XXXII.Gambala

130 30 0
                                    

"Siyasatin ninyo kung mayroon pang mga nakatakas, manmanan ang mga nakagapos!"

Ayon sa isa sa mga kasapi, mayroon daw nakatakas kaya agad na nakahingi ng dagdag na puwersa ang mga nahuling kawal.

Kasama ko ngayon ang iilan lamang sa mga hindi na talaga kayang makipaglaban. Mabuti na lamang at may alam ako sa wastong pagtapal ng gasa sa mga sugat, kahit papaano ay may naitutulong ako. Halos lahat ay napuruhan, ngunit hindi ito hadlang upang magpatuloy sa pakikipagsagupaan. Kahit pa napaslang ang kanilang pinuno, hindi pa rin sila natatakot na ialay ang kanilang buhay.

Nilamon na ng kadiliman ang langit nang magsimulang tumahimik ang buong paligid. Kasunod nito ay ang pagwagayway sa watawat na sinabayan ng mapanagumpay na sigaw ng mga Katipunero. Nanalo ma'y hindi pa rin nakangiti. Sino nga naman ang matutuwa sa kinahinatnan? Ano pa't nagwagi kung buhay ng minamahal ay nasawi?

Dahil sa pangyayaring ito, napagdesiyunan ko na magpaturo kung paano lumaban. Nagpalipas na kami sapagkat bukas pa raw makararating ang panibagong kutsero, ayon kay Ginoong Lorenzo.

Hindi ko napansin na inabot na ako ng umaga kakaisip ng kung ano-anong mga bagay. Napakaraming bumabagabag sa aking isipan, mula sa nagawang pananakit at hindi nagawang pagsalba. Mmas mainam pa rin talaga na matutuhan kong lumaban.

"Binibini, nanghihingi ng telang pangbenda si Tandang Sora," palusot ni Lorenzo nang matanaw na palapit ako sa kaniya.

"Ginoo, tapos na po. Nakatulong na rin ako kila Aling Corazon, sabi nila ay wala na raw kailangang ayusin. Kaya naman sana—"

"Binibini, kumain ka na ba? Mamayang tanghali pa makararating ang susundo sa atin. Magpahinga ka na muna upang hindi ka mahapo bago ang biyahe," pagputol niya sa akin. Kanina ko pa kasi siya kinukulit na turuan akong makipaglaban.

"Bawal po ba talaga? Hindi ko naman sinasabi na sasali ako. Ang sa akin lang naman ay para sana madepensahab ko ang aking sadili kubg sakali man na may mangyari tulad ng kahapon," nakasimangot kong tanong sa kaniya.

"Maganda ang iyong layunin, pero hindi biro o basta-basta lamang ang iyong nais na pagsasanay. Saka na natin ito pag-usapan kapag ikaw ay nakapagpaginga na nang lubusan." Tumango na lamang ako sa kaniyang turan. Kahit ako ay hindi rin buo ang loob, ayaw ko nang bumaril muli ngunit walang katiyakan na hindi mauulit ang nangyari kahapon.

SINALUBONG kami ni Tomasa na may bahid ng pag-aalala sa kaniyang mukha, ganoon rin ang itsura kaniyang katabi. Inabutan na kami ng gabi kaya tahimik na sa mansyon ni Tiya Marcela. Nakapagtataka dahil pinigilan akong umakyat ni Felicidad, sinabihan niya ako na magsama-sama raw muna kami nina Hilaria dito sa unang palapag.

"Paalis na ang kuro paroko kaya naman obligasyon ni Tiya bilang isang principales na magpadespedida para lamang sa lamang lupa na iyon," pagpapaliwanag ni Fely. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o mag-alala dahil sa kaniyang sinabi.

"Hindi ba at siya ang prayle na madungis ang pangalan?" pang-uungkat ni Ginoong Lorenzo.

"Hindi lamang pangalan! Pati ang kaniyang kilos ay tunay na nakapaninindig balahibo. Noong naghapunan kami ay lantaran niyang binibigyan ng malagkit na tingin si Ate Masang. Kulang na lamang ay tubuan na siya ng kuliti." Tahimik lamang na nakasunod sa amin si Tomasa, halata naman ang pagkagitla ni Ginoong Lorenzo nang malaman ang nangyari.

"Gising pa ba ang Senyora?"

"Dadalhin na kita kay Tiya," sagot ni Tomasa kaya naghiwalay na muna kaming apat.

"Imbakan ba ito ng mga tinatagong kayamanan?" taklesa kong tanong nang makararing kami sa silid na aming pagtutulugan. Sabay na napahalakhak ang aking kasama na si Felicidad at si Hilaria na nadatnan naming nakahilata na sa inilatag na dalawang magkadikit na kutson. Singlaki rin naman ito gaya ng mga kuwarto sa itaas, ngunit may mga gamit na halatang pinaglipasan na ng panahon.

"Bakit hindi? Sa ganda nating ito ay tama lang yata na ilihim tayo sa hindi naman karapat-dapat," wika ni Felicidad na sinang-ayunan namin.

Iniluwa ng pinto si Tomasa na tila ba panatag na ang kalooban. Mula sa siwang ay nasilip ko pa na tumango si Ginoong Lorenzo saka pumasok sa katapat na silid.

"Kumusta? Mananatili rin ba rito ang iyong manliligaw?" bungad ni Hilaria sa bagong dating.

"Opo, nakausap na siya bi Tiya. Bukod sa paghingi ng tawad ay nanghingi rin siya ng pabor na bantayan muna tayo."

"Mabuti na lang, makatutulog na ako nang mapayapa," sambit ni Felicidad saka tumabi kay Hilaria. Sumunod na rin kami ni Tomasa sa paghiga.

Muli na namang kumakaripas ang oras. Sa paglalim ng gabi ay kasabay nito ang pagdagsa ng mga alaala. Kahit wala na kami sa Novaliches, hinahabol pa rin ako ng amoy ng dugo, ng dumadagundong na putukan ng mga baril. Rinig ko pa rin ang sigawan ng pagbabakbakan, ang pagkalansing ng mga espada.

Nanlaki ang aking mata nang makita ang kawal na aking pinaputukan. Hindi ko maintindihan kung ano ang kaniyang sinasabi ngunit alam ko na kasalanan ko kung bakit siya binalot ng dugo. Naramdaman ko na naman ang pagbaliktad ng aking sikmura at ang panginginig ng aking katawan. Malamig ma'y pinagpapawisan pa rin ako. Tama na! Ayaw ko nang maalala ang mga nangyari! Lubuyan mo na ako. Hindi ko naman ginusto ito.

Napabalikwas ako nang makarinig ng paulit-ulit marahan ngunit pagalit ulit na yabag sa itaas. Nakatulog ba ako? Anong nangyari. . . ? Nakadilat naman ako mula kanina, paanong. . .

Kumaluskos na naman sa ikalawang palapag kaya tinignan ko na kung ano ba ang sanhi nito. Baka paranoid lang ako, sana nga.

Pagkaakyat ay bakita ko na palakad-lakad ang isang lalaki. Simple lamang ang kasuotan nito, para bang isang utusan ng pari. May hinahanap ba siya? Bakit wala man lang siyang lampara?

Nagtago lamang ako malapit sa hagdanan habang sinundan ng tingin ang lalaki. Lahat ng silid iniisa-isa nitong pasukin ngunit lumalabas rin siya kaagad. Nang makarating siya sa dulo ay lumapit ako dahil ang susunod na silid ay ang kay Tiya Marcela. Kinuha ko ang pinakamalapit na plorera nang makita na pumasok siya sa kuwarto ni Tiya Marcela. Gagamitin ko na sana itong sandata ngunit nakahinga ako ng maluwag dahil lumabas ito agad at nagtungo sa kabila.

Kung sino man siya, hahayaan ko na lang. Wala naman siya kinukuha, baka hinahanap niya ang pari o baka naliligaw lang. Pabalik na ako sa ibaba nang mapansin na may paparating. Maingat akong lumapit sa isang nakabukas na silid upang magkubli. Mula sa ilaw ng buwan na tumagos sa bintana, nakita ko ang pagkislap ng isang bagay na hawak nitong bagong dating na ginoo.

"Padre, ano pa ang iyong ginagawa? Kanina pa kita hinahanap," wika ng bagong dating. Iyon ang pari? Bakit  niya pinupuntahan ang bawat silid? Totoo nga kaya ang hinala nina Felicidad?

"Mierda, huwag mo akong istorbohin. Mahalaga ang aking pakay-"

"Anong pakay padre? Ang pakay na halayin ang mga binibini sa tahanang ito gaya ng ginawa mo sa aking kapatid?" Itinaas ng lalaki ang isang patalim na nagdulot sa kaharap niya na matumba. Bago pa nito maitarak sa nakasalampak na pari ang hawak, matulin kong ibinato sa kaniyang likuran ang hawak na plorera. Halata ang pagkagitla nila, nabitiwan pa ng naghihiganti ang hawak na kutsilyo.

"Ginoo, pag-isipan mong mabuti ang iyong balak. Hindi pa huli upang ihagis ang iyong patalim." Nakita ko na tumango tango ang pari saka nagangaral na nagsalita, "Oo! Tama ang binibini! Hindi pa huli upang manghingi ka ng kapatawaran sa iyong erehiya!" Umismid lamang ang lalaki at nilagpasan ako saka muling iniamba ang napulot ngunit tumalsik ang patalim dahil sa pagsipa ni Ginoong Lorenzo.

Bakit ko siya pinigilan? Hindi dahil takot akong mamatay ang pari. Kung wala lamang siya sa tahanan ng Abuinaldo ay baka hinayaan ko pa siya sa nais niyang gawin lalo na at napakademnyo naman pala nito. Pero masisira ang pangalan ng pamilya na kumupkop sa akin. Sariling interes lamang, at pagtatanaw ng utang na loob. Sa tingin ko ay naiintindihan ko na kung bakit kailangan talagang patayin ng mga Katipunero ang pumipigil sa kalayaan, kahit ang kababayan.

DAHIL sa naganap kagabi ay malaki ang utang na loob nitong hindi karapat-dapat maging pari kay Tiya Marcela. Kaagarang umalis ang prayle kahit bukas pa nakatakda ang kaniyang paglipat ng poblacion, dahil na rin siguro sa takot na balikan siya ng nakatakas na nagtangka sa kaniyang buhay. Si Ginoong Lorenzo naman ay nagtungo sa mga guardia civil upang ipahanap ang nawawalang salarin.

Kahit wala na ang pari, malaki pa rin ang galit ng ginoo. Hindi ko inaasahan na gaganti siya sa amin. Nagpapahinga ang mga tao sa loob dahil oras ng siyesta. Ako nama'y nagpapaaraw lang nang makita muli ang ginoo na nagbabadyang sunugin ang tahanan.

Sa Harap ng Pulang BandilaWhere stories live. Discover now