabuti at hindi na desisyon para sa atin," awat ni Adelia kay Leigh.

"Sana nga, tama ang maging desisyon mo Pzalm in the end. Kahit ano ang mangyari, sana piliin mo pa rin kung saan ka tunay na masaya," sabi ni Leigh at tiningnang mabuti si Pzalm.

Natahimik bigla si Pzalm dahil sa narinig. Kumain na lang siya at di na sumagot pa sa kanila.

Do I still really love him or it's just in my mind?

Sa kabilang banda ay umiinom naman si Jethro sa isang bar kasama ang kaibigan niyang si Lorenzo. Gusto kasi niyang alisin sa isipan ang mga nangyari kaninang umaga.

"Eh, kung iyon naman pala ang sinagot ni Pzalm sa iyo. Bakit ka natatakot?" tanong ni Lorenzo sa kanya.

"Pare, iba ang sinasabi ng mga mata niya. Kung nakita mo lang kung paano niya ko tiningnan habang sinasabi niya 'yon, malalaman mo," sagot naman ni Jethro.

"Ikakasal naman na kayo, ayos na 'yon. I mean, ikaw naman ang pinili niya after all, hindi ba?" Lorenzo being positive with the situation.

Mahinang natawa si Jethro habang hawak-hawak pa rin ang isang shot glass. Tiningnan niyang maigi si Lorenzo pagkatapos noon.

"Pinili pero hindi ang mahal? Saka, option ba ako para piliin? I mean, hindi pinili 'yong tamang word para sa akin eh," naluluha na si Jethro habang sinasabi 'yon.

"Eh ano? Ano ang tamang word?" tanong ni Lorenzo pagkatapos ay uminom ng alak mula sa shot glass.

"Dapat ako lang, walang pagpipilian. Kasi ako, hindi ko naman siya basta pinili lang eh. Mahal ko siya kaya nandito ako, hindi ko naman siya piniling mahalin eh," sagot naman ni Jethro.

"Well, may point ka naman. Wala yata akong narinig na ibang babae sa'yo simula noong nakilala mo si Pzalm," sagot ni Lorenzo at tinapik-tapik ang likod ni Jethro.

Simula highschool, mahal na ni Jethro si Pzalm. Palihim niya itong pino-protektahan. He's her best friend, sobrang sakit para sa kanya noon na lunukin ang bawat kwento ni Pzalm tungkol kay Sven.

Kahit gusto niyang sabihin na siya na lang ang mahalin nito, hindi naman iyon tama dahil alam niyang pipiliin pa rin ni Pzalm si Sven.

He only got the chance to say it when Sven left Pzalm alone. He was mad as fuck that time. Kung pwede niya lang kunin ang lahat ng sakit na naramdaman noon ni Pzalm, ginawa na niya.

Masakit na nga noong okay pa si Pzalm at Sven, pero mas sumakit ang lahat noong wala na si Sven pero siya pa rin ang sinisigaw ng puso ni Pzalm. Kailangan niyang lunukin iyon at hindi ipakita sa pinakamamahal niyang babae na nasasaktan siya, dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan noon sa kanya.

"Ano na ang gagawin mo ngayon? You'll let go of her?" tanong ni Lorenzo, alam ni Jethro na masakit na sagot ang katapat noon.

"Sa ngayon, hindi. I will let go of her, only if she asks for it. Hindi ako aalis hangga't kailangan pa ako ni Pzalm sa buhay niya."

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon