XXVIII. Maceta

197 63 36
                                    

Salamat sa tulong mo Primo pasensya na, pati ikaw ay napagsabihan ni Pulong.

Wala iyon, masaya naman ako sa aking bagong natutuhan. Ang kawayan na itinali mo sa sanga ng rosas ay inilagay upang hindi ito mabali, ngunit hindi ko mawari kung para saan naman ang mga kusot?

Ah iyon ba? Dahil patag ang lupa, malulunod ang ugat ng halaman kung hindi ko lalagyan ng kahoy o ng kusot. Iyon kasi ang sumisipsip sa tubig ulan.

Kung gayon ay bakit hindi na lamang bumili ng paso?

Dalawang real ang isang paso, at hindi pa magkakasya ang halaman kaya hindi na lamang.

"Paulina? Nakikinig ka ba?" Naputol naman ang pagbabaliktanaw ko nang magsalita siya.

"Ano? Pasensya na, may inaalala lang ako."

"Mas mahalaga pa kaysa sa akin?" Bigla namang bumagsak ang ngiti niya.

"Huwag ka ngang magtampo, para ka namang bata." Kulang na lang mag-pout siya. Kung uso lang iyon dati, baka ginawa niya na rin.

Nandito kami ngayon ni Primo sa bilihan ng mga paso. Napagpasyahan niyang ilipat na ang tanim upang hindi na maulit ang nangyari noong nakaraan. Dapat ay ako na lang ang pupunta pero sinamahan niya pa rin ako para daw may magbubuhat ng mga bibilhin ko. Pero alam ko na pinagsabihan siya ni Miong na huwag na akong hahayan pagala-gala mag-isa. Hindi maipagkakaila na magsisimula na ang malagim na kasaysayan sapagkat hindi ko sinasadyang matagpuan sa opisina ni Miong ang isang diyaryo na pinamagatang Kalayaan.

"Aba'y kanina pa ako nagtatanong kung anong ibig mong bilhin, hindi naman pala nakikinig sa akin ang binibini." Natawa naman ako dahil sa pagiging sarkastiko niya, parang ganun kasi magsalita ang nanay ko tuwing pinagsasabihan niya ako.

"Inaalala ko lang naman ang nangyari noong nakaraang araw. Pinag-iisipan ko kung puputulin ko na ba ang halaman o hahayaan ko na lamang itong nakatanim sa bakuran."

"Mas mainam pa na bumili ka na lamang ng maraming paso upang mailipat mo na lamang ang ibang bahagi kapag lumago na ang rosas."

"Mahusay! Bakit kaya hindi sumagi sa isip ko iyon?"

"Ikaw na ang bahalang pumili kung ano ang nais mong bilhin. Karamihan dito ay yari sa luwad."

Nag-ikot muna ako sa loob ng tindahan, halos maliliit lahat ng binebenta nilang paso dito. Nakakatakot naman gumalaw, baka may mabasag kapag nasagi ko. Puro gawa sa clay. Ako lang yata ang plastik sa panahong ito. Plastikadang Paulina, kahit pangalan, puno ng kasinungalingan.

"Primo, nakapili na ako." Nilapitan ko siya pagkatapos kong bayaran ang mga pinamili ko.

"Ako na ang magbubuhat niyan." Inabot ko naman agad sa kaniya dahil hindi siya titigil kakaputak kapag pinagpilitan ko pa na kaya ko namang dalhin iyon.

"Tutulungan na rin kitang ilipat ang iyong pinakamamahal na halaman," sabi niya sabay tawa.

"Halaman lang ang iniibig ko, hindi ko kailangan ng irog," sagot ko at nakitawa na rin.


Pagkauwi namin ay sinabihan agad ako ni Nay Nati na hinahanap raw ako ni Felicidad. Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin? Natatatakot na akong makinig sa mga pabor niya, huling beses ay muntik pa kaming mahuli ng mga Guardia Civil dahil lang nais niyang masilayan sa Ateneo si Gregorio. Kung hindi pa kami sinundan ni Primo ay baka nadakip pa kami.

"Primo? Sa iyo ba ito?" tanong ko habang nakatingin sa binili namin kanina. Sa pagkakaalala ko ay tatlong paso lang naman ang binili ko. Dinouble check ko rin naman kanina yung lalagyan, pero ngayon ko lang napansin na mayroong nadagdag na gamit.

"Binili ko iyan para sa iyo," sagot niya habang nakatalikod sa akin.

"Hindi ka pa nga tumitingin," Parang ewan naman ito. Hindi pa nga niya nakikita. Ano 'yan? Super Nanay level na ba siya at may mata na sa buong bahagi ng katawan?

"Alam ko naman kung ano ang iyong itinutukoy kahit pa hindi ako lumingon sa iyong gawi. Hayaan mo na akong magbigay ng regalo sa iyo, aalis na rin naman ako kinabukasan." Patuloy pa rin siya sa pagbuvungkal ng lupa.

"Ano ba ito?" tanong ko na lang dahil wala nang patutunguhan itong usapan namin kung pipilitin ko siyang patinginin.

"Porselana," tipid niyang sagot.

Cinareer niya na ang pagiging hardinero ah! Focused na focused sa ginagawa, ayaw magpaistorbo. Lumapit na lang ako sa kanya at nang makapagsimula na rin akong maghukay.

"Para saan naman iy-" Hindi ko pa naitatanong kung para saan yung binili niya nang putulin niya ang aking sinasabi.

"Binibini! Hayaan mo na akong ginoo na ang gagawa nito," natataranta niyang sambit nang makita niyang hawakan ko ang pala.

"Bakit kita hahayaan? Hindi ko pa nga alam kung para saan ang binili mo." Walang connect pero nabobother ako kasi siguradong mas mahal pa yung porselana kaysa sa luwad na paso.

"Porselanang paso, para naman mayroon kang maididisenyo sa iyong silid." Kakayanin kayang mabuhay kapag indoor yung rose?

"Ahh, salamat. Napagastos ka pa, ikaw na nga ang pinagbuhat ko ng mga bilihin." Nagsimula na akong maghukay, hindi alintana ang kaniyang pagmamakaawa. Ilang beses pa siyang nagsabi ng binibini at itigil mo na iyan pero 'di ko siya pinapansin wari'y hangin lamang sa aking pandinig.

"Paulina, maaari ba kitang makausap?" Napatigil naman ako sa aking ginagawa. Hindi ko kailangan iangat ang ulo ko para malaman kung sino ang nagsalita. Sa tono pa lang, alam ko na kung sino, ang pinakainiiwasan ko kaya hindi ako pumapasok sa loob ng bahay.

"Tamang-tama ang iyong pagdating Ate Fely! Hayan, makipag-usap ka na kay Paulina. Ilang ulit ko na siyang pinatitigil sa pagbubungkal. Isama mo na siya sa loob ng tahanan."

No choice huh?

"Sige na Paulina, ako na ang bahala dito," saad ni Primo na siya namang tinanguan ko.

Nagtungo kami sa sala. Nasa kani-kaniyang silid yata ang iba dahil kaming dalawa lamang ni Felicidad ang naririto ngayon.

"Paulina, balak ng aking ina na pansamantala muna tayong pumunta sa Zapote, sa bahay nila Tiya Marcela hanggang sa katapusan ng Nobyembre."

"Tayong dalawa lamang? Paano naman po si Ate Tomasa?" Bakit ako kung si Tomasa ang kapatid niya? Baka magitla pa ang tita nila kapag hindi naman niya kilala ang pupunta.

"Higit na kailangan ni Hilaria ang tulong ni Tomasa lalo na at kakalipat niya lamang sa ating tahanan. Kakailanganin ko rin naman ang iyong tulong sapagkat matagal akong manunuluyan roon." Another no choice huh?

"Kailan daw po tayo tutungo roon? Ihahanda ko na ang ating mga dadalhin."

"Salamat, ako na ang bahala sa aking kagamitan. Asikasuhin mo na lamang ang iyong sarili. Sa darating na katorse na ang ating paglisan. Balita ko ay balak raw akong hanapan ng asawa," binulong niya ang huling pangungusap subalit hindi ito nakalampas sa aking pandinig. Bago pa ako makasagot ay nakaalis na siya, halata ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Tila ba mayroon siyang hinihintay at nais niyang tutulan ang naging pasya ng ina.

Katorse? Kung gayon ay sa makalawa na iyon. Bakit naman biglaan ang aming pag-alis? Dahil ba naikasal na si Emilio, kaya ba kailangan na ring makahanap ang kaniyang kapatid?

Sa Harap ng Pulang BandilaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt