XXVII. 1896

222 67 20
                                    

"Sa pagsapit ng ika-labing anim na taon ng iyong buhay, nawa'y puno ng kagalakan ang iyong maranasan. Makinig ka lamang sa Kaniyang gabay upang hindi ka maligaw ng landas na pupuntahan, maligayang kaarawan!"

"Binibining Paulina" Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Miong. "Muli ka na namang natulog sa iyong mesa, hindi ba at sinabihan na kitang huwag magpapagabi kababasa ng mga aklat?"

Nag-unat ako saka nagsalita, "Pasensya na, salamat ho sa pag-aalala. Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil tunay nga namang nakahuhumaling itong mga librong ibinigay mo sa akin Kapitan-munisipal"

"Heto, mainit na gatas. Sinuway mo na naman ang aking sinabi. Miong na lang ang itawag mo sa akin at hindi Kapitan," sabi niya at lumabas na ng silid.

Hindi ko alam kung bakit napanaginipan ko na naman si Dumangan. Siguro dahil eksaktong dalawang taon na nang makilala ko siya. Matagal na pala talaga ang huli naming pag-uusap, umaasa ako na sana ay malayo siya sa panganib. Mukhang noong Abril na nga ang huli naming pagkikita.

Sa dalawang taong lumipas, napakarami nang nangyari sa paligid at sa mga taong aking nakilala.

"Lina, nariyan ka ba sa loob ng iyong silid?" narinig kong tanong ni Aling Nati.

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at pinagbuksan siya ng pinto. "Opo, ano po iyon?"

"Heto nga pala, nakita ko sa unang silid kung saan ka idinala nang matagpuan ka sa ilog." Inabot niya sa akin ang isang itim na lalagyan. Nanlaki ang aking mga mata at halos hindi makapaniwala sa nakikita.

BAG?! Cross-body bag ko?!

"Kakaiba ang laman niyan. Nakita ko rin ang larawan mo, mukhang sa iyong pinanggalingan ay mayroon nang kulay sa mga pangkuha ng larawan. Ibabalik ko na rin ang iyong kasuotan, sandali lamang."

Buti pala English ang nasa I.D. dahil malalaman nila na iba ang pangalan ko kung alam nila ang kahulugan ng name. Wala namang nasirang gamit. Naririto pa ang mini notebook ko, hindi nabasa dahil waterproof ang bag, gumagana din itong tatlong pen.

Tinaktak ko sa mesa ang buong bag. Grabe, nakalimutan ko na ito. Ngayon pa nagpakita. Buti pala scout ako, laging handa. May mga candy, bubblegum, biscuit, 200ml na tubig at towel. May first-aid kit, flashlight, whistle pati phone at powerbank nandito rin! May survival kit na nakalagay, sa loob ay may posporo, lighter, at swiss knife. Grabe naman pagkaparanoid ko noon, mukhang malaking tulong sa akin ngayon.

Kaso taon na ang itinanda nitong phone at powerbank, gumagana pa kaya? Sana kahit isa sa phone ko gumana. Pero bakit apat? Naalala ko dalawa lang naman phone ko noon ah. Nadoble lamang dahil tig-isa ang ibinigay sa akin ni mommy at ni daddy.

"Lina?" Nagitla ako sa biglang pagsasalita ni Inang. Dali-dali ko pang binalik sa loob ng bag ang mga gamit nang bigla niya akong tinawanan.

"Hindi naman kailangan na ilihim pa iyan sa akin, nabuksan ko rin naman iyan nang inalam ko kung kaninong pag-aari iyang lalagyan," sabi niya at ipinatong sa higaan ang school uniform ko.

"O sya, mayroon pa akong aasikasuhin sa ibaba, tila nagagalak ka sa iyong kagamitan, hayaan na muna kita. Kung ikaw ay mayroong kailangan, hanapin mo lamang ako sa silid ni Señora Hilaria." Hilaria del Rosario, pinakasalan ni Emilio sa parehong araw kung kailan nagdiriwang ng Bagong Taon, at ang araw kung kailan siya naging isang Mason.

"Nay Nati, salamat po!" Nginitian niya ako bago isara ang pinto.

Malakas pa ang ulan sa labas, sa tingin ko ay hindi ko pa machacharge ang powerbank. Ilang taon nang hindi nagagamit itong mga phone, may charge pa kaya?

Isa-isa kong pinindot ang power button, nag long press pa ako para sigurado.

"Sana gumana ka. Sana gumana ka. Sana gumana ka. Sana gumana ka. Sana gumana ka. Sana gumana ka. Sana gumana ka. Sana gumana ka. Sana gumana ka. Sana gumana ka. Sana gumana ka. Sana gumana ka."

"Anong klaseng kulam ang iyong isinasagawa?" Napabaling ako sa pinanggalingan ng boses.

"Primo!"

"Kumusta naman ang dilag? Tila matagal ka nang hindi nakakapamasyal at nakakatikim ng sinag. Nais kong makapaglibot sa Cavite el Viejo na pinamumunuan na ngayon ng aking nakatatandang kapatid. Maari mo kaya akong masamahan, binibini?"

"Kailan mo ba nais gumanyak? Mukhang hindi tayo pinagbibigyan ng panahon ngayon. Mabuti naman at ligtas kang nakarating." Napakalakas ng buhos ng ulan. Bagyo na nga yata ito.

"Tama ka, hindi sang-ayon ang langit sa nais natin. Aayusin ko na lamang ang aking kagamitan nang sa gayon ay wala na akong iisipin pa kapag umalis tayong dalawa."

"Magpahinga ka na lamang. Ika'y galing sa mahabang paglalakbay. Mukhang ilang araw din naman bago tumila ang ulan."

"Primo, ipinapatawag ka ni ina." Bumaling ang tingin namin sa binibining nakatayo sa may pintuan. Tumango naman ang aking katabi sa kaniyanh kapatid.

"Binibining Tomasa, heto na nga po pala ang ipinabibili mong Darjeeling." Inabot ko sa kanya ang isang supot ng tsaa na ipinaabot sa akin ni Manong Manuel kanina.

"Salamat Paulina, mauuna na kami." Pagkasara niya ng pinto ay sinimulan ko na namang kalkalin ang mga cellphone.

Wala na yatang pag-asa itong mga phone. Pero sana low battery lang. Ang gandang birthday gift naman nito kung sakaling magagamit ko pa.

August 7 1894
Unang kaarawan ko sa panahong ito. Si Dumangan ang kaisa-isang tao na bumati sa akin at nagbigay pa ng regalo. Siya rin ang unang tao na nakakilala sa aking tunay na sarili.

August 7 1895
Namitas lang ako ng rosas at ginawang rose vinegar yung mga petals. Pagkatapos ay kung anu-anong kahindik-hindik na kapit sa patalim ang nangyari. Wala rin naman akong ibang masisisi kung hindi ang aking sadili at ang malawak kong imahinasyon.

August 7 1896
Heto, nakatunganga lang sa salamin. Inaalala lahat ng nangyari simula nang mapadpad ako sa panahong ito.

Hala oo nga! Baka mamatay ang tanim kong rosas! Pinaghirapan ko pa naman 'yon. Halos mawalan na akong ng tulog upang malaman lang ang wastong gawain upang ipropagate. Inisip pa ni Manang na may kinukulam ako noong nakita niyang tinusok ko sa patatas ang tangkay. Hirap na hirap akong patubuhin 'yon, sayang naman kung mamamatay lang.

Nagmamadali akong pumunta sa bakuran, pinigilan pa akong lumabas ng isa sa manggagawa pero sinabi ko na napakahalaga sa akin ng halaman na iyon. Hindi ko rin alam kung bakit, basta ayaw ko na mamamatay lang, parang ang lakas kasi ng connection ko doon. Siguro dahil galing ang rosas na iyon sa nag-iisang tao na nakakaalam kung sino talaga ako. Parang iyon na lang ang nagpapaalala sa akin na ako si Riona Idianale ng modernong panahon. Kaya hindi ako papayag na masira ito ng bagyo!

"Manong Manuel, maaari ko bang mahingi ang mga kusot na ito at iilan sa mga kawayan?" tanong ko at itinuro ang mga nakasakong wooddusts at ang katabing bamboo.

"Binibining Paulina, ano ang nangyari sa iyo? Bakit basang-basa ka? Pumasok ka muna rito, kukuhanan lamang kita ng tuwalya", kumaripas siya papasok pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Manong! Hindi na po, salamat. Maaari ko po bang hingin it-"

"Oo, basta ba ay hahayaan mo akong tulungan ka sa kung ano man ang iyong binabalak gawin."

"Primo, paano ang iyo-"

"Si Inay? Nakausap ko na siya bago pa ako tawagin ni Aling Natividad. Sinabi niyang ako lang talaga ang makakapigil sa iyo" Napabusangot naman ako sa sinabi niya.

"Hindi mo ako mapipigilan," mabilis kong sambit.

"Batid ko, kaya nama'y tutulungan na lamang kita."

Sa Harap ng Pulang BandilaWhere stories live. Discover now