LIII. Abala

155 53 12
                                    

"Mga indio! Ano ang inyong pinag-uusapan?"

Bago pa namin lingunin kung sino ang nagsalita ay napansin kong nilagpasan kami ni Miling at huminto sa tindahang malapit sa aming apat. Nagkunwaring tumitingin sa mga binebenta subalit alam ko na makikinig siya sa mga sasabihin namin.

"Padre, mabuti at narito ka upang kami ay kausapin, ito na ba ang senyales ng Poon? Kung gayon ay malugod akong sasama sa Kaniya." Humawak si Claire sa braso ni Sam at aktong hihimatayin.

"May nabanggit kayo tungkol sa Supremo, ano ang inyong pinag-uusapan?" nakangiti niyang tanong ngunit bakas ang pagbabanta sa kaniyang mga mata.

"Ah! Diyos ko! Walang kahit anumang pangyayari ang makapagbibigay panatag sa aming kalooban kundi iligtas ng Supremo na siyang may likha ng lahat. Tuwing aking naiisip na ako'y kalauna'y tutungo sa kaniyang kaharian, napupuno ang aking puso ng kagalakan," pagsabay ko sa acting ni Claire.

"Padre, nawa kami'y inyong bigyan basbas upang mapanatag na ang aming kalooban. Ngayon din!" palusot naman ni Jm.

"Padre, kami'y nagmamakaawa sa inyo. Padre! Padre!!!" Lumuhod pa siya with matching hawak sa kamay effect.

"Hijo de puta! Sinasayang ninyo ang aking oras!" Padabog na lumayas ang prayle habang itong mga katabi ko ay walang tigil sa pagsisisihan.

Hindi ko naman napigilan ang aking pagtawa. Nakisabay na rin sila at nagtuksuhan pa. Napatigil lang kami nang marinig namin ang pagtikhim ni Miling. "Ano ang inyong pinag uusapan? Paanong ililigtas? Ililigtas sa anong kapahamakan?"

"Padre! Padre!!! Padre de pamilya sa tahanan ni Riona-ACK!" Huli na nang mapagtanto kong nasapak ko pala sa braso si Jm dahil sa sinabi niya kay Miling.

Tahimik lang siyang nakatingin sa amin at nag-aabang sa sunod na sasabihin ngunit bakas sa kaniyang mukha niya ang pagkainip. "Jm! Ano ka ba! Hindi ba at sinabi ko na sa iyo na masamang magbiro sa mga matatanda?" Lalo namang nagsalubong ang kaniyang kilay dahil sa sinabi ni Claire.

"Sinabi mo ba na matanda na ang ginoo? Tama ka nga, hindi siya makatanggap ng isang biro. Napakaselan naman niya kung hindi niya rin matatanggap na siya ay matanda na talaga," panggagatong pa ni Jm sa sinabi ng nauna.

Napansin ko namang nagtanguan itong tatlo na pasakit sa buhay. Sunod ko na lang na nalaman ay hinatak na ako ni Sam palayo kay Miling. Si Jm at Claire naman ay magkahiwalay rin ng tinahak na destinasyon. Huminto kami sa puno ng sampaloc na katapat ng simbahan.

"Anong klaseng kalokohan iyon?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Samantha.

"Mahh... mamaya..." habol hininga niyang sambit habang nakahawak sa pader. Hinayaan ko muna siyang mahimasmasan bago muling nagtanong.

"Bakit kayo tumakbo? Palagi niyo ba ginaga-"

"Sam! Rio!"

"Oh Claire? Wala pa si Jm?"

"Ewan ko, siya yata napagdiskitahang habulin ni Jacinto ngayon eh. Swerte mo kasi kahit nasa iyo si Rio, hindi kayo ang hinabol. Hihintayin pa ba natin iyong isa?"

"Oo! Grabe naman kung hindi, hinihintay niya nga tayo lagi."

"Ibig sabihin ay parati nga ninyo tinatakbuhan si Miling?" taas-kilay kong pagsingit sa kanilang usapan.

"Syempre!" sabay nilang sagot at mukhang proud pa sila sa ginagawa nila.

"Ano ba kayo, ginawa niyo pang baby sitter, buti pa ang aso nadidisiplina."

"Tara uwi!"

"Oh, ayan na pala si Jm eh." Ibinaling ko ang aking tingin sa pinanggalingan ng boses dahil sa sinabi ni Sam.

Sa Harap ng Pulang BandilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon