Chapter 18

284 34 25
                                    

KAHIT na sinabi iyon ni Pzalm kay Jethro ay hindi na niya ginawang issue iyon dahil pagod na rin siyang makipag-argumento.

Kinabukasan, pinagluto niya si Pzalm ng breakfast bago umalis para sa isang out of town meeting with the staff of their school.

He left a note.

Be safe, my love. I'll be back tomorrow. I love you so much. - J.

Si Pzalm naman kasi ang busy at tutok na tutok sa PFB Express kaya hindi niya iyon pinapaki-alamanan.

Nang magising na si Pzalm ay nakita niya ang toasted bread with strawberry jam at coffee na hindi pa timplado sa may lamesa.

She washed her face first at nag-toothbrush bago tuluyang kumain. Doon sa may refrigerator niya nakita ang note ni Jethro para sa kanya habang nakain ng breakfast.

Bakit di niya man lang ako ginising? Nahatid ko sana siya sa labas.

Pagtapos kumain ay nag-trabaho agad siya. Dahil sa kanyang sakit ng ulo ay hindi siya pumasok sa PFB Express. Buti na lang, via email naman ang mga naiwan niyang paperworks doon.

Dahil nga masakit ang ulo ay tinawagan niya ang kaibigang si Leigh para may kasama siya mamaya since wala nga si Jethro. Takot naman kasi siyang mag-isa sa gabi.

"Hello?" sabi niya nang may sumagot na sa kanyang tawag.

"Oh, girl. Bakit?" tanong naman ni Leigh.

"Gaga ka, ikaw ang may kasalanan kung bakit masakit ang ulo ko. Punyeta!" inis na sabi ni Pzalm sa kaibigan.

"Aba, ako pa nga ang sinisi mo, girl. Sino ba ang lumaklak ng alak? Ako ba? Di ba, ikaw?" malditang sagot naman ni Leigh.

"Kung hindi ka nag-birthday, hindi naman sasamain ang pakiramdam ko. Haynaku, nakakainis ka!"

"Buti nga at hinatid ka na ni Sven ka-" natigil si Leigh sa sinasabi niya dahil sumagot agad si Pzalm.

"Teka, si s-Sven ang ano? S-Seryoso ka ba?" nauutal si Pzalm.

"Oo, malakas naman ang alcohol tolerance ko kaysa sa iyo. So, alam ko pa ang mga pangyayari kagabi. He tried calling Jethro pero wala daw nasagot. So, hinatid ka na lang niya dyan sa condominium niyo," pagkw-kwento ni Leigh.

"S-Sa tingin mo, nagkita sila ni Jethro dito?" tanong niya, kahit alam naman niya ang posibleng sagot.

"Malamang. Kung nandyan si Jethro kagabi, eh mukhang wala naman kasi hindi niya nga nasagot ang tawag ni Sven sa kanya. Naku, huwag mo nan gang isipin 'yon, ang importante ay naka-uwi ka na at buhay ka pa."

"A-Anyways, may gagawin k aba tonight? Samahan mo naman ako dito sa condominium, wala kasi si Jethro. Nasa out of town na meeting with the teachers and staff ng school," kwento ni Pzalm.

"Hmm, pagkatapos mo akong awayin kanina? Sa tingin mo, pagbibigyan kita ngayon? Ayaw ko nga, nagtatampo ako!" nagtatampong sagot ni Leigh.

"Alam naman natin na reaction ko lang 'yon dahil sa sakit ng ulo ko. Please? Samahan mo na ko," pagmamakaawa ni Pzalm sa kaibigan.

Hindi agad nagsalita si Leigh pero rinig ni Pzalm ang pagbuntong-hinga nito sa kabilang linya. Indikasyon na nag-iisip ito kung sasamahan ba niya ang kaibigan o hindi.

"Hmm, sige na nga. Basta, sagot mo mamaya ang pagkain ko ah," kondisyon naman ni Leigh, natawa tuloy si Pzalm sa kabilang linya.

"Oo, kalian ka ba pumunta dito na walang request na pagkain? Magpapabili ako doon sa nagbabantay sa baba kapag nandito ka na. Thank you, Leigh!" sagot ni Pzalm.

"Buti na lang eh hindi ako pupunta sa boylet ko mamaya. May chance ka na makasama ang isang Leigh Veronica Sanchez!" proud na sabi pa niya.

"Ay, wow. Salamat sa oras na ilalaan mo sa akin, ha?" pang-aasar naman ni Pzalm at tumawa.

Ilang minuto pa ay nagpaalam na siya kay Leigh para bumalik sa kanyang laptop. Isang dahilan kung bakit ayaw niyang umiinom ay dahil alam niyang magiging ganito siya pagkatapos.

Simula noong highschool at natuto siyang uminom, Laging ganito ang response ng katawan niya sa alak. Buti kung simpleng allergy lang ito kung saan mangangati ang buong katawan niya, kaso hindi.

Sumasakit ang ulo niya tapos ay lalagnatin. Kahit pa konti lang ang inom niya, ganoon pa rin ang kalalabasan noon. Simula noon, iniwasan na niya talaga ang pag-inom.

Pagkatapos niyang ayusin ang emails para sa PFB Express ay uminom na siya ng gamot para sa lagnat dahil nagbabadya na ang lagnat niya.

Humiga na siya at nagkumot, halos hindi na nga niya nahintay ang text ni Leigh kung papunta na ito o ano. Halos dalawang oras din ang tulog niya noon, paggising niya ay 12pm na kaya kahit masakit ang katawan at ulo niya ay tumayo pa rin siya.

Buti na lang at may nakahanda ng chicken at ipiprito na lang niya. Naisip niyang baka hinanda iyon ni Jethro for her last night dahil pupunta nga ito sa out of town meeting.

How sweet of him. Hindi niya talaga ko pina-pabayaan kahit na anong mangyari.

Nagsaing at nagprito na siya ng chicken. Pagkatapos noon ay may zoom meeting naman siya sa managers ng different branches ng PFB Express sa buong bansa. Medyo naging maayos naman na ang kanyang pakiramdam dahil sa ininom niyang gamot kanina bago makatulog.

"Okay, wala na ba tayong ibang update? Meron pa bang hindi nakaka-submit ng monthly report?" tanong niya habang siya ay nasa zoom meeting.

"Ah, Ma'am Pzalm. Nag-resign na po pala si Sir Rafael Bagasao, general manager po ng PFB Express sa Batangas. Si Ms. Audria Macalintal po sa operations department muna ang pumalit sa kanya habang wala pa pong nahahanap na kapalit," sabi ni Valeria Loundil ng PFB Express Laguna branch.

"Ah, oo nga. Nasabi nga sa akin 'yan, this week. Nagpost na ba sila sa Facebook page nila ng for hiring ang general manager position?" tanong ni Pzalm.

"Yes po, Ma'am. Yesterday po. On-going po ngayon ang applications," sagot naman ni Valeria.

"Good, give me an update next week. Kailangan agad nating makahanap ng kapalit ni Sir Rafael Bagasao. Iyon lang ba? Wala nang iba?" tanong ulit ni Pzalm.

"Okay na po, Ma'am. Salamat po," sagot ni Valeria.

She checked everyone kung may tanong pa ang mga ito at noong na-clear na wala na ngang problema ay tinapos na niya ang zoom meeting.

Sakto lang, dahil nasakit na naman ang ulo niya. Dalawang oras din kasi iyong meeting kaya umatake na naman ang sakit nang ulo niya.

Bago pa siya makahiga sa kama ay may nag-doorbell at kumatok na sa unit niya kaya naisip niyang si Leigh na iyon. Pero, nagtaka din siya dahil ang usapan naman nila ay gabi pa.

"Leigh, hindi pa ako nakakabali-" natigil siya ng buksan niya ang pinto.

Hindi kasi si Leigh ang nandoon, kundi si Sven. May dalaga itong pagkain at gamot.  

Paubaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon